chapter 84

11.2K 312 20
                                    

Sophia P.O.V

Gabi na at napagpasyahan naming dumito na muna sa palasyo, bukas ng umaga na lang kami babalik ng academy.

Nasa guestroom na ang mga kaibigan ko habang ako naman ay patungo sa aking kwarto.

'Sophia '- pagtawag sa akin ni kaito na nakapagpatigil sa akin.

'Bakit?'- tanong ko ng makalapit siya.

'Maari ba tayong mag usap?'- tanong niya na sinagot ko naman ng tango, mukhang importante ang kanyang sasabihin dahil sa napakaseryoso nito.

Napagpasyahan naming sa hardin na lang ng palasyo mag usap para na rin maka langhap nang sariwang hangin.

'May sasabihin ka ba?'- agad kong tanong ng makarating kami sa hardin. Ngunit sa halip na pagsalita siya ay walang pasabi niya lang akong niyakap na siyang ikinabigla ko.

'akala ko hindi na tayo magkikita pang muli aya'- sambit niya na nagpagulo sa isip ko.

'Aya? Isa lang ang tumatawag ng aya sa akin'- wala sa sarili kong sambit.

Nang ibalik ko ang aking tingin kay kaito ay kita ko ang saya sa kanyang mukha.

'K-kai?'- hindi makapaniwala kong sambit na sinagot niya naman nang tango.

Malawak na ngiti at sabik ko siya niyakap, hindi ko akalaing ang kaibigan kong si kai at si kaito ay iisa.

Noong nakilala ko siya ay hindi man lang ako nag hinala na siya si kai dahil sa magkaibang magkaiba ang kanilang ugali, kilala ko si kai sa pagiging maingay at makulit.

Kaya siguro nong panahong nasa academy ako ay tila hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman dahil kahit na hindi ko siya makilala ay hindi naman siya nakalimutan ng aking puso.

Lumaki akong sina ina at ama lang ang palagi kong nakakasalamuha pero nang makilala ko si kai ay doon mas lumawak ang aking mga kaalaman. ipinaranas rin niya sa akin ang mga hindi ko nararanasan sa palasyo tulad na lang nang pakikipag laru sa kapwa ko bata, pangingisda at iba pa.

'Alam mo bang naiinis ako sayo noong una kitang makita sa academy dahil sa nakuha mo agad ang aking attention'- sambit niya na ikinakunot ng noo ko, ano namang nakakainis doon?. Dahil siguro sa nakikita niyang pagkalito sa aking mukha kaya naman muli siyang nagsalita.

'Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay niluluko ko na agad ang future wife ko*smile*'- nakangiti niyang sambit na nakapagpapula ng aking mukha, naalala niya pa pala yon.

=Flashback=

Mabilis akong nagtungo sa kagubatan kong saan makikita kaming muli ni kai, simula ng iligtas ko si kai ay palagi na kaming nagkikita ng palihim.

Tanging si kai lang ang nag iisa kong kaibigan sa labas nang palasyo kaya naman lagi kong inaabangan ang hapon para makalabas ng palasyo.

'AYA!'- sigaw ni kai ng makitang palapit na ko.

'Kanina ka pa?'- hinihingal kong tanong nang makalapit sa kanya.

'Oo, gutom na tuloy ako *pout*'- sambit niya habang naka pout, napatawa na lang ako sa kanyang inasta, sampong taon na siya pero kong umasya ay parang limang taong gulang pa lang.

'Buti na lang pala at may dala akong pagkain^_^'- nakangiti kong sambit saka inilabas ang sandwich na dala ko. Tila nagningning naman ang mata ni kai at agad na kumuha ng sandwich, ang takaw talaga.

'At dahil diyan'- sambit niya saka siya nagpatubo ng isang halaman sa kanyang tabi, kulay lila ang bulaklak nito at kanya namang pinitas at ibinigay sa akin.

'Salamat'- masaya kong pasasalamat habang abot taynga naman ang aking ngiti. Kong hindi ko nababanggit ay mahilig ako sa mga halaman, lalo na ang mga halamang lila ang kulay ng bulaklak.

'Pag laki natin, maraming ganyang bulaklak ang ibibigay ko sayo'- sambit niya na mas nagpasaya sa akin

'Talaga?'- masaya kong tanong habang isang tango naman ang kanyang isinagot at patuloy parin sa pag nguya ng pagkain.

'oo, lalo na kapag kinasal tayo'- excited na sambit ni kai.

'Pero diba dapat tinatanong muna ang babae bago ikasal?'- inosente ko namang tanong.

'Oo kailangang umoo ng babae bago sila ikasal kaya pag laki natin kapag yinaya kitang magpakasal dapat umoo ka, hindi pa kasi pwede ngayon kasi bata pa tayo'- paliwanag ni kai.

'Sige, sige'- excited ko namang sambit.

==end of flashback==

At dahil sa alaalang bumalik sa akin ay mas lalong namula ang aking pisngi.

'Pero hindi ba earth ang kapangyarihan mo?'- nagtatakang sambit ko na ikinabigla niya, sa pagkakaalam ko ay isa siyang earth manipulator.

'Isang earth manipulator ang aking ina habang isang fire manipulator naman ang aking ama. Alam ng lahat na tanging iisa lang ang kayang kontrolin ng mga user maliban na lang sa pamilyang luxoria kaya nang malaman nang aking mga magulang na kaya kong kontrolin ang dalawang elemento ay sinabihan nila akong huwag ipapakita sa iba ang iba ko pang kakayahan. Hindi lingid sa kaalaman mo na kailangan nating palabasin ang ating kapangyarihan kahit paminsan minsan kaya naman naisip kong paghaluin ang aking kapangyarihan ng sa ganon ay pareho ko silang magagamit at yong nga ang kinalabasan ang lava'- paliwanag niya habang ako naman ay tila hindi parin makapaniwala, ibig sabihin ay hindi lang iisa ang kanyang kapangyarinhan kundi dalawa at maari rin siyang makabuo nang panibago kapag pinaghalo ang dalawa.

Dahil sa sobra kong pag iisip ay hindi ko na namalayan na ginamit pala ni kaito ang kanya earth power, saka ko lang napansin ang ginawa niya ng ibigay niya sa aking ang isang bungkos ng bulaklak. Ang paborito kong bumaklak.

'Thank*smile*'- sambit ko saka tinanggap ang kanyang bigay.

Kaito P.O.V

Masaya akong pinagmamasdan si sophia na ngayon ay nakahiga sa damuhan habang nakatitig sa buwan. Napakaganda niya talaga kahit saan anggulo.

Noong nalaman kong patay na ang prinsesa ng invictus kingdom ay hindi ko mapigilang magwala, palagi kong sinisisis ang aking sarili na kong hindi sana ako pumasok nang academy at iniwan siya ay hindi sana siya mamamatay. Hindi sana ako mawawalan ng kaibigan, nang minamahal.

Alam ko ring nakilala ng puso ko si sophia ng pumasok siya sa academy pero pilit ko paring binaliwala ang aking nararandaman at pilit siyang binaliwala pero ngayong nalaman ko na ang totoo ay hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.
_________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon