chapter 65

12.9K 306 8
                                        

Sophia P.O.V

' faster '- sigaw ni val habang pinapaulanan ako ng suntok.

Ito na ang pangalawang araw ng aming pagsasanay at ang akala ko ay tapos na kami para sa physical na pagsasanay dahil inubos niya lahat ng oras namin kahapon para lang mahasa ako ng mabuti kaya naman nabigla ako ng pasuotin niya ako kanina ng isang damit na aabot sa talampakan at hindi lang to basta damit dahil may kakayahan itong pabagalin ang taong may suot nito sa pamamagitan ng gravity na naka palibot dito.

'Wala ka na bang ibibilis'- walang emosyon niyang sagot habang patuloy na pinapaulanan ako ng suntok.

Dahil sa damit na gamit ko kaya hindi na iiwasang matamaan ako ng kanyang mga suntok, habang ang iba naman ay naiiwasan ko kahit papa ano.

Habol hininga ako ng tumigil sa pag atake si val, halos hindi ko na makaya pang igalaw ang aking katawan dahil sa bugbog na natamo ng aking katawan habang siya naman ay wala man lang ni isang galos.

'hindi mo magagawang matalo ang pinuno ng nga dark user kong ganyan ka kahina'- malamig na sambit ni val saka umalis at nagtungo sa pansamantala naming tinutuluyan.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko parin magawang umalis sa aking pwesto. Masakit ang masabihan ng ganoon pero alam kong tama siya, hindi pa sapat ang lakas ko para masigurong mananalo kami.

Imbis na bumalik sa bahay na aming tinutuluyan para makapag pahinga ay mas minabuti kong magsanay ng mas lumakas ako. Ang buong magic world ang nakasalalay sa akin kaya hindi ko ito maaaring ipag sawalang bahala.

Kahit na nanghihina ay pinilit ko paring gumawa ng isang clone, hindi lang simpleng clone dahil may kakayahang mag isip ang clone na ginawa ko. Hinayaan ko siyang magbato sa akin ng kong ano anong sandata habang ako naman ay pilit itong iniiwasan.

VAL P.O.V

'hindi mo magagawang matalo ang pinuno ng nga dark user kong ganyan ka kahina'- malamig kong sambit saka umalis at nagtungo sa aking bahay dito sa dead land.

Hindi ko man yon gustong sabihin sa kanya pero yon lang ang naiisip ko para mas pag igihan niya pa ang kanyang pag eensayo. Isang linggo lang ang ibinigay sa amin kaya't hangat maaari ay gusto kong mas dumoble pa ang kanyang lakas kahit na parang napaka imposible.

Nang hindi ko mahanap si sophia sa bahay ay napagpasyahan kong lumabas na muna para hanapin siya.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng bahay ay kitang kita ko na ang duguang si sophia habang patuloy na umiiwas sa mga sandatang itinatapon ng isang clone.

Hindi ko maiwasang mapahanga sa kanyang ginagawa. sa lagay niya ngayon ay nagagawa niya pang umilag, samahan pa ng clone na ginawa niya na nagpabawas sa kanyang enerheya. Isa sa kakayahan ng dead land ang limitahan ang kapangyarihan ng isang user kaya naman kahanga hanga talaga si sophia dahil nagagamit niya ang kanyang kapangyarihan ng walang ka hirap hirap. Samantalang ako ay inabot pa ng ilang buwan bago tuluyang nagamit ng maayos ang buong kapangyarihan dito sa dead land.

Haru P.O.V

'Shit'- sambit ko ng maramdaman ang hapdi sa aking likod.

Pangalawang araw na namin ng pag sasanay ngayon pero hangang ngayon ay hindi ko parin siya basta basta nasusugatan man lang dahil sa kanyang bilis na mas ikina iinis ko.

'tss, tss ang bagal bagal mo talaga hahaha'- pang uuyam nya sa akin na mas nagpadagdag ng inis ko.

'Patay ka talaga sa akin kapag nahuli kita'- inis kong sambit saka mabilis na inihagis sa kanya ang aking poison needle pero bago pa man makarating sa kanya ay agad na siyang naka alis.

'hahaha hindi mo ko kaya bata'- sambit ni Gia ang aking tagapag sanay.

@ the academy

Third person P.O.V

*BOOOGGGSSS*

Isang malakas na pagsabog ang nakapagpabangon sa mga estudyante ng fortis sa kalagitnaan ng gabi.

*BLAAGGGG*

*BOGGGSSHH*

'A-ano yon'- kinakabahang sambit ng isang estudyante ng makalabas ng kanilang dorm.

'I-inaatake tayo'- sambit naman ng iba.

'tara na sa gate'- sambit ng isang estudyante saka tumakbo patungo sa gate.

Kahit na kinakabahan ay nagtungo parin sila sa gate para makipag laban, wala ang mga elites kaya alam nila sa sarili nilang sarili lang nila ang kanilang maaasahan.

Pagkarating sa gate ay tumambad sa kanila ang mga iba't ibang uri ng halimaw at iilang dark user.

Buong tapang na hinarap ng mga estudyante ang mga halimaw at dark user na sumugod sa kanila, mapa mahina man o malakas ay nakikipag laban na rin. Habang abala sa pakikipag laban ang ibang estudyante ay may iilan namang nagtungo sa opisina ng headmaster.

'He-headmaster i-inaatake po tayo'-hinihingal na sambit ng isang estudyante kay headmaster dave na prenteng naka upo.

'Hayaan mo lang sila'- sambit naman ni headmaster na ikinakunot ng noo ng mga estudyanteng nasa harap niya.

'A-ano pong ibig niyong sabihin'

'Ang ibig kong sabihin ay hayaan mo na lang sila, hindi nyo kakayaning kalabanin sila. Masyadong malakas ang mga dark user kumpara sa inyo'- sambit niya.

'Ikaw ang headmaster kaya kailangan mong kumilos, kahit na sabihing malakas sila ay hindi parin dapat tayo sumuko'- galit na sambit naman ng.lalaking estudyante sa gilid.

'Hahaha kahit na anong gawin ninyo ay hindi kayo mananalo kaya kong ako sa inyo ay mas mabuti pang magtago na lang kayo'- tumatawa niyang sambit na ikinabigla ng mga estudyante at mas lalo silang nabigla sa pagbabago nito ng anyo.

'H-hindi ikaw si'- nauutal nilang sambit.

'hahaha mamamatay kayo'- nakangisi niyang sambit at akma na sanang sususgod ang mga estudyante ng may mga dark user na nag silabasan.

Habang sa isang banda naman ay patuloy paring nakikipag laban ang mga estudyante ngunit habang tumatagal ay mas lalo namang dumadami ang kalaban.

'K-kailan ba sila mauubos'- nang hihinang sambit ng isang estudyante sa gilid.

'Hindi natin sila kakayanin, tumakas na kayo'- sambit naman ng lalaking estudyante habang patuloy na nakikipag laban gamit ang kanyang espadang gawa sa bato.

'Hindi ka namin maaaring iwan'- sambit ng kasama niya.

'Kailangan niyong umalis para humingi ng tulong, huwag kayong mag alala dahil susunod ako'- sambit naman ng lalaki na agad na sinunod ng mga kasama niya.

Labag man sa loob nila ang umalis pero wala silang magawa dahil alam nilang dehado sila. Hindi man silang lahat ang makatakas at least may isang grupo ang makaka alis para maka hingi ng tulong at nang mailigtas sila.

___________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon