chapter 93(last chapter)

23.1K 517 63
                                    

Kaito P.O.V

It's been 4 years at ang araw na ito nga ang pinakahihintay ko.

'Pre ayos ka lang?'- tanong ni troy nang mapansing hindi ako mapakali.

'Wag kang mag alala, hindi tatakas si sophia. Maliban na lang kong nagbago ang kanyang isip at ako pala ang mahal niya haha'- sambit naman ni koharu na sinagot ko na lamang nang isang nakakamatay na tingin.

'Gusto mong isumbong kay hazel?'- malamig kong sambit na ikinaputla naman niya.

Naging sila na rin ni hazel dalawang taon na ang nakakalipas at ang masasabi ko lang ay talagang tinamaan ang luko.

'Hahaha nagbibiro lang ako. Wag mong sasabihin at baka umayaw pa kapag inalok ko nang kasal'- kumakamot namang sambit ni koharu. Tsk takot din naman pala.

Nandito ako ngayon sa harap nang altar at ngayong araw nga magaganap ang aming kasal.

'Tsk, bakit kaya ang tagal nila?'- hindi mapakali kong sambit.

'Relax pinsan, limang minuto pa lang siyang late.'- sambit naman ni ethan na nasa tabi ko at mahina akong tinapik.

Napatango na lamang ako at pilit na pinakalma ang aking sarili. Naalala ko pa noong mga panahon na nakilala ko siya, napukaw niya agad ang aking attention sa una pa lang naming pagkikita pero ipinagsawalang bahala ko lang ito dahil pilit kong isinisiksik sa aking isip na ang batang si aya ang mahal ko. Hindi ko alam na ang babaeng iniiwasan ko at si aya ay iisa lang pala.

Napatayo ako nang tuwid nang makita ang pagpasok nang aming mga kaibigan, matyaga akong naghihintay sa bawat pagpasok nila hanggang sa lahat na sila ay nakangiting naglalakad papunta sa harap maliban na lang kay tracy na nakaupo lang dahil limang buwan na ang kanyang ipinagbubuntis.

'Ang ganda talaga nang mahal ko'- narinig kong sambit ni mark sa aking likod na hindi ko na lang pinansin. Tanging si aya lang ang nag iisang maganda sa aking paningin.

Halos takasan ako nang aking hininga nang makita ang dahan dahang pagpasok nang aking magiging asawa.

Pakiramdam ko ay napakatagal nang oras at gusto ko na siyang sunduin nang agad na kaming maikasal.

'relax anak, makakarating din si sophia'- natatawang sambit nang aking ama na nasa  gilid ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at tanging kay sophia lang ang aking attention.

Napakaganda nang aking mapapangasawa sa suot niyang white gown. Samahan pa nang kanyang matatamis na ngiti.

Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa akin ay agad ko na siyang nilapitan na siyang ikinatawa mga kaibigan ko.

'Huwag mong pababayaan ang aking anak ijo'- nakangiting sambit ni tita.

'Opo tita, aalagaan ko po si aya'- magalang kong sambit sakanya.

'Tawagin mo na lang kaming mom at dad o kaya naman ay ama at ina.'- muli niyang sambit na sinagot ko naman nang tango habang may malawak na ngiti.

'ito lang ang masasabi ko sayo ijo. Oras na saktan mo ang aming prinsesa ay hindi ako magdadalawang isip na ipakain ka sa mga alaga kong lobo'- malamig na sambit ni tito na ikinaputla ko naman. May mga alaga kasing lobo si tito at talaga namang nakakatakot ito kong magalit.

Isang sunod sunod na tango naman ang aking isinagot kay tito. Habang si tita naman ay marahang pinalo si tito at pinagsabihan. Mabuti na lang ang mabait si tita.

'Anak, I'm so proud na magkakaroon ka na rin sa wakas nang iyong sariling pamilya, I love you anak.'- naluluhang sambit ni tita kay aya habang mahigpit itong yinakap.

'I love you to mom'- sagot naman ni aya.

Sunod namang lumapit sa kanya ay si tito na medyo naluluha na rin.

'palagi mong tatandaan na ikaw parin ang prinsesa ko kahit na ikakasal ka na, I love you princess'- sambit naman ni tito saka yinakap si aya.

'I love you too dad'- sambit ni sophia.

'maaari ka pa namang humindi anak, alam mo namang bata ka pa at kong sakali mang saktan ka nang magiging asawa mo ay sabihin mo lang sakin at ako nang bahala sa kanya'- muli nanamang sambit ni tito na ikinatawa ni aya. Tsk kong hindi lang talaga matanda si tito at ama ni aya=_=.balak pa atang sirain ang kasal ko.

'A-aray naman mahal'- pang aangal ni tito nang kurutin siya ni tita.

'Wag ka ngang magsalita nang ganyan'- pagsasaway naman dito ni tita.

'Nagsusuggest lang naman ako mahal'- pa inosente namang sambit ni tito.

'Mauuna na po kami mom, dad'- sambit ko saka kinuha ang kamay ni aya at ikinalong sa akin. Isang tango naman ang isinagot ni tita habang ako naman ay agad na inalalayan si sophia. Mahirap na at baka kong ano pang sabihin ni tito at magbago pa ang isip ni sophia. Mabait naman si tito, sadyang hindi niya lang matanggap na mag aasawa na ang kanyang prinsesa tsk.

'Wag kang makikinig sa dad mo.'- mabulong kong sambit kay sophia nang makarating kami sa harap nang altar habang isang mahinang tawa lang ang kanyang isinagot.

(Fastforward)(wala po akong alam sa mga seremonyas nang kasal)

'You may now kiss the bride'- nakangiting sambit nang taong nagkasal sa amin habang ako naman ay dahan dahan iniangat ang bagay na natatakip sa kanyang mukha.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang kabuohan nang kanyang mukha. Una kong hinalikan ang kanyang noo at sumunod naman ay ang tungki nang kanyang ilong hanggang dahan dahan ko namang inilapat ang aking labi sa mga mapupula at malalambot niyang labi. Kahit na anong mangyari ay hindi hindi ako magsasawa sa kanyang labi. Naputol lamang ang aking paghalik nang marinig namin ang masigabong palakpakan.

Matapos ang kasal ay agad na kaming nagtungo sa lugar kong saan ang reception. Sa garden ginanap ang aming kasal habang ang reception naman ay sa labas nang palasyo. Imbitado ang lahat na mga magic user kaya naman talagang isang malaking handaan ang naganap.

Nakita ko ang saya sa mukha nang aking asawa habang nagmamasid sa mga nadidiwang na magic user, maging ako ay masaya rin sa aking nakikita. Magkakasamang nagtatawanan ang mga light user ay dark user sa paligid habang ang mga kaibigan ko naman ay abala sa pakikipag landian sa kanilang mga kasintahan.

Sophia P.O.V

Walang pag sidlan ang aking kaligayahan sa mga oras na to. Naikasal na ko sa taong mahal ko at masasaya na rin ang mga kaibigan ko. Last year lang ikinasal sina tracy at troy at sa ngayon ay buntis na si tracy nang limang buwan. Habang si fiona at ethan naman na tatahi tahimik noon ay nauna pang ikinasal kila tracy. Dalawang taon na ang nakalipas simula nang ikasal sina fiona at ethan pero hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkaka anak. Sina mark at kate naman ay engaged na at maging sina alex at melody. Napagpasyahan nilang sa susunod na taon na lang magpakasal habang sina mica at vince naman ay engage na rin pero wala pang silang napag uusapan kong kailan ang kasal. Si haru naman ay mukhang mag aalok na rin nang kasal sa kanyang kasintahan na si hazel. Si dylan na lang ata ang wala pang kasintahan dahil sa pagiging abala nito sa kaharian nila.

Sabi nila nagiging ending lang daw ang isang storya kapang happy na pero para sakin ay hindi ito ending, ito pa lang ang simula nang aming happily ever after.

_________________________________________
Salamat po sa mga matyagang naghintay nang aking ud at sa mga nagbabasa nang aking mga story.

May bago namaman po akong story, action at fantasy. Nasimulan ko na po ang action habang ang fantasy naman ay sisimulan ko pa lang, siguro ay ipapublish ko sila kapag mga nasa kalahati na ako.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon