chapter 22

18.6K 587 13
                                    

Sophia P.O.V

It's been 3 days, simula ng pumasok ako dito sa light academy at sa tatlong araw na yon ay mas napalapit sa akin ang mga elite. sinisimulan ko na rin ang pag iimbestiga tungkol sa pumapatay dito sa academy. medyo nahihirapan ako ngayon dahil naging tahimik ang killer at sa tatlong araw ko dito ay wala pang nagyayaring pagpatay.

May lead na ko kong sino ang pumapatay ngunit wala pa kong masyadong ibidensya na nagpapatunay na siya nga ang pumapatay kaya naman mas pinag iigihan ko ang aking pag iimbestiga.

'SOPHIA'- narinig kong sigaw ni melody habang papasok sa classroom

'What?'- bored kong tanong

'Wala daw pasok ngayon, may meeting daw ang mga teacher at si headmaster'- sambit ni melody na ikinakunot naman ng noo ko.

Magsasalita pa sana ako ng unahan ako ni kate.

'Nakasalubong kasi namin si master karen at sinabi niyang sabihin na lang daw namin sa inyo kasi biglaan daw yong meeting kaya hindi niya na nasabi'- paliwanag ni kate na sinagot ko naman ng tango.

'Tara maggala na lang tayo^__^'- melody

'Oo nga sama ka sophia'- kate

'may gagawin pa ko. Maybe some other time'- ako

'*pout* sige na nga, sa susunod na lang tayo maggala - melody

'By the way, where's the other?'- tanong ko ng mapansin kong wala ang mga lalaki

'Ayon tinatamad, ayaw lumabas ng dorm'- kate.

Fiona P.O.V

'Ethan nakita mo ba si sophia?'- tanong ko kay ethan na sinagot naman niya ng iling.

Tatlong araw ko ng siyang hindi nakikita kaya naman nag aalala na ko, akala ko noong una ay baka kong saan lang nag pupupunta kaya hindi ko makita ngunit tatlong araw ko na siyang hindi nakikita na labis kong ikinakabahala. nakita ko rin na napalingon sa akin ang mga kasama ko.

'Ethan tara punta tayo kay headmaster'- pag aaya ko kay ethan na agad niya namang sinang ayonan

Magsisimula na sana kaming mag lakad ng mapansin kong may balak sumama sa amin ang aking mga kasama.

'Kami na lang ni ethan ang pupunta, samahan niyo na lang si claudite at baka may mang away pa sa kanya'- mapait kong sambit at agad na hinila si ethan papunta kay headmaster.

Kahit na sinabihan na ko ni sophia na huwag magbago sakanila ay hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng sama ng loob dahil mas pinili pa nilang paniwalaan ang bago pa lang nilang kakikilala kesa kay sophia.

Tracy P.O.V

'Kami na lang ni ethan ang pupunta, samahan niyo na lang si claudite at baka may mang away pa sa kanya'- mapait na sambit ni fiona sabay hila kay ethan.

Alam kong kahit hindi sabihin ni fiona ay masama ang loob niya sa amin dahil sa ginawa namin kay sophia,kahit man ako ay nagsisisi sa mga inasal ko kaya gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Maging ang mga kasama ko ay alam kong nagsisisi rin sa ginawa nila, nakikita ko ang guilt sa mukha ng mga kasama ko habang si claudite naman ay parang wala lang.

Sa mga araw na nagdaan ay unti unti na naming nakikita ang tunay na ugali ni claudite at nalaman din namin kahapon ang tunay na nangyari ng araw na nakita namin sina sophia at claudite sa hallway. May isang babaeng nerd ang kumausap samin habang wala si claudite at doon niya isinalaysay ang tunay na nangyari.

'Let's go guyz, hayaan mo na lang silang hanapin ang malanding sophiang yon'- sambit ni claudite na ikinainit ng ulo ko.

Pagsasabihan ko na sana siya ng makita kong itinulak siya ni kaito habang may masamang tingin.na ikinagulat namin.

'Don't you dare talk to her like that, kong may malandi man dito ay ikaw yon'- malamig na sambit ni kaito at agad na umalis. Na agad naman naming sinundan.

Pangako sophia, sa oras na makita kita ay hihingi agad ako ng tawad at alam ko ring hindi mo magagawa ang magtraydor dito sa academy.

Fiona P.O.V

@ headmaster office

'good morning headmaster'- magalang kong pagbati habang ang kasama ko naman ay tahimik lang na naka tingin kay headmaster.

'magandang umaga din miss icean. Ano ang inyong sadya at naparito kayo?'- kalmadong sambit ni HM

'Gusto lang po naming malaman kong bakit hindi na namin nakikita si sophia. May ibinigay po ba kayong misyon sa kanya?'- tanong ko.

'Wala akong ibinigay na misyon sa kanya.'- HM

'Ngunit bakit po hindi namin siya makita dito sa academy?'- naguguluhan kong sambit.

'Wala na sa academy si miss Vox'- HM dave

'What do you mean?'- seryosong tanong ni ethan.

'Nag drop na si miss Vox'- seryosong sambit ni HM na ikinabigla ko.

'Na-nag d-drop?, kailan pa.'- tanong ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak nakita ko naman ang pagkuyom ni ethan ng kanyang kamao.

'Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng umalis siya ng academy'- sambit ni HM kaya naman walang pasabi akong lumabas ng opisina ni HM habang umiiyak habang nakasunod sa akin si ethan.

Papunta na sana kami ng dorm ng makasalubong namin sina mica na agad namang lumapit sa akin.

'Fiona ok ka lang, anong nangyari?'- tanong ni mica at akmang hahawakan ako.

'Don't you dare touch me=_='- malamig kong sambit na ikinabigla niya

'Fiona'- mica

'Kasalanan niyo kong bakit umalis si sophia, dahil sa makitid niyong isip kaya umalis siya'- galit kong sambit na ikinabigla nila.

'A-anong ibig mong sabihin'- kinakabang tanong ni tracy

'Nagdrop na si sophia sabi ni headmaster =_='- malamig na sambit ni ethan habang nakakuyom ang kamao.

'Na-nag jo-joke lang kayo diba?'- umiiyak na sambit ni tracy habang inaalo ni troy.

'No=_='- ethan

' ngayon nag aalala kayo kasi umalis na si sophia, samantalang dati eh halos ayaw nyo nga siyang tignan'- sambit ko habang umiiyak saka umalis patungong dorm.

Sophia, please bumalik ka na.
_____________________________________

Guyz binago ko po ung ibang part ng chapter 21, pangit po kasi kapag alam agad kong sino ang killer kaya binago ko.

Cnxia na guyz ^__^¥.


Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon