chapter 38

18.5K 480 77
                                    

Kaito P.O.V

Hindi ko na hinintay pa ang mga kasama ko at agad na lumabas. Hindi ko kayang makita na masaya na siya sa mga bago niyang kaibigan.

Nakita ko ang pag aalala kanina sa mukha ni sophia habang nakatingin kay koharu. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang tumingin sa akin ng may pag aalala.

Huli na ba ang lahat? Wala na ba akong pag asa?. F#cking sh#t sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot.

Natatakot akong mawala siya sa amin, natatakot akong mawala siya sa akin.

'Don't worry kaito, babalik din siya sa atin'- sambit ni ethan sa aking likod.

'I hope so'- walang emosyon kong sambit.

'Hindi ako m-makapaniwalang sila ang pinili ni sophia huhuhu'- umiiyak na sambit ni Mica habang nakaupo sa damuhan. Nandito kami ngayon sa garden para makapagpahangin para naman kahit papano ay makapag isip kami.

'Hindi natin siya masisisi kong nakahanap na siya ng bagong kaibigan'- malungkot na sambit ni fiona.

Nakikita ko ang lungkot sa mukha ng mga kasama ko at maging ako ay hindi maiwasang malungkot. Akala ko ay sa oras na bumalik siya ay babalik muli ang dati.

'Hindi ako susuko hangat hindi siya bumabalik sa atin'- determinadong sambit ni tracy na sinang ayonan naman ng mga kasama ko.

I'll do everything just to win you back sophia, sambit ko sa aking sarili bago umalis.

Sophia P.O.V

'wahhhh isa ka pala sa mga dark class pero hindi mo man lang sinabi sa amin *pout*'-parang batang sambit ni melody.

Kanina pa kami Nandito sa dorm namin at kanina pa din nagmamaktol si melody at kong bakit daw hindi ko sinabi na kabilang ako sa dark class. Mabuti na lang at hindi na nag usisa pa ang iba ko pang kasama.

'Thanks'- maikling sambit ni haru na nasa tabi ko lang at kanina pa nakatitig sa akin.

'thanks for what - nalilito kong tanong, wala naman akong ginawa para pasalamatan niya ako.

'Thanks for choosing us*smile*'-nakangiti niyang sambit na ikinangiti rin ng iba ko pang kasama. Hindi ko alam na nakikinig din pala sila sa pinag uusapan namin.

'Tsk,'- tanging naisambit ko. Wala akong ibang masabi dahil sa nakikita ko ang kasiyahan sa mukha ng mga kasama ko ngunit nalulungkot din ako para kina kaito. Gustohin ko mang sumama sa kanila pero hindi ko kayang iwan sina haru.

'Saan ka pupunta?'- tanong ni haru ng makitang patungo ako sa pinto.

'Pagpapahangin lang'- plain kong sambit.

'Samahan na kita'- sambit ni haru.

'No, gusto kong mapag isa'- malumanay kong sambit bago pa man siya makatayo.

Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin ay tuluyan ng lumabas. Gusto kong mapag isa ngayon para na rin makapag isip isip.

Pumunta ako sa isa sa mga garden ng academy kong saan bihira lang maligaw ang mga estudyante. Pasalamat na lang ako at class hour parin kaya tahimik akong nakarating sa garden.

Sa bungad pa lang ay mga paru paru at mabangong amoy agad ng mga bulaklak ang bumungad sa akin. Nagtungo ako sa ilalim ng puno at doon tahimik na nag isip habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.

'Why?'- narinig kong malungkot na sambit sa aking tabi.

'What do you mean?'- nalilito kong sambit habang matamang nakatingin kay kaito. Tama kayo ng basa, si kaito nga ang nasa tabi ko.

'Bakit sila ang pinili mo?'-malungkot niyang tanong. Malayong malayo sa kaitong kilala ng lahat ang katabi ko ngayon. Tila isang batang walang kalaban laban ang kaitong nasa tabi ko ngayon dahil sa mg emosyong kanyang ipinapakita.

'Hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko'- plain kong sambit habang nakatingin sa unahan, hindi ko maaatim na tignan ang malungkot niyang mukha.

'Yon lang ba talaga ang dahilan?' - sambit niya na ikinalingon ko, siguro ay nakita niya ang pagkalito sa aking mukha kaya agad niya itong dinugtungan.

'Nakita ko ang pag aalala mo kanina sa koharu na yon.'- sambit niya habang nakakuyom ang mga kamao.

'I love you sophia, at gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako.'- sambit niya na ikinatameme ko. Hindi ko alam kong ilang minuto akong natulala at nabalik lang ako sa realidad ng maramdaman ko ang kanyang hinlalaki sa gilid ng aking labi.

'Alam mo bang pinipigilan ko lang ang aking sarili na halikan ka sa tuwing nakikita kita'- malambing niyang sambit habang nasa gilid parin ng aking labi ang kanyang hinlalaki at masuyo itong hinahaplos. Tila magnet na hindi ko matanggal ang aking mga mata sa kanyang matang nakatitig sa labi ko.

'Stop it kai---'- hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng maramdaman ko na lang ang kanyang labi na nakalapat sa akin labi.

Nanlalaki ang aking matang nakatingin sa nakapikit na mukha ni kaito habang nakalapat ang kanyang labi sa aking labi. Sinasabi ng aking isip na dapat ko na siya itulak ngunit sadyang ayaw sumunod ng aking katawan.Bumalik lamang ako sa realidad ng makita kong nakatitig sa akin ang nakangiti niyang mukha.

'T-that's my first kiss'-  galit kong sambit ng pumasok ng ng tuluyan sa aking isip ang kanyang ginawa.

'That's good, dahil gusto kong ako ang first and last kiss mo  *smile*'- nakangiti niyang sambit habang nakatitig parin sa mukha ko.

'Umalis ka na kong ayaw mong mawala ang kinabukasan mo'- naiinis kong sambit.

'Hahahaha ok ok aalis na ko. Always remember that I love you *wink*'- sambit niya at agad na umalis ngunit bago pa man siya umalis ay humalik muna siya sa aking pisngi.

'Hayop na yon kutang kuta na siya. Una sa labi ngayon naman sa pisngi.'- nangigigil na sambit ko habang pinagdidiskitahan ang mga damo.

Kaito P.O.V

hangang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko yon kay sophia. Pero kahit na ganon ay hindi ako nagsisising hinalikan ko siya. Lalo na ng malaman kong ako ang first kiss niya.

'Anyare sayo pare Bat nakangiti ka? '- sambit ni vince ng makasalubong ko.

'Don't mind me'- sambit ko habang hindi parin maalis ang ngiti sa aking labi.

'Nababaliw ka na'- naiiling na sambit naman ni ethan na nasa tabi niya.

Hindi ko na lamang sila pinansin at pumasok na sa aking dorm. Mag iisip pa ko kong paano mapapasakin si sophia.
________________________________________
Pambawi guys sa ilang days na hindi ko pag update.

Hindi ako mahilig sa mga cheezy at sweet moment kaya pagtyagaan na lang yan.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon