chapter 92

11.9K 282 4
                                    

Sophia P.O.V

Nandito ako ngayon sa isang bundok kong saan kitang kita ang kabuohan nag invictus kingdom, ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang magising ako at nalaman ko na rin ang lahat nang pagbabago lalo na sa mga kaibigan ko.

Masaya akong malaman na masaya na ang mga kaibigan ko at mapayapa na rin ang buong magic world. Nasa tabi ko rin palagi ang lalaking mahal ko kaya wala na kong mahihiling pa.

'Anong iniisip mo'-tanong ni kaito habang nakayakap sa akin mula sa likod. Napagpasyahan naming dalawa na mamasyal sa paligid at dito nga kami dinala nang aming mga paa. Sa mga nag daang araw rin ay halos hindi na humiwalay sa akin si kaito.

'iniisip ko lang kong gaano ako ka swerte sa inyo'- sambit ko habang nakahawak sa kamay niyang nakayakap sa akin.

Isang buwan matapos nang magising ako nang maging kami ni kaito. Ang isang taong pagsasakripisyo niya ay sapat na para sa akin na malamang tunay niya akong mahal.

Nakilala ko na rin ang babaeng liniligawan ni haru,Si Hazel. Isang dark user si Hazel at noon pa lang ay may gusto na siya kay haru, mabait rin si hazel at maganda kaya naman hindi ko masisisi si haru kong magkagusto siya dito.

'I love you'- sambit ni kaito na nagpabalik sa akin sa realidad. Napangiti naman ako sa kanyang tinuran.

'I love you too'- sagot ko at nakangiting humarap sa kanya.

Kita ko ang saya sa kanyang mukha at alam kong maging ako ay ganon din. Napaka swerte ko para pagkaroon nang mapagmahal, sweet at matyagang kasintahan na katulad ni kaito.

Halos hindi ako makagalaw nang marahan niyang hawakan ang aking pisngi, tila nagtatanong at nang aakit naman ang kanyang mata. Tanging nasa kanya lang ang aking buong attention at nakatitig sa mata niya tila nanghihipnotismo habang dahan dahang lumalapit. Tuluyan na kong napapikit nang maramdaman ang paglapat nang napakalambot niyang labi sa aking labi. Noong una ay nakalapat lamang ito at tila ninanamnam ang bawat isa hanggang sa unti unti nang gumalaw ang kanyang labi, kahit na wala pa kong masyadong alam ay napapasunod na lamang ako sa kanyang ginagawa, bawat halik na kanyang iginagawad ay ramdam ko ang pagmamahal at respeto para sakin. Dahil sa panghihina na ano mang oras ay maari akong matumba ay napakapit na lamang ako sa kanya. Marahan niya naman akong kinabig palapit sa kanya. Kapwa naghahabol nang hininga nang maghiwalay kaming may ngiti sa labi.

Kong nandito lang ang mga kaibigan ko ay alam kong pinagtatawanan na nila ako dahil alam kong sa mga oras na ito ay pulang pula na ko, isang malawak na ngiti naman ang nakapaskil sa mukha ni kaito na mas ikinapula ko.

'He-hey ibaba mo ko'- sambit ko nang bigla na lang akong kargahin ni kaito.

'bakit gusto mo bang ituloy natin ang ginagawa natin kanina?'- nakangisi niyang sambit.

'P-pervert'- nauutal kong sambit habang nakatingin sa ibang direction.

'sayo lang my sweet future wife'- nakangisi niya paring sabit saka nag lakad na buhat ako. At talagang hindi man lang itinangging pervert siya =_=.

Ethan P.O.V

'Nasan kaya sila sophia'- tanong ni fiona habang nakatingin sa mga bulaklak.

'Tsk'- naiinis kong sambit at akmang aalis nang pigilan niya ko.

'Saan ka pupunta?'- nagtataka niyang tanong.

'Mas gusto mo atang kasama si sophia kesa sa akin'- nasungit kong sambit. Isip bata na kong isip bata pero naiinis ako kapag may ibang iniisip si fiona kapag kasama niya ko.

'Hahaha pati ba naman kay sophia nagseselos ka?'- tumatawa niyang sambit habang ako naman ay hindi makatingin sa kanya.

'tch kong sagutin mo na lang kasi ako'- mahina kong sambit na sa tingin ko ay narinig niya kasi bigla siyang natigilan.

'Kong tinatanong mo kasi ako, paano kita sasagutin kong hindi mo naman ako tinatanong.'- mataray niya namang sagot. Napakamot na lamang ako nang aking ulo, at napaisip kailangan pa pala yon. Wala naman kasi akong alam sa panliligaw.

Kong kanina ay ako ang aalis  ngayon ay siya naman ata ang may balak na umalis habang ako naman ay agad siyang pinigilan.

'Wait'- sambit ko saka tumakbo papunta sa likod nang kahoy. Bago kasi kami nagkita ay bumili ako nang flowers at isang kwentas.

Kita ko naman ang pagkalito sa mukha ni fiona habang nakatingin sa akin.

Habang palapit sa kanya ay parang tambol naman ang aking puso sa sobrang kaba, paano kong umayaw siya, paano kong may iba siyang mahal.

Kahit na kinakabahan ay patuloy parin akong  Lumapit sa kanya at nang malapit na ko ay lumuhod ako (yong luhod po kapag nag popropose hindi yong luhod kapag nagsisimba) at marahang iniabot sa kanya ang bulaklak. Kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha habang dahan dahang tinatanggap ang bulaklak.

'Princess Fiona Airia, will you be may girlfriend'- nakangiti kong sambit, naluluha naman siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay hindi parin maalis ang kaba.

'Yes, yes'- nakangiti niyang sagot at agad aking yinakap. Hindi agad pumasok sa aking sistema ang kanyang sinabi kaya naman ilang sigundo rin akong natulala.

Dahil sa tuwa ay agad ko siyang yinakap pabalik.

'Thank you' -masaya kong sambit habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

______________________________________
Wahhhh pagpasensyahan niyo na guys, wala po talaga akong talent pagdating sa pagpapakilig T_T

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon