chapter 58

13.4K 292 0
                                        

Sophia P.O.V

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng magising ako sa clinic pero hanggang ngayon ay wala parin kaming nakikitang kakaiba sa paligid, pero kahit na ganon ay hindi parin kami nagiging kampante. Mas naging maingat rin kami at palaging magkakasama.

*tok*tok*tok*

Narinig kong katok na agad namang pinagbuksan ni mica na galing sa kusina, gabi na rin kasi kaya nagluluto na siya ng pagkain namin habang ang iba naman ang nasa kani kanilang kwarto at may kanya kanyang ginagawa.

'bakit po'- narinig kong tanong ni mica pagkabukas niya ng pintuan.

'I-ipinapatawag po kayo ni headmaster'- magalang na sambit ng kausap ni mica na sa tingin ko ay isa ring estudyate.

'Bakit daw?'- tanong ni mica.

'Hindi ko po alam, sige po at aalis na ko'- sambit ng lalaking kausap ni mica

'sige, salamat'- sagot naman ni mica bago tuluyang isara ang pinto.

'Bakit naman kaya kami ipinapatawag ni HM'- pagkakausap ni mica sa sarili habang pabalik sa kusina, hindi niya siguro ako nakita kaya tuloy tuloy lang siya sa paglalakad =_=.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag babasa ng librong hawak ko habang nag hihintay sa mga kasama ko. Ang librong hawak ko ay tungkol sa mga dark user, kong ano ang mga kakayahan nila at kahinaan nila.

Simula ng umalis ako ng palasyo ay palagi ko nang pinag aaralan ang tungkol sa mga dark user,para kong sakaling dumating ang araw na makaharap ko sila ay alam ko na ang gagawin. Ngunit kahit na patuloy ko paring pag aralan ang kakayahan at kahinaan nila ay hindi parin ako nakakampante lalo na't alam kong madumi kong makipag laban ang mga dark user. Lahat gagawin nila kahit ang pumatay ng mga inosente masakop lang ang buong magic world.

'KAKAIN NA!!!!'- sigaw ni mica sa bukana ng hagdan na nagpabalik sa akin sa realidad.

Agad na kong tumayo at naglakad patungong dinning room at ng nasa likod niya na ko ay siya namang lingon niya.

'AY PALAKANG LUMILIPAD'- sigaw ni mica ng makita ako sa kanyang likod. Habang ako naman ay ganito ang reaksyon=_____= . Mukha na akong palaka? At kailan pa lumipad ang palaka?.

'Ka-kanina ka pa diyan?'- tanong niya na sinagot ko naman ng tango at hindi na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin saka nagtungo sa dinning room.

@ dinning room.

'Ipinapatawag pala tayo ni HM'- sambit ni mica habang kumakain kami. Na ikinatigil ng mga kasama ko.

'Bakit daw?'- tanong naman ni tracy.

'Hindi ko alam'- sagot  ni mica.

'Kong ganon ay bilisan na natin ang pagkain at baka importante ang sasabihin niya'- seryosong sambit ni ethan na sinagot naman nila ng tango.

Tahimik lamang kaming kumain habang iniisip kong ano ang sasabihin ni HM, hindi kasi basta basta nagpapatawag si HM lalo na kong ganitong oras, mag aalas otso na ng gabi, kadalasan kasing hapon o kaya naman ay umaga niya kami ipinapatawag.

##Fastforward##

@ HM office

'bakit niyo po kami ipinatawag HM?'- tanong ni melody ng maka pasok kami sa opisina.

Hindi ko alam kong bakit pero pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko.

'May ipapagawa ako sa inyo' -seryosong sambit ni HM sa amin.

'Ng ganitong oras?'- nagtatakang tanong ni vince.

'Oo, gusto kong agad niyong simulan ang intong misyon ngayon misyo' -sambit niya na sinagot naman ng tango ng mga kasama ko.

'Ano pong misyon?'- tanong ni dylan

'Gusto kong kunin nyo ang mga sagradong bato' -seyosong sambit ni HM na ikinabigla namin.

'Pero hindi maaari iton. Ipinagbabawal ang pagkuha sa mga sagradong bato' -pagsasabat ni troy

'Sundin nyo na lang ang inuutos ko'- galit na turan ni HM sa amin na ikinakunot ng noo ko. Kalmadong tao si HM kaya naman nakakapagtaka ang kinikilos niya ngayon.

'Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo, sampong bato ang hahanapin nyo kaya tatlong bato ang hahanapin ng una at pangalawang grupo habang apat naman ang hahanapin ng pangatlo.'- mahinahon niyang sambit na sinagot na lamang namin ng tango.

Kaito, troy, mica,.tracy, melody kayo ang unang grupo. kate, mark, alex, haru, tracy kayo naman ang pangalawa. dylan, fiona, vince, sophia kayo ang pangatlo. Heto na ang mga mapa ng bato '- sambit ni HM sabay lahad sa amin ng mapa.

'Hindi po ba parang napaka unfair naman na apat lang ang pangatlong grupo samantalang apat na bato ang hahanapin nila'- sambit ni tracy.

'Pinangungunahan mo ba ako miss Icean?' -naiinis na sambit ni HM

'Hindi naman po--'- tracy

'Kong ganon ay manahimik ka na lang '- naiinis niyang sambit habang ako naman at matamang nakatitig sa kanya.

'Makaka alis na kayo'- sambit niya

'Where's HM lance?'- malamig kong tanong na medyo ikinabigla niya.

'M-may inaasikaso lang siya. maari na kayong umalis'- sambit niya.

Pabalik na kami sa aming dorm pero hindi parin maalis sa isip ko ang kanina, alam kong may nangyayaring hindi namin alam at sinisigurado kong aalamin ko yon.

'May napapansin ba kayo kay HM kanina?'  Tanong ni dylan ng makarating kami sa dorm.

'Ang weird niya ngayon'- dugtong naman ni kate na sinagot naman namin ng tango.

'Kukunin ba talaga natin ang mga bato?'- tanong ni melody, miski ako ay hindi alam kong susundin ba namin ang utos ni HM. Ipinagbabawal kasi ang pagkuha sa mga sagradong bato dahil sa napakadelikado nito.

'Kailangan na muna nating kausapin ang mga hari at reyna'- malamig na sambit ni kaito na sinang ayonan naman namin.

'kong ganon ay pupunta na muna tayo sa mga hari at reyna para kausapin sila,mas magandang bukas nang umaga na natin simulan sa ngayon ay kailangan na muna nating mag impake'- sambit ni fiona bago kami nagkanya kanyang akyat sa kwarto namin.


Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon