chapter 77

10.7K 259 32
                                    

Sophia P.O.V

Tahimik kong pinagmamasdan sina kaito at haru na ngayon ay nakahiga at wala paring malay.

Kakalabas ko lang kanina at agad na kong nagtungo rito kong saan sina kaito at haru, napagpasyahan naming sa iisang kwarto na lang ang dalawa ng sa ganon ay mabantayan namin ng mabuti.

Sabi ng head healer ay masyado raw maraming sugat na natamo ang dalawa kaya hangang ngayon ay hindi parin namin alam kong kailan sila magigising. Pero kahit papano ay nasa ligtas na kalagayan na rin naman daw sila.

'Kumain ka muna'- sambit ni dylan saka inabot sa akin ang sandwich na hawak niya.

'Busog pa ko'- nalamig kong sambit habang nakatingin sa kawalan

'Kailangan mong kumain kahit kaunti para bumalik na ng lubusan ang iyong lakas'- nag aalalang sambit ni fiona na nasaking tabi. Wala na kong nagawa kundi ang kumain ng makita ang mukha ng aking mga kaibigan, alam kong hindi lang ako ang nag aalala para kina kaito at haru kaya naman ayaw ko nang makidagdag pa sa kanilang alalahanin.

tracy P.O.V

Hindi ko maiwasang maawa ngayon kay sophia, kagigising pa lang niya pero imbis na magpahinga ay mas pinili niyang magbantay na lang sa dalawa.

Masakit para samin na makitang ganito ang kalagayan ng mga kaibigan namin pero alam naming mas masakit ito para kay sophia dahil iniisip niyang siya ang may kasalanan. Kahit na ilang ulit pa naming sabihin na wala siyang kasalanan ay alam naming sarili niya parin ang sinisisi niya.

'kamusta na sila?'-tanong nang magulang ni kaito na kakarating pa lang.

'Kayo po pala tita, tito. Sabi po ng head healer ay maayos na sila pero hindi pa nila alam kong kailan sila magigising'- paliwanag ni fiona

Kong tinatanong niyo ay nandito kami ngayon sa academy, dito na kami dinala ng mga kawal ng fire kingdom at dahil walang namumuno sa academy ay itinalaga na lang muna ang mga magulang ni kaito na siyang mamahala rito, kapwa prinsesa at prinsepe ang magulang ni kaito kaya hindi na sila nahirapan pa sa pamamahala sa academy.

'Patawad po, ako po ang may kasalanan ng lahat'- malamig na sambit ni sophia habang nakayoko sa mga magulang ni kaito.

'Wala kang kasalanan ija, kong kami ang nasa kalagayan ni kaito ay gagawin din namin ang ginawa niya kong ang mahal namin ang nasa panganib'- sambit ni tita Yvonne ang ina ni kaito.

'Alam naming hindi nagsisisi si kaito sa kanyang ginawa kaya wag mo na ring sisihin ang sarili mo'- nakangiting sambit ng tatay ni kaito na si tito Karl.

'Mas mabuti pang magpahinga ka na muna ija, kagigising mo pa lang'- sambit ni tita na sinagot na lamang ng tango ni sophia, buti na lang at nakinig siya kila tita at pumayag na rin na magpahinga.

'Samahan na kita'- sambit ni dylan saka inalalayan palabas si sophia.

'Kayo hindi pa ba kayo magpapahinga?'- tanong naman samin ni tito.

'Hindi na muna po tito, hindi pa naman po kami pagod'- sambit ko na sinagot na lang naman niya ng tango.

'Hindi na ko magtataka kong bakit ganon na lang kamahal ng anak ko ang batang yon, sa unang tingin pa lang ay makikita mo na agad na kakaiba siya'- nakangiting sambit ni tita habang marahang hinahaplos ang buhok ni kaito.

'Totoo po ang sinabi niyo, kakaiba at mabait po si sophia kaya naman marami ang nahuhumaling sa kanya.'- sambit ni ethan.

'bakit ijo, isa ka rin ba sa mga nahuhumaling sa kanya?'- biro ni tito.

Hindi ko maiwasang mapahanga kila tito at tita dahil kahit na malaki ang problema nila  ay hindi parin nila nakakalimutang ngumiti.

'Tss, kaibigan lang ang turing ko sakanya at isa pa wala akong balak na makiagaw pa sakanila at isa pa may nagugustohan na ko'- sambit niya saka tumingin kay fiona na nakikipag usap kay tita.

'Hahaha sabihin mo na kasi alam mo namang walang torpe sa lahi natin'- sambit ni tito.

'Tsk'- ethan.

'Torpe ka pala pare'- gatong ni vince na nakikinig pala sa usapan nila.

' Nagsabi ang hindi'- inis na sambit ni ethan na ikinatahimik naman ni vince.

'Hahaha yan kasi vince, saka ka na mang asar kapag hindi ka na torpe'- tumatawang sambit ni troy na nasa tabi lang nila.

'ikaw nga palagi mo na lang kasama si tracy pero hindi ka parin nakaka amin'- nakangising sambit ni vince at dahil sa kanyang sinabi kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi, kailangan pa ba talaga nilang sabihin ang pangalan ko? Hello nandito lang kaya ako sa harap nila.

'Hoy hindi niyo ko katulad, sakatunayan nga ay kami na ni tracy'- malakas na sambit ni troy kaya nakuha na niya ang attention ng lahat. Kong earth lang ang kapangyarihan ko at baka kanina ko pa pinalamon ang sarili ko sa lupa dahil sa kahihiyan.

'Talaga kayo na?'- nakangiting sambit ni kate na nakaupo malapit sa kama ni koharu.

At dahil sa sinabi ni troy ay inulan tuloy kami ng tanong ng mga kasama namin. Kaya nga ayaw ko pang ipaalam dahil alam kong mangyayari to, hindi pa ko handa para sa mga tanong nila.

'Tsk, ang ingay'- malamig na sambit sa  likod namin na siyang ikinatigil namin.

K-kaito?'- hindi makapaniwalang sambit namin ng makitang nakasandal si kaito sa headboard ng kanyang kama.

'Tch'- yan lang ang sinagot ni kaito, hindi nga kami namamalik mata. Talaga ngang gising na si kaito.

'Wahhhh baby ko, ok ka lang ba? May masakit ba sayo? '- lumuluhang sambit ni tita saka yinakap si kaito.

'Mom ok na ko'- wala paring emosyong sambit ni kaito.

'where's sophia?'- tanong ni kaito saka inilibot ang paningin.

'Pinagpapahinga na muna namin siya'- sambit ni tita na sinagot naman ng tango ni kaito.

Hindi man kumikibo ang mga kaibigan ko ay kita ko parin sa mukha nila ang saya ngayong gising na si kaito.

'Sana ay magising na rin si koharu'- sambit ni alex habang nakangiting nakantingin kay kaito.

'Sino bang may sabing hindi pa ko gising?'- narinig naming sambit na siyang ikinalingon namin.

'Wahhhh koharu, gising ka na rin'- mangiyak ngiyak na sambit ni melody.

'Buti at gising ka na'- walang emosyong sambit ni kaito.

'Hindi naman kasi ako papayag na gising ka na habang ako ay tulog parin, wala akong tiwala sayo lalo na pag dating kay sophia'- sambit naman ni kaito saka sila nagsamaan ng tingin.

'Hahaha tama na yan mga bata at kagigising niyo pa lang pero yan na agad ang pinag aawayan ninyo'- natatawang awat ni tito.

Tahimik naman kaming nanunuod sa dalawa, nakaka aliw lang kasi silang pagmasdan.

---------------------------------------------------------
Naisip kong buhayin na lang silang dalawa dahil hangang ngayon ay nagtatalo parin ang isip ko kong sino ba talaga ang makakatuluyan ni sophia.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon