chapter 89

10.4K 281 21
                                    

Third person P.O.V

Ilang oras na lumipas ngunit tila wala paring kataposan ang digmaang nagaganap.

Marami na ang patay habang ang iba naman ay nanghihina na dahil sa pagod.

Maging ang mga hari at reyna nang bawat kaharian ay nanghihina na rin dahil sa labis na paggamit nang kanilang kapangyarihan at dami nang sugat na kanilang natamo sa dami nang kanilang nakalaban.

Halos hindi naman makatayo ang mga black elites dahil sa dami nang sugat nila na kagagawan ni haring malum habang si sophia naman ay patuloy parin sa pakikipag laban.

Sophia P.O.V

Madami na ang sugat na natamo nang mga kaibigan ko kaya naman inutusan ko na muna si val na dalhin sila sa healer. Noong una ay ayaw pa ni val dahil sa gusto niyang tumulong ngunit agad ko rin itong tinutulan. Hindi ako papayag na may mawala sa mga kaibigan ko, kong noon ay ako ang kanilang pinoprotektahan ngayon naman ay sila ang aking poprotektahan.

'Matibay ka rin prinsesa, hindi magtatagal ay matutulad ka rin sa mga kaibigan mo at sabay sabay ko kayong papatayin'- nakangisi niyang sambit.

'Hinding hindi mangyayari yon dahil ako ang papatay sayo'- malamig kong sambit saka nagpalabas nang isang blue fire sa kaliwang kamay habang ice naman sa kabila.

'masyado kang mahina para matalo ako kahit na ikaw pa ang prinsesa nang invictus kingdom*smirk*'- sambit niya habang may ngising demonyo.

Nalaman niya kanina na ako ang prinsesa nang palabasin ko ang aking kapangyarihan at lumabas rin ang malaginto kong mata at buhok na nagpapatunay na ako ang prinsesa ng invictus kingdom  ngunit imbis na mabigla ay tila natuwa pa siya nang malamang ako ang kaharap niya.

Hindi na lamang ako kumibo at sabay na ibinato sa kanya ang ice ball at blue fire ball ngunit nasangga niya lang ito gamit ang kanyang itim na kapangyarihan.

Mahirap kalabanin ni malum dahil sa isang ipinagbabawal na kapangyarihan ang kanyang ginagamit. Lahat na user ay pinagbabawalang gumamit nang itim na kapangyarihan dahil oras na gumamit ka nito ay nakasangla na ang iyong kaluluwa sa demonyo.

Mabilis siya umataki gamit ang kanyang kapangyarihan habang ako naman ay gumawa nang 10 layer shield ngunit sadyang malakas ang kanyang kapangyarihan at nagawa pa itong wasakin na ikinatilapon ko.

Kapwa sugatan na kami ni malum at dahil sa ilang oras na paglalaban. Maraming dugo na rin ang nawala sa akin kaya medyo nang hihina na ako.

'Ano kaya mo pa ba? Hahaha'- nang iinsulto niyang sambit saka ako muling binato nang itim na kapangyarihan na siyang nagpasuka sa akin nang dugo.

'H-hindi ka ma-mananalo'- nanghihina kong sambit saka pilit na tumayo. Halos nagamit ko na ang lahat na kapangyarihan ko kanila pero tanging sugat lang ang kanyang natatamo na tila wala lang sa kanya.

Nagpalabas ako nang lava at lightning twin sword at agad siyang sinugod. Agad niya naman itong nasangga ngunit hindi niya napansin ang isa ko pang espada na nagsanhi nang malalim na sugat sa kanyang tagiliran.

Kita ko ang pag agos nang dugo sa kanyang katawan ngunit parang wala lang ito sa kanya. Tila hindi man lang siya nakakaramdam nang sakit habang ako ay nanghihina na.

Hindi ko na naiwasan pa ang kanyang biglaan pag atake na humiwa sa aking binti, mabuti na lang at medyo malayo ako sa kanya kaya medyo mababaw lang ang sugat.

Nakita kong palapit sa amin ang aking mga kaibigan kaya kahit na alam kong mas lalo akong manghihina ay gumawa ako nang 20 layer barrier sa paligid namin ni malum. Kailangan ko nang tapusin ang laban na to, marami nang buhay ang nasayang dahil sa kasakiman ni malum.

Dahan dahan kong ipinikit aking mga mata at pinakiramdaman ang aking sarili. Unti unti kong inipon ang lahat nang aking kapangyarihan sa aking loob. Rinig ko pa ang pagsigaw nang mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila pinansin habang si malum naman ay pilit na sinisira ang kapangyarihang bumabalot sa akin ngunit hindi niya magawa.

Malum P.O.V

Akala ko ay susuko na ang babaeng kinahuhumalingan nang aking anak at prinsesa nang invictus kingdom nang pumikit ito kaya hindi ko maiwasang mapangisi ngunit agad rin itong napawi nang makita ang isang puting kapangyarihang bumabalot sa kanya. Alam ko ang kanyang ginagawa, isa ito sa mga kakayahan nang mga royalties nang invictus kingdom ngunit ang lahat na sumubok nito ay namatay.

Ganon niya ba kamahal ang mga light user at maging sarili niyang buhay ay ibibigay niya? Tsk kalukohan, nababaliw na siya.

Pilit kong sinisira ang kapangyarihang bumabalot sa kanya ngunit hindi man lang ito natinag at bigla na lang nawawala ang aking kapangyarihan sa tuwing tumatama sa kanyang kapangyarihan.

Kaito P.O.V

'SHIT AYA, STOP IT'- sigaw kong nang malaman ang kanyang gagawin.at pilit na sinisira ang barrier na kanyang ginawa ngunit kahit na gasgas ay hindi ko man lang magawa. Napaka inutil ko, nasa pangganib na ang taong mahal ko ngunit hindi ko man lang siya magawang tulungan.

'W-wag sophia'- umiiyak namang sambit ni melody.

'Hindi ito pwede, kailangan natin siyang pigilan'- natatarantang sambit ni tracy.

Tulong tulong na kaming magkakaibigan sa pagsira nang barrier na kanyang ginawa ngunit hindi parin namin magawang sirain to, kahit na nawawalan na nang pag asa ay patuloy parin kami sa pagsira nang barrier at kitang kita ko ang mga luha sa mata nang mga kasama ko, maging ako ay hindi ko rin napansing umaagos na rin ang aking mga luha.

'Thank you for everything guys, I love you kai'

Narinig kong tinig ni sophia sa aking isip at sa tingin ko ay maging ang mga kaibigan ko ay narinig din.

Kitang kita namin ang pagsabog nang puting kapangyarihan ni sophia habang ako naman ay nanghihinang napaupo sa lang sa lupa.

Ang puting kapangyarihan ay isang regalo para sa mga royalties nang invictus kingdom ngunit iilan lang ang may kakayahang gumawa nito. Kinakailangan nilang ipunin ang lahat nang kanilang lakas at kapangyarihan para magawa ito ngunit sadyang mapanganib ito dahil kadalasang buhay nang may gawa ang nagiging kapalit.

Mabilis akong tumakbo palapit sa pwesto ni sophia nang mawala ang barrier, hindi pa naaalis ang puting liwanag  kaya hindi ko agad siya mahanap. Ramdam ko ang pagbalik nang aking lakas at pagkawala nang aking sugat, isa ito sa mga epekto nang kanyang kapangyarihan.

Nang mawala ang liwanag ay agad ko siyang dinaluhan kong saan siya nakahandusay.

Nakita ko pa ang katawan ni malum na nakahandusay habang unti unting nagiging abo.

'Hey Aya'- sambit ko habang mahina siyang inaalog.

'S-sophia'-sambit ni haru nang makalapit habang ang iba naman ay tahimik lang na umiiyak.

'H-hindi na siya h-humihinga'- mahinang sambit ni ethan.

'No. Hindi pa siya patay'- hindi naniniwala kong sambit. Hindi parin ako nawawalan ang pag asang buhay siya kaya agad ko siyang kinarga at mabilis na tumakbo papunta sa mga healers.

Wala na kong pakialam sa paligid at patuloy lang na tumatakbo habang ang mga kaibigan ko naman ay nagsisunuran na lang.
_________________________________________

Happy ending

          O

Tragic ending?

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon