chapter 35

18.5K 518 15
                                    

Sophia P.O.V

Alas sais pa lang nang umaga ay gising na kami, natutulog pa sana ako ngayon kong hindi lang dahil sa mga kasama kong hindi ata natulog sa sobrang excited =_=.

'Bilis na sophia at baka hinihintay na tayo ni HM'- excited na sambit ni melody sabay hila sa akin.Napailing na lamang akong sumunod sa kanila.

Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko sa fortis? Ano ang mangyayari sa amin sa mga susunod na araw?. Yan ang mga katanungan na naglalaro sa aking isipan ngayon.

'Are you okay?'- nag aalalang tanong ni haru sa aking tabi ng makita akong nakatulalang naglalakad.

'Yeah'- maikli kong sagot.

'if something's bothering you, don't hesitate to come and tell me'- malumbay niyang sambit at nauna nang maglakad.

Hindi mag tatagal ay malalaman mo rin ang mga bagay na gumugulo sa aking isipan,naisambit ko sa aking isipan habang nakatingin sa likod ni haru.

@ HM Office

Hindi na nag abala pang kumatok ang mga kasama ko at agad na pumasok sa opisina ni HM lance na ikinabigla niya.

'Hindi ba kayo marunong kumatok?'- naiinis na sambit ni HM habang ang mga kasama ko naman ay tila mga enosente na naka tingin sa gilid.

Nailing na lamang si HM lance ng makita niyang walang balak magsalita ang mga kasama ko at tumayo sa kanyang pagkaka upo.

'Let's go, nauna nang umalis ang ibang estudyante.'- sambit ni HM at nauna nang maglakad patungong portal room.

-------------

Tumambad sa amin ang napakapamilyar na opisina ng pumasok kami sa portal. Wala paring pinagbago ang paligid, pati ang pagkakaayos ng mga gamit ay hindi parin nagbabago.

'Masaya ako at nandito na kayo'- malamig na sambit ng nasa harap namin na ikinabigla ng mga kasama ko. Nakita ko rin ang sunod sunod na paglunok nila mark habang namumutla at maging si haru ay mababakasan rin ng kaba.

Nang tignan ko si HM lance ay nakita ko ang seryoso niyang mukha pero kabaliktaran ang sinasabi ng kanyang mata, alam kong kanina pa magpipigil ng tawa ang dalawang to. Nailing na lamang ako sa mga inasal ng kasama ko.

'Tsk, next time try harder in acting cold and serious old hag'- sambit ko sabay upo sa upuan malapit sa kanya.

Nang tignan ko naman ang mga kasama ko ay nakita ko ang mga hindi makapaniwala nilang mukha habang tawang tawa naman si HM lance.

'*pout* ang bad mo talaga sakin, hindi mo man lang ba ko na miss?'- parang bata niyang tanong, here we go again, the childish headmaster =_='

'Gross'- walang emosyon kong sambit na mas ikinahaba ng nguso niya.

Melody P.O.V

'Masaya ako at nandito na kayo'- malamig na sambit ng headmaster ng fortis magicum academy.

Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay tila parang bulang nawala ng magsalita ang taong nasa harapan namin,

Expected ko nang seryoso ang headmaster ng fortis academy, pero hindi ko alam na ganito pala kalamig ang kanyang pananalita. Dagdagan pa ng malakas na aurang pumapalibot sa kanya.

Ilang beses akong napalunok ng aking laway dahil sa kaba, at tila umatras ang dila ko at ayaw magsalita at baka isang maling salita ko lang ay kataposan na ng buhay ko.

'Tsk, next time try harder in acting cold  and serious old hag'- bored na sambit ni sophia at nauna nang umupo sa harap ng headmaster ng fortis acadey.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon