chapter 36

18.1K 472 11
                                    

fiona P.O.V

'Magandang hapon po HM ^__^'- hyper na pagbati ni mica pagkapasok namin ng kanyang opisina.kakarating pa lang namin galing sa isang misyon at ngayon nga ay nandito kami para
Magreport.

'Magandang hapon din, kamusta ang ipinadala kong gamot?'- tanong ni HM sa amin. Misyon kasi naming magdala ng gamot sa bayan ng ceux, isa sa mga bayang nasasakupan ng air kingdom.

'Maayos po naming nadala ang mga gamot sa bayan ng ceux'- sambit ko na sinagot niya naman ng tango.

'Kong ganon ay maaari na kayong magpahinga'- sambit ni HM na agad naming sinunod.

Melody P.O.V

'Ang boring naman dito'- sambit ko na ikinalingon ng mga kasama ko.

Lahat kami ay may kanya kanyang ginagawa para libangin ang aming sarili, si sophia nagbabasa habang si haru naman ay nakahiga sa mahabang sofa at ginawang unan ang binti ni sophia.si kate ayon nagsusuklay, si mark naman ay nanonood lang ng tv habang si alex ay kumakain ng chocolate.

'Tara mamasyal na lang tayo dito sa academy^__^'-  suggest ni kate na ikinangiti ko naman.

'Oo nga, oo nga. Mamasyal na muna tayo'- masaya kong sambit na sinangayunan naman ng mga kasama ko maliban na lang sa dalawang walang pakealam.

Dahil sa alam kong walang balak tumayo sina sophia at koharu kaya naman walang pasabi kong hinablot ang kanyang kamay saka kinaladkad palabas. Hehehe ang bait ko talaga^__^.

'What the fuck'- si koharu po yan ng muntik na siyang mahulog sa sofa.

'Tsk'- sophia

Bukas na magsisimula ang pasokan kaya naman gusto kong mamasyal dahil sigurado ako matagal nanaman bago kami makakapasyal.
___________________________

___kinabukasan_______

'Good morning^__^'- hyper kong pagbati sa mga kasama ko ng makapasok ako sa kusina.

'good morning din^__^'- balik na pagbati naman nina kaye, mark at alex.

'Morning'- seryosong sambit ni haru habang tango lang ang ibinigay sa akin ni sophia.

'Kain ka na ng makapasok na tayo'- excited na sambit ni kate. Dali dali naman akong lumapit sa kanila at nagsimula nang kumain.

Hiwalay ang building ng lightinians at fortisian, at maging ang cafeteria ay hiwalay rin. Kaya naman magkikita lamang kami ng mga fortisians kong may pagtitipon, mas maganda daw kasing huwag pagsamahin ang lightinians at fortisians para na rin maiwasan ang pag bubully sa ibang estudyante.

@ the classroom.

'Good morning class'- masayang pagbati sa amin ng professor namin para sa training.

'Good morning prof. Ace^_^'- nakangiti naming pagbati. Si prof Ace ang pinaka batang prof namin dito at kong nagtataka kayo kong bakit ayaw niyang magpatawag ng master ay dahil sabi niya ay napakabata pa niya para maging master.

Hindi maipagkakailang may itsura si prof. Ace, kaya naman halos maglaway na ang mga babae dito maliban na lang kay sophia na tila hindi sakanya interesado, habang ang mga lalaki naman ay masama ang tingin sa kanya.

'Ang Training natin ngayon ay about sa physical strength ninyo kaya bawal ang gumamit ng magic'- sambit ni prof Ace na ikinasimangot namin.

'But sir---'- isa sa mga kaklase namin.

'Wala ng pero pero, basic pa lang naman ang training natin ngayon^_^'- sambit ni HM na ikinangiti namin.

'Ngayon ay magsisimula kayo sa pagtakbo, gusto kong tumakbo kayo simula rito hangang sa dulo ng training room balikan, gagawin nyo yon ng limang beses '- prof. ace

'Easy'- mayabang na sambit ng isa sa mga kaklase namin, ang dali naman ng ipinapagawa ni prof. Ace sigurado akong 5 mins lang ay tapos na kami.

'Pagbilang ko ng tatlo ay magsisimula na kayo '- nakangisi niyang sambit at may nilabas na parang remote.

Magtatanong pa sana ako kong ano ang kanyang hawak ng bigla ko na lang maramdaman ang pagbigat ng aking katawan ng pindotin niya ang kanyang hawak, gravity?  Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit hindi ito gumagana.

'Hindi gagana ang inyong kapangyarihan kaya naman huwag na kayong magtangka'- nakangiti parin niyang sambit.

'Ang daya naman prof. Ace, eh paano kami nito makakatakbo?'- maktol ko na hindi niya naman pinansin.

'1...2.........3.....go'- sambit niya kaya wala na kong nagawa kundi ang piliting tumakbo, halos hindi ko na maihakbang ang aking katawang dahil sa bigat ng gravity na nakapalibot sa amin. Tinignan ko ang mga kasama ko na hindi rin halos maka alis sa pwesto nila, at ng tignan ko si sophia ay halos malaglag ang panga ko ng makitang nauuna na siya sa amin habang prenting naglalakad.

'Prof. Sure ba kayong may gravity sa paligid ni sophia?'- tanong ko kay prof ng makitang parang wala man lang kay sophia ang malakas na gravity na nakapaligid sa kanya. nang tignan ko si prof. Ace ay nakita ko ang seryoso niyang mukha habang nakatingin kay sophia at hindi kalaunan ay ngumiti, ok? baliw na po ang professor namin.

Prof. Ace P.O.V

Ginawa ko ang training na to para mas maimprove ng mga estudyante ko ang kanilang bilis.

Natatawa ako habang isa isang tinitignan ang mga nakabusangot na mukha ng aking estudyante, halos hindi na nila maihakbang ang kanilang mga paa. Habang inililibot ko ang aking paningin ay nadako ang attention ko sa isang elites.

Hindi ako makapaniwala ng makita ko ang isa sa mga elites na prenting naglalakad na tila wala man lang malakas na gravity ang nakapalibot sa kanya.

'Prof. Sure ba kayong may gravity sa paligid ni sophia?'- tanong ng isa sa mga elites habang ako ay matama paring nakatingin sa unahan kong saan si Miss Vox/ sophia na prenting naglalakad.

she's special. Naisambit ko sa aking isipan, malakas ang gravity na nakapalibot sa training room kaya naman nakapagtataka na parang wala lang ito sa kanya.

Natapos niya ang aking pinapagawa na tanging nasa kanya lang ang aking mga mata, talagang nakakahanga siya. Sa loob lamang ng 25 minuto ay natapos niya agad ang aking pinapagawa, hindi man lang siya tumakbo o ano pa man, tanging paglalakad lang ang kanyang ginawa at tila bored na bored pa siya.

Napatingin ako sa ibang direksyon ng maramdaman kong may nakatingin sa akin at nang tignan ko ay nakita ko si mr. Koharu na masama nakatingin sa akin. Napatawa na lamang ako sa kanyang inasal, sa tingin ko ay may pagtingin siya kay miss. Sophia/Vox kaya ganon na lang siya kong makatingin sa akin.

Inabot ng halos isang oras bago matapos ng lahat ng estudyante ang aking ipinapagawa, hindi ko naman sila masisisi dahil sa mahirap talagang maglakad o tumakbo kong napakalakas ng gravity.

'Magpahinga na muna kayo, ^_^'- nakangiti kong sambit bago alisin ang makapal na gravity na nakabalibot sa training room.

'sa wakas'- sigaw ng mga estudyante ko.

'Para akong pumasan ng napakalaking bato'- reklamo naman ng iba.

'Ang sakit na ng katawan ko'- sambit ng iba.

Hinayaan ko na lamang sila sa karereklamo at nauna ng lumabas.
________________________________

Yan na po muna, wala talagang pumapasok sa isip ko kaya napaka boring ng chap na to. Bawi na lang ako sa susunod guys.^____^

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon