chapter 34

17.9K 519 138
                                    

Sophia P.O.V

'Good morning po headmaster'- magalang na pagbati nila kay headmaster.

Maaga pa lang ay ipinatawag na agad kami ni headmaster, kahapon nangyari ang pagatake at dahil sa pagod ay agad na kaming nag pahinga sa aming dorm at nakalimutang pumunta kay HM.

'good morning din elites, maupo kayo'- seryoso niyang sambit na agad naman naming sinunod.

'Bakit niyo po kami ipinatawag?'- tanong ni kate habang kami ay matamang nakikinig.

'Nang mawala ang mga dark users kahapon ay agad akong nagtungo sa fortis academy para makausap si HM dave'- HM lance.

'And?'- haru

'at napagpasyahan naming pag isahin na lang ang light at fortis academy'- sambit niya na ikinakunot ng aking noo.

'Why?'- walang emosyon kong sambit.

'Dahil sa mga dark user'- sambit niya

'Mga mahihinang dark user lang ang umataki sa atin kahapon pero marami ang sugatan at may mga namatay rin sa mga estudyante, what more kong ang malalakas na ang umatake sa atin'- seryoso niyang sambit  na ikinatango na lamang namin.

'Bukas ililipat sa fortis ang mga estudyante ng light, huwag kayong mag alala dahil hiwalay ang light at fortis student. Magkikita kita lamang kayo ng fortis student kong may mga mahahalagang kaganapan'- sambit niya.

'naiintindihan po namin'- sambit ni melody.

'Bukas ay pumunta kayo sa akin dahil pupunta tayo sa headmaster ng fortis academy, hindi kayo sasabay sa iba pang estudyante.'- sambit ni HM na ikinatango na lamang namin.

'Maari na kayong lumabas, nasabihan ko na rin ang mga professor niyo at sila nang bahalang magsabi sa iba pa'- sambit ni HM bago kami tuluyang lumabas.

Pagkarating namin sa dorm ay agad kaming sumalampak sa sofa, mamaya na lang ako mag aayos ng aking gamit at sa tingin ko ay mamaya na rin mag aayos ang mga kasama ko .

'Wahhh excited na ko'- excited na sambit ni melody.

'Ako rin.gusto kong makilala ang mga nasa black class, sabi nila ang lalakas daw nila*_*'- sambit ni kate

'Tss mas malakas naman ako sakanila'- pagmamayabang naman ni mark na nasa tabi ni kate.

'eh wala ka nga ata sa kalingkingan nila eh'- pambabara naman ni kate kay mark.

'Pero sabi nila dalawa daw Ang rank 1 sa fortis academy at magpinsan pa'- alex

'Oo nga , ang lakas siguro nila.'- melody.

'At baguhan daw Ang rank 2 nila at babae pa'- namamanghang sambit naman  kate.

'Gusto ko siyang makilala*_*'- melody

'Hay nako, makapag ayos na nga lang ng gamit'-sambit ni mark saka tumayo

'Ako rin mag aayos na'- sabay naman na sambit ni melody at kate.

'Ako rin^_^'- alex

Hindi naman halatang excited sila sa pagpunya sa fortis=_=.

'Hindi ka pa ba mag aayos?'- tanong ni haru ng maka alis na ang apat.

'Mamaya na '- maikli kong sagot.

'Sa tingin mo anong mangyayari sa atin sa fortis academy?'- tanong ni haru habang nakatitig sa akin

'I don't know'- plain kong sagot.

'Here'- sambit ni haru sabay abot sa akin ng bulaklak

'Ano to?'- tanong ko

'Rosas'- sambit niya na ikinainis ko naman.

'Alam ko. What I mean is bakit mo ko binibigyan ng bulaklak?'-  tanong ko

'Wala lang, gusto lang kitang bigyan. At lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ay nandito lang ako *smile*'- sambit niya na ikinatameme ko.

Dahil siguro sa hindi ko parin kinukuha ang rosas ay kusa na syang lumapit saakin at inilagay ang rosas sa aking punong tenga

'Perfect'- nakangiti niyang sambit habang nakatingin sa aking mukha na ikinailang ko.

' ipinapangako kong makikita ko ang mga ngiti sa labi mo'- sambit ni habang nasa gilid ng aking labi ang kanyang hinlalaki. Hindi ko magawang titigan siya dahil sa lapit ng kanyang mukha na nakatitig sa aking mga labi.

'At gusto kong ako ang dahilan ng mga ngiting yon'- nakangiti niyang sambit.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang kanyang labi na lumapat sa aking noo, rinig na rinig ko rin ang malakas na pintig sa aking puso. Hangang ngayon ay nalilito parin ako sa aking nararamdaman, hindi lingid sa aking kaalaman na gusto ko si haru ngunit hindi yon sapat para masabi kong mahal ko na siya.

' I love you sophia'- malambing niyang sambit habang ako ay nakatitig lamang sa mga malamlam niyang mata at hindi makapag salita sa labis na pagkabigla.

'gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako'- sambit niya habang marahang hinahaplos ang aking pisnge.  Hindi ako makapag salita dahil sa kanyang mga sinabi, alam kong pulang pula na ang aking mukha ngunit hindi ko magawang iiwas ang aking mata.

'B-but'- ako

'Shhh, maghihintay ako sophia'- sambit niya at muling hinagkan ang aking noo

'Tara na at nang makapag empake'- sambit niya at hinila ako.

'Tss marunong akong maglakad mag isa, huwag mo kong hilahin'- nakabusangot kong sambit  at pilit na tinatangal ang kanyang  kamay.

'Hahaha kahit na naka busangot ka, ang cute mo parin '- sambit niya at patuloy parin sa paghila sa akin

'Tss maganda ako,hindi cute'- sambit ko.

'Yon nga eh, sana pangit ka na lang'- sambit niya na kinainis ko

'At bakit?'- mataray kong sambit. Basta talaga siya ang kasama ko ay hindi ko mapigilan ang aking mga emosyon.

'Para wala nang ibang lalaking titingin sayo, ako lang'- malambing niyang sagot na ikinalaglag ng panga ko.

'Tsk mag empake ka na at mag eempake na rin ako'- sambit ko at tuloyan ng pumasok sa aking kwarto, hindi na ko lumingon dahil alam kong parang kamatis na sa pula ang aking pisngi ngayon.

Haru P.O.V

Masaya akong pumasok sa aking kwarto, sawakas ay nasabi ko na rin ang aking nararamdaman. Gagawin ko ang lahat para kay sophia, handa kong ibuwis ang aking buhay para sa kanya.
____________________________________
Tanong lang guyz. Sino pong mas bagay kay sophia si haru po ba o si kaito?.



Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon