chapter 51

15.3K 360 9
                                    

Headmaster Dave P.O.V

'Bakit nyo po kami ipinatawag HM dave?'- agad na tanong ni miss fiona ng makapasok sa aking opisina. Papunta na sana ako kanina sa training room para sa pag titrain ko sa mga bata ng may masamang balita na nakarating sa akin.

'Kailangan niyong pumunta sa Liruz City at Geria City'- seryoso kong sambit na ikinakunot ng noo nila.

'Why?=_='- malamig na tanong ni kaito.

'Nilulusob ng mga dark user ang Liruz at Geria city. Mica, vince, ethan,fiona, melody, kaito kayo ang pupunta sa Liruz city. haru, mark, alex, toy, tracy, kate kayo naman sa Geria City. Ngayon na kayo aalis kaya mag handa na kayo. Lance samahan mo sila sa portal'- seryoso kong paliwanag.

'Ok kuya. Mga bata halina kayo'- sambit ni lance at nauna nang lumabas.

Napahilot na lang ako nang aking sintido ng maka labas na sina lance. Sunod sunod na ang problemang aming kinakaharap, nagsisimula na ring mang gulo ang mga dark user kaya hindi ko na alam kong anong gagawin ko.

Alam kong nag sisimula pa lang ang mga dark user sa kanilang mga plano, hindi talaga sila titigil hangat hindi nila nasasakop ang buong magic world.

Mica P.O.V

Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng portal ay mga sira sirang bahay na agad ang tumambad sa amin. Halos manlomo ako sa mga nakikita ko, nagkalat ang magic user na sugatan at ang iba naman ay binawian na ng buhay.

Hindi na kami nagsayang pa ng oras at agad na tumulong sa pakikipag laban, gumawa ako ng bow and arrow na gawa sa aking kapangyarihan at agad na tinira ang isang lalaking akmang sasaksakin ang bata. Mga wala talagang puso ang mga dark user, pati ang walang kamuwang muwang na bata ay dinadamay nila.

Natamaan ng arrow ang dark user sa kanyang balikat kaya naman na tuon ang kanyang pansin sa akin. Nalilisik ang kanyang matang tumingin sa akin. Bago pa man siya makapagpalabas ng kanyang kapangyarihan ay muli ko na siyang tinira na dumeritso sa kanyang puso.

Agad akong lumapit sa batang lalaki na naka salampak sa lupa at ito'y tinulungan.

'Ayos ka lang ba?'- nag aalala kong tanong sa bata na kasalukuyang umiiyak.

'S-si m-mama'- nauutal na sambit ng bata habang patuloy na umiiyak.

Hindi ko na muna siya tinanong nang kong ano ano at inakay patungo sa lugar kong saan nakikita kong magiging ligtas siya at nang masiguro kong ligtas na siya at agad na kong umalis at tumulong sa iba.

Kaito P.O.V

Nang makarating kami sa Liruz City ay agad na kaming nag kanya kanya para tumulong sa pakikipag laban.

Nag palabas ako ng lava chain sa aking magkabilang kamay at agad na ipinupulupot sa mga nakikita kong dark user na nagiging sanhi ng kanilang pagkasunog.

'Kahit kailan talaga, masyado kayong pakialamerong mga taga academy'- galit na sambit ng lalaking nasa harap ko habang nakapalibot naman sa kanya ang mga halimaw na naglalaway pa. Sa tingin ko ay siya ang namumuno sa mga dark user na umataki dahil siya ang mas nangingibabaw ang lakas.

'Tsk'- ako.

'Mamatay na kayong mga pakialamero kayo. Sugurin siya'- sambit niya habang may nanlilisik na mata.

Agad naman siyang sinunod ng mga halimaw at sabay sabay na sumugod sa akin.

Nagpalabas ako ng laba at agad na ipinalibut sa paligid ko na ikinatigil na mga halimaw. Hindi sila nakakalapit sa akin dahil  oras na umapak sila sa lava ay magiging abo sila.

Dahil sa galit ng lalaki ay muli siyang nag palabas ng mga halimaw ngunit sa pagkakataong ito mga halimaw na may kakayahang lumipad ang kanyang ipinalabas.

Habang abala ako sa pagpapaulan ng lava sa mga halimaw sa himpapawid ay siya namang patuloy na pagsummon ng lalaki sa mga halimaw. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa hindi ako makalapit lapit sa lalaki dahil bago pa man ako makalapit ay hinaharangan agad ako ng mga halimaw may mga natamo na rin akong sugat ngunit hindi ganon ka lalim pasalamat na lang ako sa talas ng aking pakiramdam dahil baka kanina pa ko nagkakalasog lasog dahil sa mga halimaw na nakapaligid sa akin. Lumipas ang ilang minuto ng bigla na lang mawala ang mga halimaw at nakita ko na lang na nakabulagta ang lalaking kaharap ko kanina habang sa likod naman nito ay nakatayo si ethan na hindi maalis alis ang ngisi sa mukha.

'Mukhang humihina ka na pinsan *smirk*'- nakangising sambit ni ethan. Minsan na nga lang magsalita nang aasar pa =_=.

'Tsk'- Ako na lang pala ang natitirang nakikipag laban.

Kate P.O.V

Hindi ko maiwasang mapaluha ng makarating kami sa Geria City. Huli na ng dumating kami dahil naka alis na ang mga dark user. Maraming bangkay na nakakalat sa paligid at maging ang mga bata matatanda ay hindi pinalagpas.

'Maghiwa hiwalay tayo at para makita kong may mga nakaligtas=_='- malamig na sambit ni Haru at hindi rin naka ligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao at galit sa kanyang mata. Hindi ko siya masisisi dahil maging ako ay galit at awa rin ang nararamdaman. Galit para sa mga dark user at awa naman para sa mga biktima.

Agad kaming nag hiwa hiwalay at isa isang tinignan ang mga bahay, maging ang mga bahay ay sinunog rin kaya naman nawawalan na ko nang pag asang may makikita pa kaming buhay.

Babalik na sana ako sa aking mga kasama ng may pahagip ang mata ko. Agad akong lumapit sa bato  na may maliit na butas pailalim. Kahit na hindi sigurado ay pinilit ko paring  abutin ang nasa loob ng butas.

Halos mapaluha ako ng makita ang sangol mahimbing na natutulog sa kabila ng kaguluhang nanyayari. Agad na kong bumalik sa mga kasama ko habang akay akay ang batang natutulog at nang makarating ako ay nakita kong may kasama silang hindi aabot sa sampo at ang iba pa ay sugatan.

Agad na lumapit sa akin ang mga kasama ko at kita ko sa mata nila ang awa habang nakatingin sa bata.

'Napaka bata pa niya pero nararanasan niya na ang ganito'- naaawang sambit ni tracy.habang ang mga kasama naman namin ay tahimik lang.

Bago kami bumalik sa academy ay binigyan na muna namin ng paunang lunas ang mga sugatan habang ang mga namatay naman ay binigyan namin ng maayos na libing.

'Tara na sa academy'- seryosong sambit ni Haru nang mailibing namin ang mga namatay. Tahimik namang tumango ang mga kasama ko at isa isang tinulungan at mga nakaligtas. Simula pa lang ng makarating kami rito ay napansin ko na ang pagiging tahimik ng mga kasama ko.

Sana lang ay wala nang mamatay, kahit na alam kong imposible.

_____________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon