chapter 83

11.6K 297 29
                                    

Sophia P.O.V

Abala ang mga kaibigan ko sa pagkikwentuhan sa loob habang ako naman ay nagtungo dito sa hardin ng palasyo. Naalala ko pa noong mga panahong kasama ko sina ina at ama dito sa hardin at masayang nagkikwentuhan at nag aasaran.

Kamusta na kaya sila ngayon? Sana lang ay maayos lang sila. Hindi ko alam kong ano ang kahihinatnan ng digmaan kaya labis ang aking kaba na baka manaig ang kadiliman at tuluyan kaming sakupin, magiging isang bangungot para sa mga light user kong sakaling manalo ang kadiliman kaya naman hangat maaari ay ginagawa ko ang lahat nang paraan para mas mapalakas kami.

'Nandito ka lang pala'- narinig kong sambit sa aking likod, kahit na hindi na ko lumingon ay kilala ko na ang nagmamay ari ng boses .

'Anong ginagawa mo dito?'- tanong ni haru saka tumabi sa akin at umupo sa damo.

'Nagpapahangin lang'- sambit ko nang hindi parin tumitingin sa kanya.

'May problema ba?'- muli niyang tanong, siguro ay napansin niyang may bumabagabag sa akin.

'Wala, iniisip ko lang ang maaaring mangyari pagkatapos nang digmaan'- sagot ko.

'Wag kang masyadong mag isip, tandaan mo lagi na nandito kami, nandito ako. Hindi kita iiwan kahit na anong mangyari, ganon kita kamahal sophia'- sambit niya na siyang ikinalingon ko. Kita ko ang pagkaseryoso ng kanyang mukha.

'Salamat. Salamat dahil palagi kang nasa tabi ko at hindi ako iniiwan.....pero ayokong paasahin ka at saktan '- sambit ko habang nakayoko. Hindi ko maiwasang ma guilty dahil sa kabila ng kabutihang ipinapakita ni haru ay hindi ko man lang siya magawang masuklian.

'Alam ko. Pero ito ang gusto ko, Hindi kita pipiliting suklian ang aking nararamdaman  pero sana ay hayaan mo na muna akong gawin ang gusto ko at yon ay ang mahalin ka'- sambit ni haru, kita ko ang sakit sa kanyang mata pero pilit parin itong itinatago ng kanyang mga ngiti.

'Mas masasaktan ka lang'- sambit ko, bakit ba kasi hindi ko siya magawang mahalin? Akala ko noong una ay magagawa ko siyang mahalin ngunit paghanga lang talaga ang taging nararamdaman ko sa kanya, kaya gusto kong hangat maaga pa ay malaman niya na ng sa ganon ay hindi na siya gaanong masaktan.

'Ayos lang na masaktan ako nang sa ganon ay mapagod ang aking puso at baka sakaling mabago pa ang itinitibok nito'- sambit niya. Galit ako sa sarili ko dahil pinangako ko sa sarili ko na ako ang poprotekta sa mga taong mahal ko at kaibigan ko pero bakit ganon? Bakit ako pa ang dahilan kong bakit sila nasasaktan.

'Patawad'- sambit ko.

'Maari ba akong humingi ng pabor?'- sambit niya na sinagot ko naman ng isang tango.

'Maari ba akong payakap?'- tanong niya. hindi ko na siya sinagot pa at ako na mismo ang yumakap sa kanya, hindi ko man magawang ibsan ang sakit ay kahit papano ay gusto kong ipakita sa kanya na nandito parin ako bilang kaibigan.

'Huwag kang mag alala at hindi rin magtatagal ay mawawala na rin ng tuluyan ang aking nararamdaman, siguro nga ay paghanga lang talaga ang aking nararamdaman at maaari pang pigilan'- sambit niya saka nakangiting kumalas.

'salamat*smile*'- pagpapasalamat ko para sa lahat lahat na kanyang ginawa para sakin.

'Basta palagi mong tatandaan, nandito kaming mga kaibigan mo. Sige mauuna na ko sa loob'- sambit niya na sinagot ko naman nang tango.

Sinunod ko na lamang siya ng tingin habang papasok siya. Alam kong hindi siya okay, pinapalabas niya na na okay siya nang sa ganon ay hindi na ko mag alala. Isa nga talaga siyang tunay na kaibigan, hindi hadlang ang pagiging dark user niya para gumawa ng mabuti na siya namang labis kong hinahangaan sa kanya.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon