chapter 43

16.6K 408 5
                                    

Sophia P.O.V

'Maaari ka nang pumasok sa portal'- sambit ni HM dave ng maka gawa na siya ng portal.

'Wait'- pagpigil sa akin ni HM nang akmang papasok na ko sa portal.

'What?'- irita kong tanong.

'Ipakita mo to pagkaapak na pagkaapak mo pa lang sa witch and wizard's land, nagpapatunay yan na naggaling ka dito sa academy'- sambit ni HM dave sabay abot sa akin ng isang golden coin na may logo ng school.

'Ok'- maikli kong sagot .

'Sige na maari ka nang umalis, mag iingat ka don'- sambit ni HM dave na sinagot ko na lamang ng tango.

Hindi na ko nagtagal pa at agad na pumasok sa portal, bumungad sa akin ang isang barrier at sa loob nito ay may mga nakabantay na kawal. Hangang dito lang sa labas ang kayang abotin ng portal dahil sa pinipigil ng barrier ang portal o kaya naman ay teleportation.

'Anong ginagawa mo dito babae?'- matigas na sambit ng kawal na lumapit sa akin. Tinitigan ko lamang ito ng maigi at muling inilibot ang aking paningin. Mapuno ang lugar  kong nasaan ako at napakatahimik rin, ibang iba ang mga kawal ng witch and wizard's kingdom kong para sa kawal namin, kong ang mga kawal namin ay sandata ang hawak, sila naman ay mga wand.

'Inuulit ko anong ginagawa mo rito'- may diing sambit ng kawal na nasa harap ko. Sa tingin ko ay siya ang namumuno sa mga kawal na ito dahil siya lang ang bukod tanging naiiba ang kasootan.

Hindi na ko nag abala pang mag salita at ipinakita na lamang ang golden coin na ibinigay sa akin.

'Pasensya na sa kagaspangan ng ugali ko, marami na kasing dark user ang nagagawi dito kaya hindi agad kami nagpapapasok'- paumanhin ng lalaki sa harap ko ng makita ang golden coin. Hindi ko naman sila masisisi kong bakit ganoon ang pakikitungo nila sa akin, sa panahon ngayon ay hindi dapat basta basta magtitiwala.

'Ako nga pala si general Lucas, ang namumuno sa mga kawal'- sambit ni lucas habang naglalakad kami, kong titignan ay parang nasa mid 30's pa lang siya.

'Sophia'- tipid kong pagpapakilala habang nakasunod sa kanya.

'Pumili ka na lang diyan ng iyong masasakyan upang mas mapadali ang pagpunta natin sa kaharian o kaya naman ay makisabay ka na lang sa akin kong hindi ka sanay gumamit ng magic carpet'- sambit ni general lucas ng makarating kami sa isang maliit na  bahay na may mga nakalagay na magic carpet.

Hindi ko na lamang siya pinansin at lumapit sa isang magic carpet, tumayo ako sa ibabaw ng magic carpet saka tinap ito ng dalawang beses gamit ang aking paa sa naging sanhi ng paglutang nito.

'Hindi ko alam na marunong ka palang gumamit nito'- nakangiti niyang sambit. Hindi naman kasi gumagamit ng magic carpet sa magical land dahil nakakalipad naman kami gamit ang aming kapangyarihan at may ibang paraan kami ng transportation. Marunong akong gumamit nito dahil sa pinag aralan ko rin ang mga tungkol sa witch at wizard's land nang nasa kaharian pa ko.

Gamit ang aking isip ay kinontrol ko ang magic carpet hangang sa maramdaman kong kusa na itong sumusunod sa gusto ko. May iba kasing magic carpet na hindi sumusunod sa sumasakay dito at basta na lang lumilipad sa ibang direction.

Habang nakasunod kay heneral lucas ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa paligid. Maganda ang witch and wizard's land, maraming puno ang makikita sa paligid at marami ring ligaw na mga bulaklak na mas nagpapaganda dito. May mga witch at wizard akong nakikitang nag eensayo ng kanilang magic at talaga namang napapahanga ako sa lugar na ito dahil makikita mo ang pagkakaisa at pagiging payapa ng lugar.

Hindi nagtagal ay agad ko ring natanaw ang palasyo, kong titignan ay medyo maliit ito kong ikukumpara sa palasyo namin, ngunit hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Nagtataka lang ako kong bakit pa kailangang ako ang magbantay sa tagapag mana samantalang hindi mo naman maipagkakaila na malakas rin ang mga witch at wizard.

Agad kaming pinagbuksan ng mga kawal ng bumaba kami sa tapat ng gate, pagkababang pagkababa ko ay siya namang pagkawala ng magic carpet.

Tahimik lamang kaming naglalakad ni general lucas patungo sa hindi ko alam kong saan, bawat madaanan namin ay agad na nagbibigay galang kay general lucas samantalang nagtataka namang tingin ang ibinibigay nila sa akin. Hindi nagtagal ay  tumigil kami sa isang napakalaking double door na sa tingin ko ay isang throne room.

Pagkabukas na pagkabukas pa lang ay tumambad na agad sa akin ang nakangiting mukha ng reyna at hari.

'Ikaw ba ang ipinadala ng academy?'- mahinhing tanong ng reyna habang may malambing na ngiti.

'Opo mahal na reyna'- magalang kong sambit at bahagyang yumuko.

'Maari mo na kaming iwan lucas'- sambit ng mahal na hari.

'sige po mahal na hari't reyna, mauuna na po ako'- magalang na sambit ni general lucas at bahagyang yumuko bago umalis.

'Ano nga palang pangalan mo ija?'- tanong ng reyna ng maka alis si lucas, hindi parin nawawala ang mga ngiti niya sa labi at maging ang hari ay nakangiti rin, hindi ba sila nangangalay kakangiti?=_=.

'Sophia po mahal na reyna'- magalang kong sambit.

'Tawagin mo na lang akong tita diana at ang asawa ko naman ay tito lynard total ikaw na rin naman ang magbabantay sa aming anak'- sambit ng reyna na sinang ayonan naman ng hari.

'Sige po tito, tita-_-'- walang emosyon kong sambit ko.

'Mamaya rin ay darating na dito ang anak namin galing sa academy, sa ngayon ay magpahinga ka muna sa iyong kwarto'- paliwanag ng hari at may tinawag na isang tagapag silbi para ihatid ako sa aking magiging silid.

'Ako na po ang magdadala ng gamit niyo lady sophia'- sambit ng isang tagapagsilbi na matanda lang ata sa akin ng ilang taon.

Kong iniisip nyo na ang mga witch at wizard dito ay panget at nakasuot ng mga itim na damit at patusok na sombrero ay nagkakamali kayo, katulad din namin kong manamit ang mga witch at wizard, ang pagkakaiba nga lang ay may suot silang kapa na kulay dark brown.

'Ito na po ang inyong silid lady sophia, kong may kailangan po kayo ay tawagin nyo lang ako'- magalang na sambit ng kasama kong tagapag silbi na sinagot ko na lamang ng tango.

Kama agad ang hinanap ng aking mata ng makapasok ako sa aking pansamantalang kwarto.malaki ang kwartong ibinigay sa akin at nakakarelax din ang paligid dahil may mga halaman sa loob. Parang yong kwarto ko lang din sa academy dahil sa gilid ay may malaking bookshelf at sa pinakagitna naman ay ang aking kama na kulay dark violet na may highlight na black. Sa may right side naman ng kama ay may isang pinto na sa tingin ko ay cr at malaking cabinet.katulad ng aking kama ay dark violet na may highlight din na black ang pintura ng aking kwarto.

Hindi na ko nag abala pang mag ayos ng aking gamit at agad na isinalampak ang aking katawan sa kama.

_______________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon