chapter 46

15.7K 397 15
                                    

Sophia P.O.V

Ilang minuto lamang ay nakarating na agad kami sa paaralan ng mga witch at wizard. Hindi pa man kami nakakababa ay may mga estudyante na agad ang naka abang at karamihan dito ay babae, ano pa nga bang aasahan ko lalo na't prinsipe ang kasama ko. Nauna nang bumaba si dylan habang ako naman ay nagmamasid parin.

Wahh si prinsipe dylan

Ang gwapo talaga niya.

At ang hot pa.

I love you my prince

Yan ang mga naririning kong sigawan ng mga babae ng makababa si dylan.ngunit tila may anghel na dumaan sa sobrang tahimik ng bumaba ako. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang mga nanlalaking mata ng mga estudyante. Problema nila=_=?

'Tara na?^_^'- sambit ni dylan na sinagot ko naman ng tango.

Sino siya?

May girlfriend na si prinsipe dylan?

Ang landi niya.

Akin lang si prinsipe dylan

Yan naman ang mga narinig ko ng maka recover sila sa pagkabigla. Ganon ba ka big deal para sa kanila ang makitang may kasama si dylan?

'Pasensya ka na sa mga estudyante dito, ngayon lang kasi nila nakitang may kasama akong babae^_^'- nakangiting sambit ni dylan.

'Why? Bakla ka?'- bored kong tanong, malay ko ba kong bakla siya kaya ayaw niya sa babae.

' sa gwapo kong to?'-  nakabusangot na sambit niya ni ipinag kibit balikat ko na lamang.

'Hay naku tara na nga sa headmaster's office'- sambit ni dylan sabay hila sa akin.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga pamatay tingin sa akin ng mga babaeng nadadaanan namin at hinayaan si dylan na hilahin ako.

Kong titignan ang school ay masasabi kong mas malaki parin ang fortis academy ngunit mas gusto ko ang school na to dahil sa napaka raming puno at halaman ang makikita sa paligid. May mga puno at halaman din naman sa fortis academy pero di hamak na mas madami ang nandito.

*tok*tok*tok*

Katok ni dylan ng maka rating kami sa harap ng HM office, hindi pa man nakakasagot ang nasa loob ay binuksan na agad ni dylan ang pinto. Tumambad sa akin ang isang opisina na puno ng libro habang sa mga gilid naman ay may mga halaman na naka tanim sa paso.

'Good morning HM'- magalang na sambit ni dylan ng makapasok.

'Good morning din mahal na prinsipe^_^, siya ba ang fiance mo?'- tanong ng medyo may katandaan nang babae.

'opo headmaster'- magalang na sambit ni dylan.

'Mabuti naman. akala ko talaga dati ay lalaki din ang gusto mo kaya ayaw na ayaw mo sa mga babae haha'- sambit ni headmaster na ikina busangot naman ni dylan.

'Hindi ako bakla'- naiinis na sambit ni dylan.

'Ok, sabi mo eh. Siya nga pala ako nga pala si HM Hiara'- sambit ni HM habang nakangiting naka tingin sa akin.

'Sophia'- maikli kong namang sambit.

'Ok miss sophia, ang magiging shedule mo ay katulad din ng kay prinsipe dylan kaya siya na lang ang tanungin mo. Sige bye bye at may gagawin pa ko^_^'- sambit niya at bigla na lang nawala.

'Ang matanda talagang yon'- naiiling namang sambit ni dylan habang palabas kami.

'Hangang kailan mo nga pala ako babantayan?'- tanong ni dylan habang naglalakad kami.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon