Chapter 48

16.2K 406 37
                                    

Sophia P.O.V

Nagising akong masakit ang aking buong katawan, kahit na ayaw pa ng katawan kong bumangon ay pinilit ko parin.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang nandito ako sa aking kwarto. Napako ang aking paningin kay dylan na natutulog sa isang maliit na sofa na nasa tabi ng aking kama. Nakakapag taka naman kong bakit doon siya natutulog, halata namang hindi siya komportable.

Ang huling naaalala ko ay ang pagpasok sa akin ni dylan sa karwahe at matapos non ay nilamon na ako ng kadiliman.

Tatayo na sana ako ng biglang magising si dylan at dali dali lumapit sa akin.

'gising ka na?'- hindi makapaniwalang sambit ni dylan ng makalapit sa akin.

'Obviously'- bored kong sagot. Nakikita niya naman sigurong nakabukas na ang mga mata ko =_=.

'Thanks gods and goddesses at nagising ka na rin'- masaya niyang sambit sabay yakap sa akin na ikinabigla ko. Para namang nawala ako ng ilang taon kong makayakap =_=.

'Alam mo bang tatlong araw ka nang tulog'- salaysay niya at patuloy parin sa pagyakap sa akin. Kong kanina ay nabigla ako, ngayon naman ay labis ang aking pagkabigla. Pakiramdam ko ay ilang oras lang ako natulog.

'Nagugutom ka ba?, nauuhaw? Anong gusto mo?'- sunod sunod niyang tanong sabay kalas ng pagkakayakap.

'water'- maikli kong sagot at dali dali naman siyang kumuha ng tubig at agad na ibinigay sa akin.

'hindi ka ba nagugutom?'- tanong niya pagka abot sa akin ng tubig na sinagot ko na lamang ng iling.

'Wala na bang masakit sayo? Gusto mo tawagin ko ang healer para ma icheck ka'- sambit niya na inilingan ko na lamang.

'Hahaha anak wag ka namang masyadong pahalata.'- sambit ni tito na kakarating pa lang at sa tabi niya ay si tita na ang lawak ng ngiti.

'Wahhh sophia sa wakas gising ka na'- sambit ni tita sabay damba sa akin.

'Ma dahan dahan lang baka pamano si sophia'- pagsasaway ni dylan kay tita pero si tita parang walang narinig at patuloy lang sa pagyakap sa akin.

'Alam mo ba sophia dito lagi natutulog si dylan at hindi din siya pumapasok kasi gusto niyang siya raw ang mag bantay sayo'- salaysay ni tita kaya naman hindi ko maiwasang mapatingin kay dylan na hindi naman makatingin ng diretso sa akin.

'At alam mo na--'- tita

'Ma pwede ba tumigil ka na'- sambit ni dylan habang namumula ang tenga, tawa namang tawa si tito na nasa gilid lang at pinapanood kami.

'Thanks dylan'- sambit ko habang may tipid na ngiti. Napakunot na lang ako nang aking noo ng makitang nakatitig sila sa akin habang naka awang pa ang mga bibig.

'Problema niyo?'- bored kong tanong.

'Wahhh ngumiti ka. Isa pa nga'- sambit ni tita habang yinuyogyog ako.

'Ang ganda mo kapag ngumingiti iha'- nakangiti namang sambit ni tito habang nakangiti namang nakatingin sa akin si dylan.

'Huhuhu hindi mo na ko mahal'- parang batang sumbat ni tita kay tito.

'Mahal na mahal kaya kita mahal ko, pano mo naman nasabing hindi na kita mahal?'- nagpapanic na sambit ni tito.

'Sabi mo huhuhu  maganda si sophia, pangit na ba ako at ipinagpalit mo na ko? Huhuhu'- umiiyak na sambit ni tita habang napatampal na lang sa kanyang noo si dylan.

'Syempre mas maganda ka parin mahal ko'- paglalambing naman ni tito.

Napapailing na lang kami ni dylan sa inasal nilang dalawa, parang hindi reyna at hari kong umasta ngunit kahit na ganon ay nakakatuwa parin silang pagmasdan.

Fiona P.O.V

Ito na ang pang apat na araw na wala si sophia kaya Ibig sabihin ay ito na rin ang pang apat na araw na nag titraining kami  at ang masasabi ko lang ay isang malaking HELL. Grabi akala ko pa naman ay magiging madali ang training namin kay HM dave pero ang hindi ko alam ay demonyo pala pagdating sa training si HM.

'HM maawa ka naman sa amin pagod na kami'- pagrereklamo ni vince habang patuloy na umiiwas sa mga patalim na ibinabato ng mg hologram dito.

'Hindi yan titigil hangat hindi nyo napapatay silang lahat'- sambit naman ni HM na nasa gilid namin.

Ok lang sana kong ganon lang ka simple pero halos ibuhos ko na ang buong lakas ko pero hindi parin sila mapatay patay.

'Wahhh ayaw ko pang mamatay HM'- sigaw ni melody habang patuloy na iniiwasan ang mga blade na papunta sa kanya. Marami na ang mga natamo naming sugat at pagod na rin kami ngunit ang dami paring hologram na nakapaligid sa amin.

'Shit'- sambit naman ni kaito ng pataam siya sa binti ng isang pana.

Haru P.O.V

Apat na araw ang lumipas ng umalis si sophia para sa isang misyon at hangang ngayon ay wala parin kaming balita kong ano nang nangyayari sa kanya.

Sa mga nagdaang araw rin ay wala kaming ibang ginawa kong hindi ang mag training, halos lahat ng training namin ay buwis buhay at alam kong may malalim na dahilan si HM kong bakit niya ito ginagawa.

Patuloy parin kami sa pag iiwas ng bigla na lang mawala ang lahat ng hologram.

'Lumapit na muna kayo dito mga bata'- seryosong sambit ni HM kaya naman kahit na pagod na pagod ay pinilit ko paring lumapit.

'Maaga tayo ngayong matatapos dahil dumating  ang reyna at hari ng buong magic world'- sambit ni HM na ikinabigla namin. Hindi basta basta nagpapakita ang reyna at hari ng buong magic world at kong mangyari mang magpakita sila ay siguradong may importante silang sasabihin.

HM Dave P.O.V

Maaga kong pinagpahinga ang mga black class at elites dahil sa sinabihan ako ni lance na darating daw ang reyna at hari ng invictus kingdom, pag uusapan namin ang tungkol sa pag hahanda laban sa mga dark user. Ito rin ang dahilan kong bakit ako na mismo ang nagsanay sa mga black class at elites, hinahanda namin sila sa mga posibling mangyari sa oras na sumugod ang mga dark elites.

Agad na kong nagtungo sa meeting room para doon na rin hintayin ang reyna at hari. Ang meeting room dito sa academy ay matatagpuan sa underground kaya naman kaunti lang ang nakakaalam nito.

Kaito P.O.V

Nandito ako ngayon sa aking kwarto, Nagmumuni muni. Mas gusto ko pang mag kulong na lang dito sa kwarto lalo na't wala si sophia.

Hindi ko maiwasang mag alala kay sophia lalo na ngayong alam kong nagsisimula nanamang kumilos ang mga dark user, alam kong malakas si sophia pero hindi parin maiaalis sa akin ang mag alala. Simula pa lang ay alam ko nang attracted na ako sa kanya ngunit pilit ko paring idenideny at kong kailan naman naamin ko na sa sarili kong gusto ko siya saka naman dumating si Haru.

Alam kong selfish ako pero gagawin ko ang lahat magustuhan niya lang ako.

___________________________________
Guys may sinabi ba akong name ng parents ni sophia? Nakalimutan ko kasi eh.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon