chapter 63

13.4K 375 23
                                    

Sophia P.O.V

'Pagkatapos niyong kumain ay maghanda na kayo para sa inyong pagsasanay'- sambit ni master rej habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

'Kayo po ba ang magsasanay samin master?'- tanong ni fiona na sinagot naman ni master ng iling.

'bawat isa sa inyo ay may tig isang tagapag sanay at kong iniisip nyong magkakasama kayo sa pagsasanay ay nagkakamali kayo. Isang linggo ang itatagal ng pagsasanay kaya isang linggo rin kayong hindi magkikita.'- paliwanag ni master rej na sinagot na lang namin ng tango.

Pagkatapos naming kumain ay agad rin kaming nag handa. At nang matapos na kaming lahat ay nagtungo kami sa pinaka gitna ng gubat.

Pagkarating namin sa pinakagitna ng gubat ay nagsambit ng mga kakaibang lengwahe si master hangang sa may lumitaw na mga portal.

'Pumili na kayo ng portal na gusto ninyong pasokan. Isa lamang sa bawat portal ang dapat pumasok.'- master rej

'Mauuna na ko. Bye'- sambit ni kate at pumasok na sa unang portal.

Habang pumasok naman sa pangalawang portal si ethan

'ako naman'- sambit naman ni Dylan.

'Mag iingat ka sa pupuntahan mo at huwag mo ring papagudin ang sarili mo'- bilin ng katabi kong si haru saka mabilis na hinalikan ang aking pisngi.

Hindi na ko nakapag react pa dahil tumakbo na siya at nakangiting pumasok sa portal na ikinailing ko na lang.

'Tss'- narinig kong sambit ni kaito sa likod namin at may kinuha sa bag niya.

'Why?'- tanong ko ng makita ko siyang lumapit sa akin na may seryosong mukha.

' may dumi sa mukha mo'- seryoso niyang sambit saka pinunasan ng panyo ang aking pisngi kong saan ako hinalikan ni haru.

'Ayan ok na, sa susunod wag kang magpapahalik sa iba at baka magkasakit ka'- sambit niya saka ibinalik ang panyo sa kanyang bag.

'ok??'- patanong kong sagot, eh sa hindi ko alam kong anong pinagsasabi niya =_=.

'Ehem!!! baka gusto niyo nang pumasok'- sambit ni master sa aming unahan. Saka ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ang nandito.

'Be careful ok?'- sambit ni kaito na sinagot ko na lamang ng tango at bago pa man siya tumalikod ay ginawaran niya ko ng halik sa noo.

'Mga kabataan nga naman hahaha, naalala ko pa noong kabataan ko. Napa--'-master rej

pumasok na ko sa pang huling portal at hindi na hinintay ay sasabihin ni master at baka maikwento niya pa ang kanyang talambuhay.

Pagkalabas ko ng portal ay tumambad sa akin ang mga patay na puno at lantang halaman. Kong titignan ang paligid ay para itong isinumpa ng kong sinu.

'anong kailangan mo dito?'-walang ka buhay buhay na tanong ng lalaki sa harap ko. Sa tingin ko ay matanda lang siya sa aking ng pitong taon. Kong titignan ay hindi maitatanging may itsura ang lalaking nasa harap ko, napakaitim ng kanyang buhok na binagayan naman ng itim na itim niyang mata habang napakaputi naman ng kanyang kutis at papupula ang mga labi na tila isang bampira.

'Ipinadala ako dito ni master rej para sa isang pag sasanay=_='- malamig kong sambit na sinagot niya naman ng tango.

'Ok, tawagin mo na lang akong val'-pagpapakilala niya.

'Sophia'- sambit ko naman

'Sumunod ka sa akin'- sambit niya saka nauna nang maglakad.

'Anong lugar to?'- tanong ko habang naglalakad. Wala pa naman kasi akong nakikitang ganitong lugar sa magic word.

'dead land, isang lugar na hindi basta basta nagagamit ang kapangyarihan at kong isa ka lang ordinaryong linalang ay maaari kang mamatay kaya kong mahina ka ay mas mabuti pag bumalik ka na lang sa magic word'- sambit niya, kaya pala pagpasok na pagpasok ko pa lang ay parang hindi na maganda ang pakiramdam ko  sa lugar na ito.

'Mas mabuti nang mamatay na may ginawa ako kesa ang mabuhay na pinapairal ang takot'- malamig kong sambit na sinagot niya naman ng tango.

Hindi nagtagal ay may natanaw akong isang ilog na kulay itim ang tubig habang may mga patay na halaman naman sa gilid nito.

'para sa una nating pagsasanay ay hahasain muna natin ang iyong pisikal na lakas. Alam kong hindi ka basta basta pero kailangan mo paring mag sanay dahil wala pa ang lakas mo kumpara sa lakas ng pinuno ng mga dark user. Maari mo ring ilabas ang buo mong lakas dito dahil hindi rin naman malalaman ng mga kasama mo at ni rej'- malamig niyang sambit na ikinalaki ng mata ko. Paano niya nalaman na itinatago ko ang lakas ko.

'Isa sa mga kapangyarihan ko ang malaman ang sekreto ng isang magic user kaya alam ko ang mga sekreto mo.' -sambit niya na sinagot ko naman ng tango.

'Simulan na natin ang pagsasanay'- sambit niya at hindi pa nga ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko ay naramdaman ko na lang ang paghapdi ng braso ko.

'Kailangan mong maging handa palagi dahil hindi mo alam kong kailan aatake ang kalaban'- sambit ni val sa likod ko hindi ko man lang napansin ang pagdaan niya.

Dahil sa  nangyari ay mas lalo kong pinatalas ang aking pakiramdam kaya naman nakaiwas agad ako nang akmang aataki nanaman siya pero hindi ko napansin ang paparating niyang paa na tumama sa aking tiyan na naging dahilan ng pagtilapon ko.

'Huwag kang mag focus sa isang bagay dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay isa lang ang kalaban mo'- sambit niya. Agad naman akong tumayo at hindi ko alam kong bakit pero napangiti na lang ako dahil pakiramdam ko ay isang napakalaking challege ang kakaharapin ko ngayong training na to.

Muli nanaman siyang sumugod sa akin at sa pagkakataong ito ay nasasalag ko na ang iba niyang atake pero hindi parin maiiwasan ang masugatan ako.

Madami na ang sugat na natamo ko samantalang si val ay isang mumunting galos lang ang natamo at tila walang kapagudan hangang sa Lumipas ang isang oras ay ganong parin ang nagyayari salag lang ako ng salag habang si val naman ay atake lang ng atake marami na rin ang sugat na natamu ko habang si val ay iilan lang at kinailangan ko pa talagang pagplano ng mabuti para lang masugatan siya=_=.

'Magpahinga muna tayo'- sambit niya na sinagot ko naman ng tango, mas mabuti pa nga dahil kanina pa ko napapagod.

Val P.O.V

Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang babaeng ipinadala dito ni rej para sanayin ko. Noong una ay nagtataka ako kong bakit isang babae  ang sasanayin ko, inaasahan kong lalaki ang mapupunta sa akin dahil alam naman niyang ako ang pinaka mahirap magbigay ng pagsasanay at kanina lang ay saka ko naintindihan kong bakit siya ang ipinadala dito. Hindi basta basta ang batang ipinadala sa akin.

Alam kong may kakaiba sa batang sasanayin ko at alam
ko ring malakas siya.dahil karamihan sa mga sinasanay ko ay hindi magawang makipagsabayan sakin samantalang siya ay nagawa pa akong sugatan.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon