chapter 49

15.3K 365 49
                                    

Sophia P.O.V

'Maiingat kayo ^__^'- nakangiting sambit ni tita bago kami umalis. Kahapon pa ko nagising mula sa aking pagkakatulog kaya naman kating kati na kong pumasok dahil nilalamat na ko sa aking kwarto. Ayaw pa nga sana ni dylan ang pumasok ako dahil kailangan ko ba daw ng pahinga, mabuti na lang at nakumbinsi namin siya nila tito at tita.

'Sure ka bang ok ka na? Gusto mo bumalik na lang tayo at nang makapag pahinga ka pa'- nag aalala niyang sambit.

'I'm ok'- bored kong sagot. Tsk pang ilang tanong niya na ba yan ngayong araw =_=.

'Ok, kong may nararamdaman ka, sabihin mo lang sa akin'- sambit niya na sinagot ko na lamang ng tango.

Pagkarating namin sa school ay inalalayan ako ni dylan sa paglalakad, tss para naman akong nabaldado nito.

Habang  busy sa pag aalalay sa akin si dylan ay busy naman ang mga babae sa pagpatay sa akin sa kanilang isip. Siguro kong nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ko nakabulagta dito=_=.

Pagkarating namin sa room ay marami ng estudyanye, nakita ko rin ang pagkaway sa amin nina Aris at Ian na nakaupo  sa likod.

'SOPHIA NA MISS KITA'- sigaw ni Aris at akmang yayakapin ako ng batukan siya ni dylan.

'Aray naman '- sambit niya habang nakamot ng batok na sinamaan lang ng tingin ni dylan.

'Long time no see, bakit ngayon lang kayo pumasok?'- tanong naman ni Ian ng makalapit kami.

' baka Nag advance honeymoon sila '- sambit ni Aris na ikinapula ng mukha ko. Nang dahil sa kanyang sinabi ay nakatangap siya ng mag asawang batok mula kina Ian at dylan.

'Ano nanaman bang nagawa ko'- sambit ni Aris.

'Manahimik ka na nga lang kong wala rin lang namang magandang lalabas diyan sa bibig mo'- sambit ni Ian.

'bakit may itsura ba ang lumalabas sa bibig ko? Wala naman ah kaya paano mo nasasabing maganda o pangit'- pabalik na sagot ni Aris kay Ian.

Napa iling na lang ako sa kanilang inasal para talaga silang bata, itinuon ang aking paningin sa labas ng bintana.

Habang nakatanaw sa bintana ay hindi ko maiwasang isipin ang mga kaibigan ko sa fortis academy. Kamusta na kaya sila, sana naman ay matulungan sila ng  kanilang training dahil alam kong labis pa ang aming mararanasan sa oras ng digmaan.

Kong iniisip niyong hindi ako nag titraining ay nagkakamali kayo, tuwing gabi ay pumapasok ako sa isang demensyon kong saan ako maaring mag sanay, gamit rin ang aking kapangyarihan sa oras ay mas pinapahaba ko ang oras sa demensyon kong nasaan ako.

Kahit na galamay ko na ang aking kapangyarihan ay kinakailangan ko paring magsanay dahil alam kong hindi lang basta basta ang hari ng mga dark user.

'Hey sophia'- pagtawag sa akin ni dylan na nasa tabi ko lang, hindi ko alam na napalalim na pala ang aking pag iisip.

'Bakit?'- ako.

'Wala daw si master max kaya wala tayong pasok ngayong umaga - pagpapaliwanag niya na sinagot ko na lamang ng tango.

'Tara sophia, itotour ka na lang namin'- sambit ni Aris na sinang ayonan ko naman.

'Pero hindi ka pa ma--'- sambit no dylan na agad ko namang pinutol.

'Kaya ko na dylan. Huwag kang masyadong mag alala sa akin'- sambit ko . Kahit na labag sa loob niya ay wala na rin naman siyang nagawa kundi ang sumang ayon.

Habang naglilibot kami sa school ay hindi nawawalan ng kwento si Aris habang sina dylan at Ian naman ay kanina pa nakabusangot at tila naiirita sa kadaldalan ni Aris.

'Pwede ba aris, kahit sampong segundo lang ay manahimik ka'- naiinis na sambit ni Ian na ikinatahimik naman ni Aris, mabuti naman ay marunong pakiusapan si Aris.

Hindi pa man kami masyadong nakakalayo ay nagsimula nanaman sa pagiging madaldal si aris. Binabawi ko na, hindi pala siya marunong pakiusapan =_=.

'Ano ba naman Aris, sabi nang manahimik ka'- sambit ni Ian habang si dylan naman ay nasa tabi ko at bored na bored na naka tingin sa dalawa.

'Sabi mo sampong segundo lang, eh tapos na ang sampong sigundo kaya pwede na kong mag ingay uli'- sambit ni Aris.

'Ikaw na ngang makipag usap kay aris, dylan'- nagpipigil ng inis na sambit ni Ian na sinagot naman ng iling ni dylan.

'Ayoko pang mabaliw'- baliwalang sambit ni dylan habang nakasunod sa akin.

Mas pinag tuunan ko na lamang ng pansin ang paligid kesa sa dalawang nag aaway sa aming likod. Bawat madaanan namin ay hindi mawawala ang mga nag gagandahang bulaklak at nag yayabungang puno na mas lalong nag paganda sa paligid.

'Dylan'- pagtawag pansin ko sa aking katabi.

'Bakit?'- tanong niya naman.

'may rason ba kong bakit halos  lahat ng sulok ng academy ay may halaman at puno?'- curios kong tanong. Yon kasi ang napansin ko dito sa academy.

'Sa paligid nang gagaling ang aming enerhiya, kong paraming puno at halaman ay marami ring enerhiya ang makukuha namin'- paliwanag niya. Kaya naman pala parang napaka halaga sa kanila ng mga halaman at puno.

'SOPHIA, DYLAN, HINTAY'- narinig kong sigaw ni Aris saby takbo palapit sa amin habang nakasunod naman sa kanya si Ian.

'Bakit niyo naman kami iniwan'- angal ni Ian ng makalapit sa amin.

'Wala kaming oras sa pagiging isip bata ninyo'- sambit ni dylan habang naka tingin sa unahan.

'Siya kasi eh'- sabay na sambit ng dalawa habang nagtuturuan.mukha talaga silang aso't pusa.

Hindi ko na ipapaliwanag pa ang kabuuhan ng academy dahil sa masyadong nakakatamad at siya nga pala ang pangalan ng school ay witch and wizard's academy. At obviously tangong witch at wizard lang ang pweding pumasok. Pero iba sa sitwasyon ko. Dahil fiance daw kuno ako ng kanilang prinsepe kaya naman pwede akong pumasok sa academy na to.

______________________________

Hangang diyan na lang muna, inaantok na kasi ako.

Sino sa tingin nyo ang mas bagay kay sophia guys^_^... Wala sana akong balak na isama si dylan sa mga magkakagusto kay sophia kaya lang biglang nagbago ang isip ko habang itinatype ko  ung mga nagdaang chap. Hangang ngayon ay undecided parin kong sino ang makakatuluyan niya.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon