chapter 60

13.2K 306 4
                                    

Sophia P.O.V

Tahimik kaming naglalakbay patungong fire kingdom ng bigla na lang kaming palibutan ng mga naglalakihang ugat at sanga ng mga punong kahoy.

'A-aray'- narinig kong daing ni melody habang pilit na tinatangal ang mga ugat na pumulupot sa kanyang paa.

'Shit! Ano nanaman ba to'- naiinis namang sambit ni mark habang sina kate at mica naman ay tinutulungang alisin ang mga ugat ng puno sa paa ni melody.

'tss, sigurado akong kagagawan nanaman to ng mga dark user'- seryosong sambit ni ethan.

Tahimik lamang akong nagmamasid sa paligid habang nasa pagkabilang kamay ko ang twin sword na aking isinummon.

'AHHHH!!!'- narinig kong sigaw ni tracy sa aming likod na agad kong nilingon. Kitang kita ko kong paano siya lamunin ng mga sanga at ugat ng puno.

'TRACY!!!'- sigaw naman ni troy habang sunod sunod na hiniwa ang mga ugat na lumamon kay tracy ngunit lahat na napuputol na sanga at ugat ay agad rin namang napapalitan.

'T-tracy'- naluluhang sambit nina fiona at mica

'shit!shit!shit! Umalis kayo sakin'- narinig naman naming sigaw ni vince agad akong tumakbo patungo sa kanya ngunit tuluyan na siyang linamon ng mga ugat na ikinahina ng tuhod ko. Hindi ko alam kong bakit nangyayari to, wala man lang akong magawa para sa mga kaibigan ko.

'Ahhhh'

'T-tulong'

'Arghhh'

Halos hindi ko na maigalaw ang aking mga paa ng makita ko ang sunod sunod na paglamun kina mica, alex at dylan. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko, walang saysay ang mga kapangyarihan namin. Kahit na ginagamit ng mga kaibigan ko ang kanilang mga kapangyarihan ay tila hindi man lang nababawasan ang mga ugat at sanga.

'H-hindi ako m-maka h-hinga'

'So-sophia tulong'

'Aahhhhh'

'Growl'

Tuluyan na kong napaluha ng makita ang unti unting pagkawala ng mga kaibigan ko at maging si sep, hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng matinding galit at kahit na alam kong hindi gumagana ang mga kapangyarihan namin ay pilit ko paring pinagpuputol ang mga sanga sa paligid ko.

Dylan P.O.V

Tahimik kaming naglalakad ng bigla na lang nawala ang mga kaibigan ko.sa aking paningin.

'Sophia?, alex? Kaito? Asan kayo guys?'- pagtatawag ko sa mga kasama ko.

'Wala kang kwenta'- narinig kong sambit ng napakapamilyar na boses sa likod ko.

'M-mom?'- sambit ko ng makita sina ina at ama.

'wala kang kwentang anak, sana hindi na lang ikaw ang naging anak namin'
- galit na sambit ni ama na ikinabigla ko.

'A-ano pong i-ibig nyong sabihin?'- nauutal kong sambit.

'Nang dahil sayo kaya nasa panganib ang buong witch and wizard kingdom.'- sambit naman ni ina.

'Iniwan ka na ng mga kaibigan mo dahil pabigat ka lang'- dugtong ni ama

'Hindi yan totoo'-  sambit ko habang iniiling ang aking ulo.

Mica P.O.V

Hindi ko alam kong bakit bigla na lang tumigil sa paglalakad ang mga kaibigan ko.

'Bakit kayo tumigil?'- agad kong tanong sa mga kasama ko.

'Huwag ka ngang maingay'- mataray na sambit ni fiona.

'Oo nga palagi ka na lang maingay, dapat kasi hindi ka na lang sumasama sa mga misyon namin'- dugtong naman ni vince.

'A-anong bang pinagsasabi ninyo? S-siguro pinagttripan nyo lang ako ha-ha-ha'- pilit ngiti kong sambit.

'Hindi ka nararapat na mapabilang sa amin. Napakahina mo=_='- malamig namang sambit ni sophia na ikinaluha ko. Hindi ko alam na ganon na pala ang tingin nila sa akin.

Haru P.O.V

'Kamusta na ang mahal kong anak?' -nakangising sambit nang taong kinamumuhian ko.

'Anong ginagawa mo ditong hayop ka?'- galit kong sambit.

'Hahaha*evil laugh* ayaw mo man lang ba akong makita?'- nakangisi niya paring sambit.

'Kahit kailan ay hindi ko gugustohing makita kang hayop ka'- nangigigil kong sambit.

'Talaga? Kahit sabihin kong hawak ko ang pinaka mamahal mong babae?*smirk*'- sambit niya na mas lalong ikinagalit ko.

'Anong ginawa mo kay sophia?'- galit kong sambit at saka siya pinagbabato ng mga poison blade.

Ngunit halos gumuho ang mundo ko ng bigla na lang lumitaw si sophia sa harap na naging sanhi ng pagtama sa kanya ng aking mga poison blade.

'So-sophia?'- nakatulala kong sambit

'Hahahaha akala ko ba mahal mo siya. Eh bakit mo siya pinatay'- sambit ng taong nasa harap ko habang ako naman ay nakapako parin ang paningin sa nakahandusay na katawan ni sophia.

Melody P.O.V

'Pinatay mo ang kapatid mo'- galit na sigaw sa akin ni ina habang may nanlilisik na mata.

'So-sorry'- umiiyak kong sambit. Alam ko namang ako ang dahilan ng pagkamatay ng nakatatanda kong kapatid pero hindi ko ginusto ang nangyari.

'Buhay pa sana siya kong hindi dahil sayo*paakk*'- nangigigil na sambit ni ina ngunit hindi ko inaasahan ang pagsampal niya sa akin. Ni minsan ay hindi pa niya ako napagbuhatan ng kamay.

'Sana ikaw na lang ang namatay'- sambit niya na mas lalong ikinahagulhol ko. Sana nga ako na lang ang namatay.

Fiona P.O.V

*PAKK*

Nanlalaki ang mata kong nakatingin kay sophia. Hindi ko alam kong bakit bigla na lang niya akong sinampal.

'B-bakit mo yon ginawa?'- tanong ko habang nakatingin sa galit niyang mukha.

'Isa kang traydor'- galit niyang sambit.

'Anong ibig mong sabihin'- nagtataka kong sambit.

'Akala ko totoo kitang kaibigan pero isa kang traydor'- galit niyang sambit saka ako dinaplisan ng hawak niyang blade.

'Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako traydor'- naiinis kong sambit pero tila bingi na siya sa sobrang galit at patuloy ang pagsugod sa akin.

Troy P.O.V

'T-troy t-tulong'- umiiyak na sambit ni tracy habang nakakapit sa baging para hindi siya tuluyang mahulog sa bangit.

'hawakan mo ang kamay ko'- sambit ko naman habang pilit na inaabot ang kanyang kamay.

Agad naman siyang nahawakan ngunit bago ko pa siya lubusang maiangat ay siya namang pagdulas ng kanyang kamay.

'TRACY, NO!!!'- sigaw ko habang nakatingin sa katawan niyang  unti unting nahuhulog.

Kaito P.O.V

'Let her go you f*cking asshole'- galit kong sambit sa mga taong hawak ngayon si sophia.

'At bakit ka naman namin susundin?, sayang naman mukha pa naman siyang masarap'- nakangising sambit ng mga nasa harapan ko.

'Papatayin ko kayo'- nanggigigil kong sambit at akma silang susugurin ng hawakan nila ang leeg ni sophia.

'Subukan mo lang at papatayin ko ang babaeng to' -nakangisi niyang sambit na ikinatigil ko.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Alam kong kapag hindi ako lumaban ay mamamatay kaming dalawa pero kapag lumaban naman ako ay mamamatay siya.

'Ganito na lang para madali, buhay niya o buhay mo?'- nakangisi niyang sambit.

'Ka-kaito'- umiiyak na sambit ni sophia na nakagapos hangang ngayon.

'Ano na? Kanina pa ko naiinip.'- sambit ng lider nila. Napaluhod na lang ako dahil sa kawalan ng pagasa.

'Pa-patayin nyo na lang ako'- sambit ko. Mas gugustohin ko pang mamatay ng inililigtas ang taong mahal ko.
___________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon