chapter 61

14.1K 350 11
                                    

Sophia P.O.V

Habol hininga ako ng tuluyang makatakas sa ilusyong nagkulong sa akin. Alam kong hindi basta basta ang taong gumawa ng ilusyon dahil halos inabot ako ng ilang minuto bago ko pa nalaman at nalabanan ang ilusyon.

Napatingin ako sa mga kasama ko at tulad ko ay napasa ilalim din sila sa ilusyon. Hangang ngayon ay tulala parin sila sa kawalan.

Agad kong pinakiramdaman ang paligid at nang maramdaman ko kong nasaan ang taong may gawa nito ay agad kong ipinalabas ang aking twin sword at mabilis siya sinugod.

Agad niyang naiwasan ang mga atake ko at kong minsan naman ay sinasanga gamit ang kanyang espada na napalilibutan ng apoy.

Masasabi kong bihasa sa pakikipaglaban ang kalaban ko dahil ni isang daplis ay hindi ko magawa.

Napa atras ako ng dumaplis ang kanyang espada sa aking braso na naging sanhi ng pagdugo nito at medyo nasunog rin ito.

Kitang kita ko ang nakangisi niyang mukha habang nakatingin sa sugat ko. Na mas lalo kong ikina inis.

'weapon sommuner at healer ka pala'- nakangisi niyang sambit na ikinabigla ko. Agad kong tinignan ang aking sugat at nakita kong wala na ang sugat nito. Hindi ko napansing napagaling ko pala ang aking sugat.

'Anong kailangan mo sa amin=_=?'- malamig kong sambit.

'Ang buhay niyo'- sambit niya.

Dahil sa sinabi niya ay agad ko na siyang linusob, ang kaninang bilis ko ay mas lalo ko pang dinoble, hindi ako maaring matalo dahil buhay ng mga kaibigan ko ang magiging kapalit.

Isang oras na ang nakakalipas pero tila walang gustong magpatalo sa amin, marami na rin ang natamo kong sugat, habang ang mga sugat na malalalim ay pinapagaling ko para naman hindi agad ako maubusan ng dugo at manghina, hindi ko naman maaaring pagalingin lahat dahil baka maubusan agad ako ng lakas habang siya naman ay may mga iilan na ring sugat pero hindi parin maalis alis ang ngisi sa kanyang mukha na kanina ko pa gustong alisin.

'Magaling ka bata, I wonder kong talagang weapon summoning at healing lang ang kaya mo'- sambit niya na hindi ko naman pinansin. Tama nang healing at weapon summoning lang ang alam niya.

Patuloy parin kami sa pagpapalitan ng ataki at nang akmang sasalagin niya na ang hawak kong espada ay bigla kong sipain ang kanyang tuhod na ikinatumba niya. Agad kong sinamantala ang pagkakataon at itinutok sa kanyang leeg ang espada ko habang ang hawak niya namang espada ay itinapon ko. Pero imbis na matakot ay tumawa lamang siya na tila wala nang bukas.

*hahahahahahaha*

'Your crazy'- hindi makapaniwalang sambit ko. Siya pa lang ang taong nakita kong tumataw kahit nasa bingit na ng kamatayan =_=.

'hahaha napahanga mo ko bata'- sambit niya. Habang ako naman ay wala paring emosyong nakatingin sa kanya.

'A-anong nangyari?'

'I-ilusyon lang yon?'

'Buti lang lang at ilusyon lang yon huhuhu'

Yan ang mga narinig ko sa likod, sa tingin ko ay nawala na ang ilusyon na nakabalot sa kanila.

Kahit na alam kong nawala na ang ilusyon ay hindi ko parin inalis ang espadang nakatutok sa leeg ng taong nasa harap ko ngunit ni katiting na takot ay wala akong makita sa mukha niya.

'Sophia?'- sambit ng mga kasama ko at agad na lumapit sa akin.

'Siya ba ang gumawa ng ilusyon'- sambit nila habang ako ay tumango na lamang kahit nakatalikod kaya hindi nila nakikita ang mukha ng taong nasa harap ko.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon