chapter 55

14.6K 343 10
                                    

Sophia P.O.V

Maggagabi na ng mapag pasyahan kong bumaba, kahit na portal ang ginamit namin ay feeling ko pagod na pagod ako.

Agad rin namang ipinahatid si Sep dito sa dorm, at sa ngayon nga ay mahimbing itong natutulog.

Pagbukas ko ng pinto ay siya namang bukas ng pinto sa aking tabi.

'Bababa ka ba? Sabay na tayo ^_^'- nakangiting sambit ni dylan na sinagot ko naman ng tango.

Hindi pa man kami nakakababa ng tuluyan ay rinig na rinig na namin ay kulitan ng mga kasama ko.

'Ano ba vince, huwag mo nga yang kainin tawagin mo muna sina sophia'- narinig kong sambit ni Mica sa loob ng kusina.

'Oh sophia, Dylan dyan na pala kayo'-nakangiting sambit ni kate ng makita kami, kaya naman napatingin din sa amin ang iba pang naka upo sa sofa.

'Dito na muna kayo, hindi pa naman tapos mag luto si mica'- sambit ni troy, si mica kasi ang palaging nagluluto dito. Marunong namang magluto ang iba yon nga lang tamad sila magluto at isan ko don habang ang iba naman ay sadyang walang talento sa pagluluto.

'KAKAIN NA!!!'- narinig kong sigaw ni mica sa kusina. Kaya naman agad na nagsitayuan ang mga kasama ko at nag tungo sa kusina.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay tumambad agad sa akin ang naiinis na mukha ni mica habang pinapalo ang kamay ni vince na nagtatangkang kumuha ng cupcake sa mesa. Hangang dito ba naman =_=.

'wahh mamaya ka na kasi kumuha ng cupcake'- naiinis na sambit ni Mica, napailing na lang ako sa dalawa. Naalala ko nanaman tuloy sina tita at tito. Kamusta na kaya sila, sana ok lang sila.

'Hoy tumigil na nga kayo dyan, gutom na ko'- pag aangal naman ni mark sa tabi namin.

Hindi ko na lang sila pinansin at agad na umupo para makakain, nakita ko ring umupo sa tabi ko si dylan. Habang sa kabila naman ay naka upo si haru at sa unahan ko si kaito.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kong lumabas. Kaunti na lang ang mga estudyanteng nakikita ko sa hallway dahil sa madilim na.

Diba siya si sophia?

Oo nga, nagbalik na pala siya.

Dapat hindi na lang siya bumalik.

Oo nga masyado siyang mayabang.

Bumalik na si miss sophia.

Ang ganda niya talaga.

Yan ang mga naririnig kong sambit ng mga estudyanting nakakasalubong ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at pumunta na lang sa garden na palagi kong pinipuntahan.

Tahimik lang akong nag mamasid sa mga naggagandahanh bulaklak sa paligid, maganda sa garden lalo na kapag gabi dahil sa mga ibat ibang kulay ng alitaptap.

Abala ako sa pag mamasid sa mga nag gagandahang alitaptap ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil sa aura pa lang ay kilalang kilala ko na.

'Gabi na, bakit lumabas ka pa?'- tanong ni haru sa aking tabi.

'Hindi ako inaantok'- plain kong sagot ng hindi inaalis ang paningin sa mga alitaptap. Ang gaganda talaga nilang pagmasdan.

'Buti pa ang mga alitaptap malayang nakakalipad, sana dumating rin ang araw na makakalabas tayo ng academy na walang takot at kaba sa ating dibdib'- sambit niya na ikinalingon ko. tama siya, sana dumating rin ang araw na wala ng dark user na mag gugulo sa amin.

'sana nga'- sambit ko, ng sa ganon ay makabalik na ko sa mga magulang ko at maging masaya.

'Sophia'- pagtatawag niya sa akin.

'Hmm?'- ako

'Kahit na anong mangyari, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kaya kong kalabanin ang kahit na sino man para sayo'- sambit niya habang nakatitig sa akin, kahit na nakangiti siya ay kitang kita parin sa mukha niya ang lungkot at takot. Lungkot at takot para saan?.

'May problema ba?'- naka kunot noong tanong ko na sinagot niya na lang ng iling.

'Tara na, baka hinahanap na nila tayo'- sambit niya at agad akong hinila, kahit na hindi niya sabihin ay alam kong may bumabagabag sa kanya.

_kinabukasan__

Maaga kaming nagising para na rin makapag ayos. Ngayon ang unang araw namin ni dylan sa bago naming section, ang dark elites.

Agad kaming nag tungo sa training field para sa aming training, mas pinag tuonan na ngayon ang training ng mga estudyante para sa pag hahanda sa nalalapit na digmaan.

Sana lang ay magwagi kami kong dumating man ang digmaan.

Queen Ceana P.O.V ( queen of water kingdom)

Abala ako sa pag aayos ng mga bulaklak dito sa throne room ng pumasok ang hingal na hingal na kawal.

'Q-queen,*hinga* k-king*hinga* ipagpaumanhin nyo po ang walang pa sabi kong pag pasok pero may sumusugod po sa isa sa mga bayan na nasasakupan ng water kingdom'- sambit niya na ikinatayo ng asawa ko.

'Magpadala ng mga kawal sa lugar na sinusugod'- seryosong sambit ng aking asawa.

'Masusunod po'- mahalang niyang sambit at bahagyang yumuko bago umalis.

Napahilot na lang sa sentido ang aking asawa ng makalabas ang kawal.

'Huwag kang mag alala hon,magiging maayos rin ang lahat'- sambit ko sa aking asawa.

'Sana nga'- sambit niya.

Kong buhay pa sana ang prinsesa, edi sana malaki ang pag asa naming manalo.

Someone P.O.V

Iisa isahin ko kayong pababagsakin, lalo na ngayong wala ang ang inyong ipinagmamalaking prinsesa.

'Hindi magtatagal at magiging akin rin ang buong magic word hahahaha(evil laugh)'- dumadagundong kong sambit.nakita ko naman ang panginginig sa takot ng aking mga alipin. Dapat lang na matakot sila sa akin dahil kayang kaya ko silang patayin.

Matagal ko nang hinihintay ang panahon na to, ang panahon ng unti unting pagbagsak ng ibat ibang kaharian.

________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon