chapter 88

10K 258 0
                                    

Tracy P.O.V

Ilang oras na ang nakalipas simula ang pagsugod nang mga dark user ngunit hangang ngayon ay tila wala paring kataposan ang kanilang pagdating, hindi ko akalain na napakarami pala nang dark user.

Marami na rin akong natatamong sugat dahil sa iba't ibang dark user na nakakaharap ko at ramdam ko na rin ang pagod.

Dahil sa panghihina ay hindi ko na napansin ang isang dark user na paparating sa akin.

Sasaksakin na sana ako nang lalaking lumapit sa akin nang harangan ito ni troy.

'Ayos ka lang?'- tanong ni troy habang nakasanga parin ang kanyang espadang gawa sa kidlat.

'O-oo, salamat'- nanghihina kong sagot, alam kong maging siya ay pagod na rin at nang hihina ngunit pilit parin siyang nakikipag laban.

Alex P.O.V

'Arghhh'

'T-tama na'

'H-hayop ka'

Natutuwa akong pagmasdan ang paghihirap ng isang dark user na nasa harap ko, dahil sa masyado pa siyang mahina ay mabilis ko lang na namamanipula ang kanyang imahenasyon, parte nang kapangyarihan ko ang pagmamanipula sa imahenasyon ngunit may hangganan parin ito.

Nang magsawa na ko sa panunuod sa kanya ay inilabas ko na ang isang maliit na needle na nagtataglay nang lason at agad na itinurok sa kanyang leeg at wala pang limang segundo ay bigla na lang siyang nangisay sa lupa.

Dahil sa alam kong hindi ko masyadong nagagamit sa pakikipag laban ang aking kapangyarihan kaya gumawa ako nang needle na may lason kong sakali mang mapasabak ako sa totoong laban.

Melody P.O.V

Bawat makita kong dark user ay agad kong pinapalutang gamit ang aking kapangyarihan habang si kate naman ay nasaking tabi at binabalot nang buhangin ang dark user na pinapalutang ko hanggang sa mamatay ito.

'Ang galing talaga natin'- nakangiti kong sambit kay kate nang muli nanaman naming matalo ang isang dark user.

Kahit na maganda ang team work namin ay hindi parin maiwasang makatamo kami nang mga sugat dahil sadyang may ibang dark user na malalakas.

'Ayos ka lang?'- tanong ni kate nang makita ang pagdugo nang aking ilong.

'A-ayos lang'- sambit ko at agad na pinunasan ang dugo sa aking ilong, siguro ay dahil sa sobrang paggamit nang kapangyarihan kaya dumudugo ang aking ilong.

'Sigudo ka? Dalhin na muna kaya kita sa mga healer'- sambit ni kate na sanagot ko naman nang iling.

'Napagod lang ako'- sambit ko at muling itinuon ang attention sa paligid.

Kaito P.O.V

Gumawa ako nang mga lava knife at bawat madaanan at makita kong dark user ay agad kong pinupuntirya ang kaninang puso.

Bawat matamaan nang aking knife ay agad rin nasusunog dahil sa taglay nitong init.

May nakita akong estudyante nang academy na akma sanang susuntokin nang isang dark user na may kakayahang gawing metal ang kayang katawan nang agad ko itong harangan.

napangisi na lamang ang dark user at muli nanamang sumugod ngunit sa pagkakataong ito ay ako naman ang kanyang puntirya. Sinubukan kong patamaan siya nang aking knife ngunit hindi man lang siya nagasgasan.

'Hahaha wala rin namang kwenta ang gagawin mo, bakal ang katawan ko kaya hindi mo ko masasaktan'- mayabang niyang sambit.

'Maliban na lang kong matutunaw ka'- malamig kong sambit'

'Anong ib----arghhhh itigil mo yan'- hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin nang manipulahin ko ang kanyang palid at painitin ito . Tanging sa paligid niya lang nagiiba ang temperatura kaya naman hindi apektado ang iba.

Kahit gaano pa katibay ang isang bakal ay lumalambot rin ito sa init.

Third person P.O.V

Tanging pula lang ang nakikita sa buong lugar dahil sa mga nagkalat na dugo galing sa nga dark at light user.

Nagkalat na rin ang mga katawan nang mga dark at light user sa paligid, karamihan dito ay wala nang buhay pero may iilan parin namang humihinga pa.

Maging sa iba't ibang kaharian ay wasak na rin ang paligid dahil sa paglalaban nang dark at light user.

*BOGSHHH*

Bigla na lang napatigil ang mga naglalaban nang makarinig sila nang isang malakas na bagsabog at halos panghinaan ang mga light user nang makita nila ang taong may kagagawan nito.

'Hahaha kamusta na kayo, light user'- malademonyong sambit ni lord malum.

Ramdam nang lahat ang kapangyarihang nanggagaling sa pinuno nang mga dark user na nakalutang ngayon sa ere.

Gumawa nang isang itim na enirheya si lord malum at walang pagaalinlangang itinapon sa academy at nang nasa kalagitnaan na ito ay bigla na lang itong sumabog nang may tumamang isang malakas na enirheya na mas ikinabigla nang lahat.

Sophia P.O.V

Walang emosyon akong lumapit sa kinaruruonan ni malum habang siya naman ay wala ring emosyong nakatingin sa akin.

'Ikaw pala bata'- nakangising sambit ni malum. Kanina pa ko sa rooftop nang academy at tumutulong sa mga nakikipaglaban habang si sep naman ay abala rin sa pakikipaglaban sa iba pang dark user.

'Tch'- tanging sambit ko.

'Huwag mong sasabihing ikaw ang kakalaban sa akin? Hahaha kahit na magtulong tulong pa kayo ay hindi kayo mananalo sa akin'- nakangisi niyang sambit.

Hindi ko na lamang siya sinagot at binato nang hawak kong blade.

Dahil sa hindi niya inaasahan ang aking ginawa ay hindi niya agad naiwasan ang blade na aking itinapon na nagsanhi nang isang mababaw na sugat sa kanyang balikat.

Inis akong sinugod ni malum at gamit ang kanyang kapangyarihan ay gumawa siya nang isang sword. Gumawa rin ako nang isang blue fire sword at agad na sinangga ang kanyang atake.

'Blue fire, sa tingin mo ba ay matatalo mo ko sa kapangyarihang yan'- sambit niya habang patuloy parin siya sa pag atake habang ako naman ay sinasangga lamang ang kanyang mga atake.

Habang abala ako sa pagsangga nang kanyang mga atake ay hindi ko napansin ang kanyang isang itim na kapangyarihan na parating sa akin.

Third person P.O.V

Kitang kita nang mga dark user at light user ang malakas na pagtilapon ni sophia dahil sa itim na kapangyarihan nang hari nang mga dark user.

Dahil sa inis ay agad na sinugod ni kaito si lord malum nang isang lava blade ngunit agad rin naman itong nailagan ni lord malum at sinugod siya gamit ang kanyang espada.

Sangga lang nang sangga si kaito sa mga atake ni lord malum ngunit dahil sa sadyang mabilis at malakas si lord malum kaya hindi maiiwasang may mga sugat siyang natatamo.

Tumulong na rin ang iba pang kaibigan nila ngunit tila hindi man lang nahihirapan si lord malum.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon