chapter 44

15.3K 451 26
                                    

Queen Diana P.O.V

'anong sa tingin mo kay sophia mahal?'-tanong ko sa aking asawa ng maka alis si sophia.

'Malakas'- simpleng sagot ng aking asawa

'*pout* alam ko namang malakas siya, hindi naman siguro siya ipapadala ng fortis academy kong mahina siya. Ang ibig kong sabihin ay ang ganda niya no?^__^'- childish kong sambit sa aking asawa.

'At ano nanaman ang tumatakbo diyan sa utak mo?'- tanong ng aking asawa habang mataman saking nakatingin. Hihihi kilala niya talaga ako.

'Wala naman, naisip ko lang na bagay sila ng anak natin hihihi'- kinikilig kong sambit.

'Hay naku mahal, huwag mo ngang pangunahan ang nga bata'- naiiling namang sambit ng aking asawa.

'*pout* pero gusto ko siya, ang astig at ang cool niya kasi'- parang bata kong sambit.

'Ayan kananaman eh'- sambit ng asawa ko.

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng throne room at iniluwa nito ang aking napaka gwapong anak na nagmana sa akin hihi.

'Hey mom, dad ^_^'- nakangiting sambit ng aking anak.

'Wahh anak ko namiss kita'- sambit ko
at patakbong lumapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

'Mom nagkikita pa lang po tayo kanina'- sambit nang anak kong si dylan.

'Kahit na miss pa rin kita'- parang bata kong sambit saka siya binitawan sa pagkakayakap.

'Kamusta ang school dylan?'- tanong ng aking asawa.

'Boring'- plain namang sagot ng aking anak sabay hikab.

'Alam mo ba anak na dumating na ang magbabantay sayo at alam mo bang ang ganda ganda niya, ang puti niya, ang kinis ng balat niya ang-'- ako

'magbabantay?'- pagpuputol sa akin ng aking anak, ang bad niya talaga.

'Oo anak, nagpadala ang magical world ng pansamantalang magbabantay sayo'- paliwanag ng aking asawa.

'But dad, kaya ko na ang sarili ko'- maktol naman ng aking anak.

'Mas maganda na ang sigurado'- sambit ng aking asawa.nakikita ko ang pagtutol sa mukha ng aking anak ngunit mas pinili niya na lamang ang manahimik.

'Ok bahala kayo. Pero maganda? Ibig sabibin babae.Baka naman walang ibang alam gawin yon kundi ang maglandi'- sambit ng aking anak sabay irap.

'Anak?'- pagtatawag pansin ko sa aking anak na ikinalingon niya naman.

'Yes mon?'- dylan

'Bakla ka ba?'-tanong ko, diba kasi babae lang ang nag iirap? Ala baka bakla nga talaga ang aking anak . No no no hindi na ko magkaka apo.

'WHAT? Seriously mom, ako bakla?'- hindi maka paniwalang sambit ni dylan habag nakaturo sa sarili na sinagot ko na lamang ng tango.

'Hahaha tara na nga at baka mag away pa kayong mag ina'- sambit ng aking asawa saka ako hinila paunta sa aming upuan.

*tok*tok*tok*

Narinig naming katok sa double door

'Pasok'- medyo may kalakasang sambit ng aking asawa.

'Mahal na reyna, mahal na hari, mahal na prinsepe nakahanda na po ang haponan'- magalang na sambit ng isa sa aming tagapag lingkod.

'sige pupunta na kami, paki na tawag na rin si sophia'- sambit ng aking asawa.

'Masusunod po mahal na hari'- magalang na sambit ng aming tagapag lingkod bago tuluyang lumabas.

Sophia P.O.V
*tok*tok*tok*

'Lady sophia, ipinapatawag po kayo ng mahal na hari para maghaponan'- magalang na sambit ng isang tagapaglingkod sa labas ng aking kwarto.

'Ok'- walang emosyon kong sagot.

.
.
.
Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa hapag kainan ay tumambad na agad sa akin ang napakaraming pagkain at nakahelerang tagapag silbi.

'Nandito ka na pala sophia^_^, halika na at tumabi ka sa anak kong si dylan ng makakain na tayo'- masayang sambit ni tita diana habang naka turo sa lalaking nakatalikod sa akin. Agad ko namang sinunod ang kanyang sinabi at tumabi sa tinatawag niyang dylan.

'Siya nga pala sophia siya si dylan ang nag iisa naming anak at siya rin ang babantayan mo^_^'- sambit naman ni tito lynard. Hindi ko inaasahang kasing edad ko lang pala ang babantayan ko, ang akala ko ay bata pa ang tagapag mana kaya ito pinapabantayan sa akin.

Hindi man lang lumingon sa akin ang anak nila tito at tita at patuloy lang sa pagkain kaya naman hindi ko na rin siya pinansin at nagsimula ng kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng makarinig ako ng nahulog na kutsara na naging dahilan ng paglingon namin sa aking katabi. Hindi ko alam kong natatakawan ba sa akin si dylan at nakangangang nakatitig sa akin habang bumubungisngis naman si tita.

'may problema ba anak?'- tanong ni tito habang may ngisi sa mga labi.

'Hihihi sabi na sayo eh'- sambit naman ni tita.

'Problem?=_='- malamig kong sambit ng makitang nakatitig parin sa akin si dylan.

'A-ah wala'- sambit niya at muling itinoon ang pansin sa pagkain.

Dylan P.O.V

Tahimik lamang akong kumakain habang hinihintay namin ang sinasabing magbabantay sa akin, ok lang sana kong lalaki ang magbabantay sa akin pero bakit babae pa. Kong iniisip nyong bakla ako ay nagkakamali kayo, hindi ako bakla sadyang ayaw ko lang sa mga malalandi.

'Nandito ka na pala sophia^_^, halika na at tumabi ka sa anak kong si dylan ng makakain na tayo'- masayang sambit ni mama habang ako naman ay patuloy parin sa pagkain

'Siya nga pala sophia siya si dylan ang nag iisa naming anak ay siya rin ang babantayan mo^_^'- pakilala sa akin, hindi na ko nag abala pang sumulyap sa kanya at kain lang ng kain,

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng mapasulyap ako sa aking katabi na naging dahilan ng pagkahulog ng aking kutsara. Kahit naka side view lang siya ay kitang kita ko na ang angking kagandahan niya at mas napanganga ako ng tumingin siya sa akin. Napaka gandang tignan nang mga nata niya ngunit ang naka pag tataka ay wala man lang emosyon na mababakas dito.

'may problema ba anak?'- tanong ni papa habang may ngisi sa mga labi.

'Hihihi sabi na sayo eh'- sambit naman ni mama, kong minsan ay nagtataka ako kong sila ba talaga ang mga magulang ko, masyado kasi silang isip bata.

'Problem?=_='- malamig na sambit ni sophia na nakapag pabalik sa akin sa realidad.

'A-ah wala'- sagot ko naman at itinoon na lamang sa pagkain ang aking attention. Nakakahiya, talagang natulala pa ko.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasan ang mapasulyap kay sophia, ang ganda niya talaga. Nakakapag taka lang kong bakit siya pa ang ipinadala, masyadong delikado ang mission na ibinigay sa kanya.

____________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon