chapter 50

16.2K 396 11
                                    

Sophia P.O.V

Isang lingo na ang lumipas simula ng magsimula ang aking misyon at sa isang lingong yon ay nalaman kong may ibang mga witch at wizard na mas piniling umanib sa mga dark user. Kaya naman pala malayang nakakapasok dito ang mga dark user dahil may mga kasabwat silang witch at wizards.

Nang dahil sa nalaman namin ay mas hinigpitan ko ang pagbabantay kay dylan. Si dylan ang kaisa isang tagapag mana kaya naman siya ang puntirya ng mga kalaban para mapasunod ang mga witch at wizards. Kaya kahit na nagaalala ako sa kalagayan ng academy at ng mga magulang ko ay hindi naman pweding basta basta na lang akong aalis.

'Mukhang ang lalim ng iniisip mo iha'- narinig kong sambit ni tita sa aking likod. Walang pasok ngayon kaya naman mas pinili kong magmuni muni dito sa garden ng palasyo habang si dylan naman ay iniwan ko sa kanyang kwarto.

'Naalala ko lang po ang academy'- plain kong sagot habang nakatingin sa mga nag gagandahang bulaklak sa paligid.

'Pasensya ka na kong nawalay ka man sa mga kaibigan at pamilya mo ng dahil sa amin'- seryosong sambit ni tita saka tumabi sa akin at talaga namang Hindi mo mababakasan ng pagkaisip bata ngayon si tita. Isang matured na ina ang nakikita ko ngayon, malayong malayo sa isip batang reyna.

'Misyon ko ang panatihing ligtas si dylan kaya hangat hindi siya nagiging ligtas ay hindi ako uuwi'- sambit ko na sinagot niya naman ng isang matamis na ngiti.

'Salamat sa lahat lahat sophia'- nakangiting sambit ni tita na sinagot ko naman ng isang tipid na ngiti.

'ma, sophia, nandito lang pala kayo'- sambit ni dylan na papalapit sa amin.

'Bakit anak miss mo agad ang fiance mo?^___^'- malawak na ngiting sambit ni tita, balik nanaman siya sa pagkaisip bata. Bipolar talaga =_=.

'Ma naman eh'- hindi maka tinging sambit ni dylan habang nakamot ng ulo na tinawanan lang ni tita.

'Bakit mo nga pala kami hinahanap dylan?'- tanong ko at baka humaba pa ang usapan/asaran nilang mag ina.

'Actually ikaw lang ang hinahanap ko, aayain sana kitang mamasyal^_^'- nakangiting sambit ni dylan  habang hindi naman naaalis ang ngiti ni tita.

'Ok'- maikli kong sambit saka tumayo.

'Tara na?, ma alis na muna kami'- sambit niya na sinagot ko naman ng tango.

'Anak ok lang kong mauuna ang apo ko kesa sa kasal'- pahabol na sambit ni tita bago kami maka layo. Dahil sa sinabi ni tita ay hindi ko tuloy maiwasan ang pag iinit ng aking pisgi, seryoso ba siya sa sinabi niya? Ang babata pa kaya namin =_=. Kong makapag isip naman si tita =_=.

'Tss baliw talaga si mama'- sambit ni dylan na ikinalingon ko sa kanya, nakita kong nakatingin siya sa malayo habang namumula naman ang kanyang tenga. Ano bang meron sa tenga niya at palagi na lang namumula =_=.

'Saan tayo pupunta?'- tanong ko ng makalabas kami ng palasyo.

'Secret^_^'- sambit niya naman saka inilabas ang kanyang wand. Sa isang kumpas niya lang ay may lumabas na agad na isang magic carpet na sa tingin ko ay kakasya kaming dalawa.

Kakahakbang ko pa lang sa magic carpet ng bigla niya na lang itong paliparin na muntik ko nang ikahulog, buti na lang ay nahawakan niya ako sa aking bewang bago pa man ako tuluyang mahulog. Hindi ko maiwasang tapunan siya ng masamang tingin na tinawana niya na lamang.

'Huwag kang mag alala hindi ko hahayaang mahulog ka, at kong sakali mang mahulog ka ay nandito lang ako palagi para saluhin ka. Sana lang saluhin mo rin ako kong ako naman ang mahulog'- sambit niya habang matamang nakatingin sa aking mata.

'Wala akong kapangyarihan na lumutang oh magpalutang kaya hindi kita masasalo'- sambit ko,buti sana kong air ang kapangyarihan ko. Napatampal na lamang siya sa kanyang noo at tila frustrated sa hindi ko alam na dahilan.

'Malakas nga, manhid naman'-sambit niya na ikinakunot ng noo ko, ako ba ung sinasabihan niya ng manhid? Akala niya siguro ay hindi ko narinig dahil sa halos pabulong na lang ito.

'manhid saan?'- nakakunot noong tanong ko na ikinabigla niya. May nakakabigla ba sa tanong ko?=_=.

'A-ah wala, sabi ko namanhid ang paa ko'- agaran niyang sagot na sinagot ko na lamang ng tango.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid ng maramdaman ang unti unting paglapag ng magic carpet.

Napaka gandang lugar ang tumambad sa akin, may isang maliit na batis at sa gilid nito ay ang mga naglalakihang bato at syempre hindi mawawala ang mga nagkalat na puno at halaman sa paligid .

'dito ako pumupunta kong may problema ako'- nakangiti niyang sambit habang naka titig sa batis.

'Bakit mo ko dinala dito?'- tanong ko habang pinagmamasdan ang mga maliliit na isda na masayang naglalangoy sa maliit na batis.

'Alam kong gusto mo ng tahimik na lugar kaya naisip kong dalhin ka rito*smile*'- sambit niya saka umupo sa isang bato.

'Thanks *smile*'- pagpapasalamat ko bago tumabi sa inuupuan niyang bato.

'Basta para sayo'- sambit niya.

Agad akong tumayo ng makitang may ibang puno na may mga bunga na. Agad akong pumitas ng dalawang prutas at hinagis kay dylan ang isa. Dahil sa pagkabigla ay muntik pang hindi masalo ni dylan ang prutas, buti na lang at naging maagap siya dahil kong hindi ay baka sa mukha niya tumama ang prutas.

'Ang brutal mo talaga'- naiiling niyang sambit saka kinain ang prutas. Tahimik lang akong kumakain ng prutas dito sa gilid ng batis ng maramdaman ko na lang ang pagtulak sa akin mula sa likod.

'Hahahaha'- si dylan po yan =_=. Paano ba naman eh iinulak ako papunta sa tubig.

Dahan dahan akong lumapit kay dylan habang may ngising nakapaskil sa aking labi at nang makita niya ako ay akma na siyang tatakbo ng puluputan ko agad siya ng mga kadena ko.

'Ang daya, bawal gumamit ng magic *pout*'- dylan habang pilit na kumakawala sa mga kadenang nakapulupot sa kanya.

Hindi ko na siya pinakingan pa at gamit ang aking kadena ay ibinalibag ko siya patungo sa gitna ng batis.

Hindi maalis alis ang ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan siyang nanginginig na umahon sa tubig. Bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin ay agad na kong tumakbo palayo sa kanya.

'Hoy Bumalik ka dito'- sigaw niya habang patuloy sa mag habol sa akin. Para kaming bata ni dylan na naghahabulan at kong minsan naman ay nagbabatuhan ng mga nakikita naming putik.

May mga putik na tumatama sa likod ko habang ako naman ay pinupuntirya ang kanyang mukha. Nakakatawa ang kanyang reaction kapag natatamaan ko siya sa mukha.

'Sa-sandali lang t-time out muna'- sambit niya habang hinahabong ang hininga kanina pa kami nag hahabulan at nagbabatuhan ng mga putik kaya naman halos hindi na kami makilala sa aming itsura.

'Tara na maligo na tayo at baka hanapin na tayo sa palasyo'- sambit niya na sinagot ko naman ng tango. Makakamiss din pala ang pagiging bata, sana bata na lang ako para naman hindi ko nararanasan ang mga problemang to.

________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon