Sophia P.O.V
'S-si sophia ang prinsesa?'- hindi makapaniwalang sambit ni dylan habang ang iba naman ay tila hindi parin makabawi sa kanilang pagkabigla.
'Magandang umaga po kamahalan'- magalang na pagbati ni roland kay sophia na sinagot naman nito ng tango.
Saka lang nakabawi sa pagkabigla ang aking nga kasama ng magsalita si roland. maging ang mga reyna at hari ay hindi rin makapaniwala sa kanilang nakikita, ang prinsesang matagal na naming pinapangarap na makita ay nasa tabi lang pala namin.
'Melody sampalin mo nga ako, baka nananaginip lang ako'- sambit ni alex sa katabi niya si melody at dahil sa may sapi din si melody kaya.
*pak*
Isang malutong na sampal ang kanyang iginawad kay alex.
'Bakit mo ko sinampal'- naiinis na sambit ni alex.
'Sabi sampalin kita'- sagot naman ni melody napapa iling na lang ako sa pinaggagawa ng dalawa, mabuti ba lang at hindi kaaganong kalakasab ang kanilang boses kaya kaming magkakaibigan lang ang nakakarinig sa kanila.
'Ikinalulugod kong ipakilala sa inyo ang nag iisang prinsesa ng invictus kingdom si prinsesa Sophia Kahea Anaya Luxoria'- pagpapakilala ni roland.
'Magandang umaga prinsesa sophia'- magalang na pagbati naming lahat, kahit na kasi prinsesa lang si sophia ay mataas parin Siya samin dahil kong baga katumbas na ni sophia ang mga reyna at hari ng bawat kaharian.
Lahat kami ay na kay sophia lang ang attention, halos bawat galaw niya ay aming pinag aaralan.
'tawagin niyo na lang akong sophia, sana ay walang magbago lalo na ngayong nalaman niyong ako ang prinsesa'- malamig na sambit ni sophia na sinagot naman namin ng tango.
'Maari ba akong magtanong ija?'- sambit ni tita Yvonne.
'Ano po yon tita?'- sambit ni sophia.
'Bakit ka nagpangap na patay na'- tanong ni tita habang kami naman au tahimik lang na nakikinig. Hindi ko alam kong bakit pero naka upo lang naman si sophia pero pakiramdam ko ay isang maling galaw ko lang ay buhay ko na ang kapalit, masyadong nakakatakot ang aura niya ngayon. Kahit alam naman naming hindi kami sasaktan ni sophia ay hindi parin namin maiwasang mangilabit na inilalabas na inerhiya ni sophia.
Maging ang mga reyna at hari ay nakikita kong na eintimidate sa prisensya ni sophia. Ito na ba ang tunay na lakas ni sophia?
'Para maiwasan ang isang trahedya'- malamig niyang sambit, ako lang ba o talagang medyo lumamig ang paligid?.
'Ano nga pala ang ating pag uusapan?'- pag iiba ni tito Calex, ang ama ni mica.
'Gusto kong pag usapan natin ang darating na digmaan'- seryosong sambit ni sophia kaya naman lahat kami ay nag seryoso na rin.
Lumabas na si roland at ang mga kawal para makapag simula na kami sa aming meeting. Sa tingin ko ay seryoso ang aming pag uusapan kaya naman tanging mga royals at ang elites lang ang nandito.
Sophia P.O.V
Abala kami sa pagpaplano para sa nalalapit na digmaan, habang si Roland naman ay siyang inatasan kong puntahan ang mga taong maaaring makatulong sa amin.
Si roland ay isa sa mga pinagkakatiwalaan nila ama at ina kaya naman buo ang tiwala ko sa kanya. Nang mga panahong nandito pa ang mga impostor ay palihim nang kumikilos so roland para mapangalagaan ang mga mamamayan ng invictus kingdom, nagpangap siyang walang alam habang kasama ang mga impostor at laking gulat niya naman ng magpakita ako sa kanya, noong una ay hindi siya makapaniwala dahil sa alam niyang patay na ko pero ng ipakita ko sakanya ang tunay na kulay ng aking mata at kapangyarihan ay saka lang siya naniwala.