chapter 81

11.1K 314 16
                                    

Fiona P.O.V

Tulad nga ng nakasaad sa sulat ay Nandito kami ngayon sa palasyo ng invictus kingdom para sa pagpupulong.

Nandito rin ang lahat ng hari at reyna ng bawat kaharian, kita ko sa mukha ng bawat isa ang pagkasabik na makilala ang prinsesang inakala naming patay na.

'Koharu'- pagtawag pansin ni alex kay koharu na nasakanyang tabi, tahimik lang kasi itong nagmamasid habang ang mga katabi niya naman ay kanina pa nag uusap tungkol sa prinsesa at sa darating na digmaan.

'Bakit?'- tanong nito ng hindi lumilingon.

'Hindi ka ba natatakot na makaharap ang iyong ama ngayong darating na digmaan?'- tanong ni alex na siya namang ikinalingon ni koharu.

'Hindi'- kalamadong sagot ni koharu.

Kong nagtataka kayo kong bakit tila wala na lang sa amin na malamang anak siya ng pinuno ng mga dark user ay dahil sa napag usapan na namin ang tungkol dito ng magising siya.

==Flashback==

Gabi na at nandito kaming buong magkakaibigan ngayon sa clinic para bantayan sina kaito at koharu. Kagabi pa lang ng magising ang dalawa at ang sabi ng head healer ay kailangan na muna nilang manatili sa clinic kahit isang araw lang.

'Koharu'- pagtatawag pansin ni mark kay koharu.

'Bakit?'- tanong naman ni koharu habang si mark naman ay tila nahihirapang sambitin ang kong ano mang sasabihin niya.

'Tungkol don sa pinuno ng mga d-dark user'- nahihirapang sambit ni mark na siyang nakakuha ng attention naming lahat. Sa tingin ko ay maging ang iba ay gusto rin siyang tanungin kaya lang ay hindi nila magawa dahil sa kagagaling pa lang ni koharu at ayaw nila itong piliting magsalita.

'Totoo ang sinabi niya. Anak niya ko at ako nga ang prinsepe ng mga dark user, pero simula ng patayin niya ang aking ina ay nawala na ang karapatan niyang maging ama ko at hindi rin siya naging ama sa akin ni minsan'- galit na sambit ni koharu habang nakakuyom ang mga kamao. kitang kita ang galit at pagkamuhi sa mukha ni koharu habang nagsasalita.

'Pero paanong napunta ka sa light academy?'- natatakang tanong naman ni troy habang kami naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila, maging si sophia at kaito ay tila interesado rin sa aming pinag uusapan.

'ng malaman kong patay na ang aking ina ay tumakas ako sa aming kaharian at habang naglalakbay ay hindi ko maiwasang malagay sa panganib at doon nakilala ko si HM lance, isa siya sa mga tumulong sa akin at alam niya ring dark user ako'- paliwanag ni koharu na medyo kumalma na.

'Pero bakit naman pinatay ng tatay mo ang nanay mo?, alam kong pumapatay siya pero hindi ko akalaing maging ang kanyang sariling asawa ay nagawa niyang patayin at maging ikaw ay pinagtangkain niya na ring patayin'- tanong ni mica.

'Masyado nang naging gahaman sa kapangyarihan ang aking ama at lahat ay kaya niyang gawin masakop lang ang buong magic world. Mabait ang aking ina kaya naman palagi silang nag aaway dahil sa pagtutol ng aking ina sa mga pinaggagawa ng aking ama hangang sa dumating sa puntong nagawa nang patayin ng hayop kong ama ang aking ina dahil para sa kanya ay sagabal lang ito sa kanyang mga plano'- sambit ni koharu.

Hindi ko maiwasang maawa kay koharu dahil ni minsan ay hindi man lang niya naranasan ang magkaroon ng masayang pamilya, buti na lang at hindi siya nagmana sa masama niyang ama.

'Anong plano mo ngayon?'- seryosong tanong ni ethan.

'Ang kunin sa ama ko ang aming kaharian. hindi lahat ng dark user ay masama, ang iba sa kanila ay napipilitan lang dahil sa pananakot ng aking ama'- seryosong sagot ni koharu. Tama siya ang ibang dark user ay nagiging sunod sunuran lang dahil sa takot.

'Pero mahirap ang gusto mo'- sambit ni alex na ikinatango namin. Nakita namin kong gaano kalakas ang kanyang ama kaya napakalaking imposible ang kanyang gustong mangyari.

'hindi ako titigil hangat hindi ko nakukuha sa kanya ang aming kaharian kahit na ibig sabihin pa nito ay kalabanin ko ang sarili kong ama, matalagal nang pangarap ng aking ina na magkaroon ng kapayapaan ang dark kingdom kaya kahit patay na siya ay gusto ko itong tuparin'- determinado niyang sagot.

'Tutulongan ka namin'- malamig na sambit ni kaito na sinang ayonan namin habang isang totoong ngiti naman ang isinagot ni koharu.

'Salamat sa inyo'- pagpapasalamat ni koharu sa amin.

'Kaibigan mo kami kaya kahit na anong mangyari ay hindi ka namin pababayaan'- sambit ni vince na sinamahan pa nang mahinang batok.

Isang nakakamatay na tingin naman ang iginanti ni koharu na tinawanan lang ni vince.

Natapos ang buong gabi naming magkakaibigan na nag aasaran at tawanan at pansamantala na munang kinalimutan ang problema

===end of flashback==

'Asan si sophia?'- tanong ko nang makitang si sophia lang ang wala, kasama namin siyang pumunta sa palasyo kaya nakapagtataka naman na wala siya dito ngayon.

'Lumabas, babalik din naman siguro agad yon '- sambit ni tracy na sinagot ko naman ng tango.

'Anong oras kaya magsisimula ang meeting'- sambit ni dylan, kanina pa kasi kami dito sa loob ng meeting room at nandito na rin lahat maliban na lang kay sophia na lumabas ata.

Sakto namang dumating ang kanang kamay ng hari at reyna ng invictus kingdom at magalang na bumati sa amin.

'Magandang umaga po mga kamahalan'- magalang niyang pagbati sa amin.

'Magandang umaga rin'- pabalik naman naming pag bati.

'salamat po sa paghihintay, ako nga po pala si Roland ang kanang kamay ng reyna at hari ng invictus kingdom'- sambit ni roland. Sa tingin ko ay hindi naman nalalayo ang edad ni roland sa edad ng mga hari at reyna.

'Maari ba naming malaman kong Tungkol saan ang pagpupulong na ito?'- tanong ng aking ina kay roland.

'Pasensya na po kayo reyna hanna pero hindi ko po alam kong para saan ang pagpupulong na ito, mas mabuti pong hintayin na lang natin ang prinsesa, parating na rin po siya'- magalang na sambit ni roland sa aking ina.

Lahat kami natigilan maliban na lang kay roland ng maramdaman namin ang isang malakas na inerhiya na papalapit sa amin, halos magtayuan ang aking mga balahibo dahil sa inerhiyang naramdaman at kong sino man ang nagmamay ari ng inerhiyang yon ay sigurado akong malakas siya.

'Si-sino kaya ang may ari non?'- tanong ng aking katabing si kate kita ko rin ang tension sa aking mga kasama at maging sa mga hari at reyna, lahat sila ay tila alerto sa paligid.

Habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalakas ang inerhiya at mga ilang segundo lang ay dahan dahang bumukas ang pintuan ng meeting room. Unang tumambad sa amin ay ang mukha ng mga kawal na bumukas sa pintuan kaya kapwa kami pigil hininga habang hinihintay na pumasok ang kong sino mang nasa labas.

Lahat kaming nasa loob ay iisa lang ang reaction, pagkabigla yan ang reaction namin ng makita kong kanino nanggagaling ang inerhiyang nararamdaman namin kanina.

'S-sophia?'- mahina kong sambit ng makilala ang taong nagmamay ari ng inerhiya.
________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon