chapter 71

12.3K 327 19
                                    

Sophia P.O.V

Agad naman kaming sinalubong ng mga magulang ni ethan ng makarating kami sa kanilang palasyo.

'Magandang umaga po mahal na hari't reyna/ tita'- sabay sabay nilang pagbati.

'magandang umaga rin sa inyo, halina kayo't sa loob na tayo magusap'- nakangiting sambit ng reyna na agad naman naming sinundan.

'Wow'- mahinang sambit ni melody na nasa tabi ko lang habang inililibot ang paningin.

Kitang kita ko ang paghanga sa mga kasama ko maliban na lang sa mga prinsesa at prisipe na nakarating na rito.

'Maupo na muna kayo'- sambit ng reyna ng makarating kami sa loob.

'Anong sadya nyo at naparito kayo?'- tanong ng hari ng maka upo kami.

'tungkol po sa academy'- magalang na sambit ni fiona.

'Inatake po ng mga dark user ang academy at nalaman po namin na dark user ang akala naming si headmaster dave'- dugtong naman ni mica

'sabi ko na nga ba, kaya pala wala man lang akong balita sa academy dahil siguro hinaharangan ng mga dark user'- seryosong sambit ng hari.

'Hindi lang po yon mahal na hari'- sambit ni kate

'Tawagin nyo na lang kaming tita at tito'- nakangiting sambit ng reyna.

'sige po tita'- sagot ni kate

'Galing kami sa invictus kingdom'- seryosong sambit ni ethan.

'Anong sabi nila Wyatt?'- tanong ng hari.

'Hindi po sila haring wyatt ang nakaharap namin'- sagot ni ethan sa kanyang ama.

'Kong hindi sila sino?'- nakakunot noong sambit ng reyna.

'Ang mga dark user po na nagpapangap bilang hari't reyna'- sambit ni dylan.

'Imposible, kong ganon nasaan sila wyatt at seina?'- nag aalalang tanong ng reyna.

'Sa tingin po namin ay nakuha sila ng mga dark user'- sambit ni troy. Hindi ko mapigilang mag ngitngit sa galit sa tuwing naririnig ko ang tungkol sa mga magulang ko.

'Malalakas sila kaya paanong makukuha sila ng mga dark user?'- seryosong sambit ng hari.

'Maliban na lang kong ang mismong pinuno nila ang kukuha sa kanila' -malamig na sambit ni kaito.

'Kong totoo nga ang sinasabi ninyo ibig sabihin ay nanganganib tayo'- sambit ng hari na sinagot naman namin ng tango.

'Bukas na bukas rin ay kakausapin ko ang nga hari't reynatungkol dito, kailangan nating ipunin ang lahat ng magic user na maaaring makipag laban at agad na sanayin at gusto kong tumulong kayo sa pagsasanay nila sa ngayon ay mas magandang magpahinga na muna kayo o kaya naman ay mamasyal'- sambit ng hari na agad naman naming sinagot ng tango.

'Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan ng ilan sa inyo, wala ka bang balak na ipakilala sila anak?'- nakangiting sambit ng reyna kay ethan

'Nakakatamad-_-'- sambit naman ni ethan na ikina iling ng reyna.

'Hello po ako po pala si kate'- nakangiting sambit ni kate.

'Masaya po akong makilala kayo mahal na hari't reyna ako po pala si melody'- pagpapakilala naman ni melody.

'Ako naman po si alex^_^'- nakangiti namang sambit ni alex

'Ako po si Mark '- sambit naman ni mark.

'dylan po ang pangalan ko'- sambit naman ni dylan

'Masaya po akong makilala kayo, ako po pala si haru'- magalang na sambit ni haru

'Sophia=_=' -malamig kong sambit.

'Tawagin nyo na lang kaming tita at tito total kaibigan na rin naman kayo ng anak namin'- nakangiting sambit ng reyna na sinagot naman namin ng tango.

'Tita?'-alex

'Bakit?'- tanong ni tita ng makita ang seryosong mukha ni alex.

'May pagkain po ba kayo? Gutom na ko eh*pout*'- sambit niya at kong kanina ay seryoso ang mukha niya, ngayon naman ay para siyang batang himihinga ng candy sa kapatid niya.

'Pati ba naman dito dala mo parin ang kakapalan ng mukha mo?'- hindi makapaniwalang sambit ni melody na nasa tabi niya.

'pake mo ba'- sagot naman no alex

'Patay gutom'- mahinang sambit ni melody. napapailing na lang kami sa inasal ng dalawa habang nagpipigil naman ng tawa si tita.

'Huwag kayong mag alala dahil maya maya rin ay dadating na ang pagkain'- nakangiting sambit ng hari.

Haring Firo P.O.V

Tahimik lamang akong nagmamasid sa mga bata habang may kanya kanya silang ginagawa. Kong titignan ay hindi mo mahahalatang may malaking responsibilidad na mga nakapatong sa kanilang balikat, alam kong hindi madali ang kanilang mga pinagdaanan kaya naman hindi ko maiwasang maawa sakanila. Masyado pa silang bata para sa mga ganitong problema.

'Mukhang malalim ang iyong iniisip'- sambit ng asawa ko na nasa aking tabi.

'Naaawa lang ako sa mga bata, sa edad nilang yan ay namamasyal at nagsasaya dapat sila pero hindi nila magawa dahil sa kanilang mga responsibilidad'- sambit ko

'Wala tayong magagawa dahil ito ang kanilang kapalaran'- sambit ng asawa ko na sinagot ko na lamang ng tango.

'PAGKAIN!!'- narinig kong sigaw saka ko lang napansin ang mga pagkain na nakalatag sa mesa.

'manahimik ka nga'- sambit ni vince na nasa tabi lang ng batang si alex.

Imbis na makinig ay patuloy parin siya sa pag iingay habang kumakain habang ang iba naman ay masayang nagkekwentuhan habang kumakain.

'Ang gandang bata'- sambit ng asawa ko na ikinalingon ko sa kanya

'Sino?'- tanong ko saka niya naman itinuro ang nagpakilala kaninang si sophia.

'Maganda nga, pero nakakatakot parang si wyatt'- sambit ko habang nakatingin sa batang si sophia.

'Hahaha oo nga'- sambit ng asawa ko.

Tahimik lang sa isang tabi si sophia habang nakatingin sa malayo na tila napakalalim ng iniisip. Habang pinagmamasdan ko siya ay napansin ko naman ang panaka nakang pagtinging ni kaito at haru, at kong minsan naman ay tumitingin rin si dylan.

'Pero mukhang maraming nabihag'- nakangiti kong sambit.

'Anong ibig mong sabihin?'- naguguluhang sambit ng asawa ko saka naman patago kong itinuro ang tatlong binata.

'Hahaha nakakatuwa naman sila, naalala ko tuloy ng kabataan natin, parang ako lang eh'- nakangiting sambit ng asawa ko.

'Tss, ako lang naman ang nanligaw sayo'- pambabara ko.

'Ano ka, marami rin kaya akong taga hanga'- sambit niya.

'Marami nga mga duwag naman'- sambit ko

'Paanong hindi sila maduduwag kong lumalapit pa lang sila sinusunog mo na ang buhok o kaya naman ang damit'- mataray niyang sambit.

'Inilalayo lang naman kita sa mga asong yon'- sambit ko.

'So sinasabi mo na mukha akong buto? Dahil lapitin ako ng aso?'- naiinis na sambit ng asawa ko na ikinatawa ko.

'Ikaw may sabi non'- natatawa kong sambit.

'Che, sa kabilang kwarto ka matutulog mamaya'- sambit niya na ikinanganga ko.

'Hon naman nagjojoke lang naman ako kanina, alam mo namang ikaw lang ang pinaka maganda sa paningin ko'- sambit ko, mahirap na at baka talagang sa kabilang kwarto ako patulugin.

'Che'- mataray na sambit ng asawa ko.

'Sorry na hon' -sambit ko saka siya yinakap.

'Tss kong hindi lang kita mahal'- sambit ng asawa ko.
------------------------------------------------



Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon