chapter 39

18K 468 44
                                    

Sophia P.O.V

'Ok ka lang?'- nag aalalang tanong ni haru ng makitang nakatulala ako, hangang ngayon ay paulit ulit paring pumapasok sa isip ko ang ginawa ni kaito.

'He-hey, san tayo pupunta?'- tanong ko ng bigla niya na lang akong kaladkarin palabas ngunit imbis na sagutin ay nginitian niya na lamang ako at patuloy akong kinaladkad. Nakita ko pa ang mga mapanuksong tingin ng aking mga kasama bago kami makalabas.

Maggagabi na pala, hindi ko man lang napansin. Siguro ay masyado akong nalunod sa pag iisip sa nangyari kanina at hindi ko man lang namalayan ang oras.

Hinayaan ko na lamang si haru sa paghila sa akin hangang sa mapunta kami sa isang garden. Ok? Anong meron sa garden at ang hilig puntahan ng mga magic user=_=.

Halos wala akong makita sa loob ng garden dahil wala man lang ilaw, sinabayan pa ng buwan na ayaw atang magpakita.

'Ok?, anong gagawin natin dito.'- tanong ko ng tumigil kami sa gitna ng garden ngunit katulad kanina at hindi parin siya sumagot. Ngayon alam ko na kong ano ang pakiramdam ng kumausap ng hangin=_=.

Aalis na sana ako dahil feeling ko wala naman akong kasama ng bigla na lang lumiwanag ang aking paligid na labis kong ikinabigla. Kong kanina ay tila walang kabuhay buhay at kadiliman lamang ang makikita sa paligid, ngayon naman ay napapalibutan na ito ng ilaw.

'Maganda ba?'- nakangiting tanong ni haru na sinagot ko na lamang ng tango. Napapalibutan ang buong garden ng ibat ibang ilaw na lalong nagpaganda dito at sa gitna naman nito ay may isang lamesa at dalawang upuan.

'Alam kong stress ka ngayon kaya naman naisipan kong gawin to para mapasaya ka *smile*'- sambit ni haru habang inaalalayan ako palapit sa lamesa.

'Thanks'- maikli kong sambit habang may tipid na ngiti.

'Welcome ,let's eat first'- sambit niya at inilapit sa akin ang isang plato na punong puno ng pagkain. Balak niya atak patabain ako.

Hindi ako makakain ng maayos dahil sa ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin at nang tignan ko siya ay hindi nga ako nagkamali, nakatitig siya sa akin habang may mga ngiti sa labi.

'Bakit hindi ka kumakain?'- tanong ko nang mapansin kong hindi niya pa nagagalaw ang pagkain.

'Mas gugustohin ko pang titigan ka magdamag kesa ang kumain'- malambing niyang sambit na ikina iwas ko naman ng tingin.

Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pag kain at pilit na hindi pinapasin ang mga titig niya.

'Sophia'- pagtawag niya sa akin na ikinataas ng tingin ko.

'Say ahh'- sambit niya sabay lapit ng kanyang kutsara na punong puno ng pagkain

'Ahhh'- at dahil sa sadyang uto uto ako ay sinunod ko ang sinabi niya sabay subo sa akin ng kutsara na punong puno ng pagkain.

'Hahaha para ka nang baboy'- tumatawa niyang sambit habang masama naman akong nakatingin sa kanya. Paano ba naman kasi punong puno nang pagkain ang aking bibig.

'May galit ka ba sakin?'- naiinis kong sambit ng malunok ko ang lahat ng pagkain.

'kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sayo.'- sambit niya habang may mga ngiting nakapaskil sa mukha.

'Tss kumain ka na lang diyan'- sambit ko at hindi na lamang siya pinansin.

'Maari ba kitang maisayaw?'- tanong niya ng matapos na namin ang pagkain sabay lahad sa akin ng kanyang kamay.

Agad ko naman itong tinangap at pagkarating na pagkarating namin sa gitna ay bigla na lang nagkaroon ng isang malamyos na tugtug na hindi ko alam kong saan nanggaling.

Matamang nakatingin saakin si haru habang patuloy kaming sumasayaw sa gitna ng harden.

'I love you sophia at maghihintay ako hangang sa matutunan mo akong mahalin'- malambing siyang sambit. Habang nakatitig sa aking mga mata.

Bago pa man matapos ang kanta ay naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kanyang labi sa aking noo. Kong kanina ay nalilito ako dahil kay kaito ngayon naman ay talagang litong lito na ko,hindi ko alam kong ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa.

'Ayan ka nanaman eh, natutulala ka nanaman *pout*'- sambit niya habang naka pout. Ang cute niya promise, ang sarap pisilin ng pisngi.

'Para kang bakla'- pagbibiro ko.

'Aba't sa gwapo kong to? Magiging bakla lang?'- sambit niya at nakangising lumapit sa akin.

'A-anong gagawin mo?'- kinakabahan kong tanong ng makalapit siya sa akin. Tatakbo na sana ako nang mahawakan niya ako at sinimulang.................kilitiin.

'Hahaha s-stop it h-haru hahaha'- tumatawa kong sabit habang kumakawala sa mga kamay niyang patuloy na kumikiliti sa akin.

'Bawiin mo muna ang sinabi mo*smirk*'- sambit niya at patuloy akong kiniliti.

'N-no hahaha'- sambit ko hanbang patuloy na nagpupumiglas sa kanya.

'Bahala ka, hindi kita pakakawalan'- sambit niya at patuloy parin sa pagkiliti sa akin.

'O-ok, h-hindi hahaha ka b-bakla'- sambit ko saka naman niya itinigil ang pagkiliti sa akin at may tagumpay na ngiti.

'Sa susunod na sasabihan mo kong bakla ay hahalikan na kita *smirk*'- sambit niya na ikinaiwas ko naman ng tingin. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina.

'tara na at hating gabi na, ayaw ko namang mapuyat ang mahal ko'- malambing niyang sambit saka ako binuhat(bridal style) at nagsimula ng maglakad patungo sa dorm namin.

'Hoy ibaba mo nga ako, marunong akong maglakad'- sambit ko na hindi niya lang pinansin hangang sa pakarating kami sa aking kwarto. Mabuti na lang at wala sa sala ang ibang elites at baka kong ano pa ang isipin nila.

'Goodnight sophia, dream of me'- nakangiti niyang sambit sabay halik sa aking noo.

'Goodnight *smile*'- sambit ko bago siya tuluyang umalis.

________________________________________
Hello guys *kaway kaway* salamat sa mga nagbabasa ng story ko ^_^.....

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon