chapter 30

18.2K 472 6
                                    

Sophia P.O.V

'Wait lang!!! Hintay'- sigaw ni melody sa mga tumatakbong sina mark patungong batis.

Napagpasyahan ng mga kasama ko na magpicnic na lang dito sa burol sa labas ng academy at saktong may maliit na batis kaya naman parang batang naglalalangoy ang apat.

'ang ganda ng paligid, napakapayapa.'- sambit ni haru habang nakahiga sa damuhan at nakatingin sa mga ulap.

Hindi na lamang ako kumibo at nahiga na rin sa kanyang tabi. Sa mga nagdaang araw ay mas naging close kami ni haru, kahit na bihira lang kaming magsalita ay nagkakaintindihan kami.

'sana ganito na lang palagi, walang away '- dugtong niya.

'Hindi magiging payapa ang ating mundo hangat may mga masasamang loob'- plain kong sagot.

Nakita ko ang kanyang pagtayo na hindi ko na lamang pinansin at patuloy parin sa pagtingin sa mga ulap, ngunit nabigla ako ng maramdaman ko na lamang ang biglaang pag angat ng aking katawan.

'He-hey, ibaba mo nga ako'- sambit ko at pilit na kumakawala sa kanyang pagkakakarga(bridal style).

'Kalimutan na muna natin ang ating mga problema at Mag enjoy'- nakangiti nyang sambit saka nagsimulang maglakad patungong batis.

'Hindi ako maliligo kaya ibaba mo na ako'- sambit ko at pilit paring kumakawala sa kanyang pagkakakarga ngunit sadyang malakas siya at hindi ako maka wala.

'Ang baho baho mo na kaya,kaya maligo ka na hahaha'- tumatawa niyang sambit at patuloy na naglakad.

'Hoy hindi ako mabaho, kakaligo ko pa lang'- naiinis kong sambit sabay amoy ng kili kili. Wala namang amoy ah.

'Hahahaha'- siya po yan =_=

'Oy ang sweet nila'- narinig kong sambit ni melody ng makalapit na kami.

'Ayiee nakakakilig'- dugtong naman ni kate.

'Nice one pare, hindi ka na torpe hahaha'- tumatawang sambit ni mark na naka ani ng masamang tingin kay haru na ikina tigil niya.

'Kayo na?'- inosenting tanong ni alex. Kong minsan talaga ang sarap batukan ni alex =_=.

'Hindi pa, pero malapit na^__^'- sambit ni haru habang may malawak na ngiti na ikinapula ng mukha ko.

'oy nagblush si sophia'- nanunuksong sambit ni melody

'Wahhh ang cute mong mag blush sophia'- kate.

'Shut up'- sambit ko at pilit na iniiwas ang mukha sa kanila, hangang ngayon kasi ay buhat buhat parin ako no haru.

Tumaas si haru sa isang malaking bato kong saan tumatalon sina mark kaya naman mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg na ikinatawa niya. Anong nakakatawa? =_=

'Ba-baka mahulog ako'- kinakabahan kong sambit ng pakitang sa pinakataas na kami.

'Ok lang ang mahulog ka..........^__^'- nakangiti niyang sambit. So ok lang pala sa kanya kahit na magkandabali bali ang buto ko?=_=.

'As long as sa akin ka mahuhulog'- malambing niyang bulong sa aking punong tenga.

Kong kanina ay mapula ang aking mukha, ngayon naman ay para nang kamatis ang  mukha ko sa kanyang mga pinagsasabi.Dahil sa hindi pa masyadong nagpoprocess ang kanyang mga sinabi sa aking utak ay hindi ko na namalayan ang kanyang pagtalon habang karga karga parin ako.

*SPLASH*

'Papatayin mo ba ako?'- naiinis kong sambit ng makaahon ako.

'Yon nga sana ang balak ko eh^_^'- sambit niya.

'Aba't --'- hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya agad na ikina tahimik ko.

'Gusto kong ako ang papatay sayo para naman sakin ka patay na patay*wink*'- haru.

'Ayiee'- narinig kong sambit ng mga kasama ko, kanina pa pala sila nanonood sa amin at tila enjoy na enjoy =_=.

'Tss maligo na nga lang tayo'- sambit ko sabay talon sa tubig. Ayoko kasing makita nila ang mukha ko ba alam kong hangang ngayon ay namumula parin.

Natapos ang buong maghapon namin na puro paliligo at pagkain lang sa burol ang aming mga ginawa at kong minsan naman ay parang batang naghahabulan sina melody, mark, kate at alex, habang kaming dalawa naman ni haru ay nanonood lamang sa kanilang mga kakulitan.

Sinamantala na namin ang aming pahinga dahil sa susunod na mga araw ay alam kong hindi bast basta ang mga kakaharapin namin, ilang buwan na rin simula ng pumasok ako sa paaralang ito at sana ay hindi ako mahirapan oras na bumalik na ko sa fortis academy. Napamahal na sa akin ang mga kasama ko kaya nababahala ako na baka hindi ko na maisipang umalis dito, pero may mga kaibigan din akong naghihintay sa fortis academy.

'Let's go?'- sambit ni haru ng maayos na ng mga kasama ko ang aming kalat. Babalik na kami sa academy dahil maggagabi na rin at kailangan na naming mag ayos para sa aming mga dadalhin sa death forest. Bukas na kami pupunta ng death forest at ang sabi ni HM ay isang buwan daw ang itatagal namin doon.

Sinagot ko na lamang siya ng tango at tamad na sumunod sa aming mga kasama. Pagkatapos ng araw na to ay babalik nanaman kami sa normal kong saan haharapin na naman namin ang aming mga problema.
_______________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon