chapter 13

22K 558 6
                                    

Sophia P.O.V
'Good morning class^__^'- nakangiting pagbati sa amin ni sir paul na agad namang sinuklian ng mga kasama ko maliban sa dalawang walang paki sa mundo.

'Ang pag uusapan natin ngayon ay tungkol sa Fortis mountain. '- natuon agad ang attention namin kay sir paul ng banggitin niya ang fortis mountain, ang fortis mountain kasi ay ang nawawalang bundok at sinasabing doon daw kinuha ang pangalan ng academy.

'Ang fortis mountain ay dating makikita sa pinaka sentro ng ating mundo,sinasabi na dito daw nakatira ang mga gods at goddesses dahil sa napakasagrado nito at wala ni isa mang kayang pumasok dito.'

'Sir'- pagtawag pansin ni vince habang naka taas ang kamay

'Yes Vince?' - sir paul

'Paano po nila nalaman na doon nakatira ang mga gods and godessess kong wala pa namang nakakapasok doon'- sambit ni vince

'ang totoo niyan ay Hindi naman talaga napatunayan na doon nga nakatira ang mga gods at goddesses'- paliwanag ni sir na sinagot naman ni vince ng isang tango.

'eh sir bakit po nawala ang fortis mountain?'- mica

'Pinaniniwalaang ang dark user ang dahilan ng pagkawala ng fortis mountain dahil simula ng magkaroon ng dark user ay siya namang pagkawala na parang bula ng fortis mountain. Iniisip ng mga light user na nagalit ang mga gods at goddesses sa mga dark user kaya nawala ang bundok.'- mahabang paliwanag ni sir paul

'may pagasa pa po bang magpakitang muli ang fortis mountain?'- tanong naman ni fiona

'Walang nakakaalam miss fiona, dahil maging ang dating hari ng ng invictus kingdom na pinakamalakas na light user ng panahon niya ay walang nagawa para maibalik ang fortis mountain. Siguro kong buhay pa ang prinsesa ng invictus kingdom ay baka may pag asa pang maibalik yon dahil sa taglay niya ang mga elemento '- sambit ni sir paul sa malungkot na tuno

'Oo nga, gusto ko pa namang makita sa personal ang prinsesa ng invictus'- malungkot na sambit ni tracy at maging ang iba ay makikitaan rin ng pagkalunkot.

Hindi ko alam na labis pala nila akong pinahahalagahan kahit na hindi pa ko nila kilala.

___________
Natapos ang oras namin sa history na taging ang fortis at prinsesa lamang ang kanilang pinaguusapan at kasalukuyan na kami ngayong kumakain dito sa garden. Nagpumilit nanaman kasi sina mica at tracy na kumain dito sa garden at pati ako ay dinamay =_=

Dito kami sa ilalim ng puno pumwesto habang nakapalibot sa pagkain.lahat sila ay kumakain ng kanin, habang ako naman ay nagpabili na lamang ng dalawang slice ng pizza at pineapple juice.

'Ang payat payat mo na nga hindi ka pa kumakain ng kanin'-sambit ni tracy habang nakatingin sa akin

'Not hungry=_='- maikli kong sambit.

'tss, kaya ang payat mo'- mahinang sambit ni kaito na nasa tabi ko.

'Don't care'- walang pake kong sagot

'Here,you can have it=_='- walang emosyong sambit ni ethan sabay abot sa akin ng kanyang cake.

'No thanks'- tangi ko sakanya bali napapagitnaan kasi ako ng dalawang yelo habang yong ibang naman ay nakaharap sa amin.

Nang tignan ko naman ang aking mga kasama ay halos maubo ako sa kapipigil ng tawa dahil sa kanilang reaction. Lahat sila ay nakanganga at nanlalaki ang matang nakatingin sa aming tatlo

'Hindi ako nananaginip diba guys?'- wala sa sariling sambit ni vince

'Tama ba ang narinig ko?'- sambit naman ni mica

'Nagsalita kayong dalawa?'- dugtong naman ni troy na tinutukoy ay sina ethan at kaito.

'At mahaba pa'-sambit naman ni fiona

'At si sophia ang rason'-tracy

Napailing na lang ako sa pagiging oa nila at kumain na lamang habang sina kaito at ethan naman ay hindi man lang sila pinansin.

_____________________________

Nandito kami ngayon sa training room dahil sa magsisimula na daw kaming magtraining sabi ni sir matt.

'dahil sa kayo ang black class ay magiging mahirap at advance ang inyong training, kaya naman para sa ating unang training ay magkakaroon kayo ng duel'- sambit ni sir matt

'Wahh excited na ko'- sambit ni tracy pakatapos magsalita ni sir

'Makakapag exercise rin sa wakas'- segunda naman ni vince

'Ang unang maglalaban ay sina kaito at ethan'- sambit ni sir kaya naman agad na nagtungo sina kaito at ethan sa gitna.

'1...2...3..fight'

Agad na sumugod ang dalawa sa isa't isa. Si ethan ay hawak ang kanyang fire sword habang lava sword naman ang kay kaito.

Tanging ang banggaan lang ng dalawang espada ang maririnig dito sa training room at talaga namang napakagaling nila dahil sa kaya nilang sabayan ang bilis ng bawat isa.

Hindi nagtagal ay kapwa na sila may mga hiwa sa ibat ibang parti ng kanilang katawan, mahirap tukoyin kong sino ang mananalo dahil sa kapwa sila magaling makipag laban.

pinaulanan ni ethan si kaito ng maraming fire ball habang si kaito naman ay gumawa ng lava shield para maprotektahan ang sarili.

Nang maubos na ang fire ball ay pasimpling gumawa ng lava blade si kaito at itinapon kay ethan na hindi nya agad naiwasan kaya naman nakatamo siya ng sugat sa kanyang balikat.

Pinaulanan ni ethan ng kanyang fire invisible needle si kaito na agad naman nitong iniwasan ngunit hindi parin maiiwasan ang masugatan siya dahil sa dami nito.

'Time's up guys. Good job for the two of you^_^'- nakangiting sambit ni sir

'Next is fiona and mica'- sir matt

Nang makarating sa gitna sina fiona at mica ay agad nagsimula ang laban.
Gumawa si fiona ng air tornado with air spikes kaya todo ang iwas ni mica sa mga spikes na papunta sa dereksyon niya. Habang busy sa pagkontrol si fiona sa kanyang air tornado ay hindi niya namalayan ang mga ilang water shurekin na papunta sa kanya na naging sanhi ng kanyang sugat at dahil sa nawalan ng consentration si fiona ay nawala rin ang tornado kaya naman nakahinga ng maluwag mica. Kita sa mukha ni mica ang pagod at iilang sugat na natamo niya.

Nang makarecover sila ay sabay silang umataki ng kanilang giant air and water ball na naging sanhi ng pagsabog.

Natapos ang laban at si fiona ang nanalo dahil sa mas napuruhan si mica sa pagsabog.

'Next is tracy and Vince'- sir matt

Hindi pa man nakakapag bigay ng signal si sir ay agad nang gumawa ng ice danger si tracy at ibinato kay vince na hindi naman nito naiwasan. napapailing na lamang si sir sa ginawa ni tracy at umupo sa tabi.

Gumawa si vince ng earth sword at agad na sumugod habang si tracy naman at gumawa ng ice sword. Halatang mas bihasa si vince sa paggamit ng espada dahil sa mas marami ang sugat na natamo ni tracy kesa kay vince. Natapos ang kanilang laban ng maraming sugat si tracy at maging si vince ay may mga sugat rin ngunit hindi ganon karami.

'sophia and troy, your next'- sambit ni sir matt

Pagkarating sa gitna ay nag summon lamang ako ng isang simpleng espada habang si troy naman ay hawak ang kanyang lightning sword. Pagkatapos magbigay ng signal ni sir ay siya ring pagsugod namin sa isa't isa.

Nakakatulong kay troy ang kanyang kapangyarihan na mas bumilis ngunit kahit na ganon ay nakakaya ko paring pantayan ang kanyang bilis at lakas.

Nang makalayo siya sa akin ay pinaulanan niya ko ng kidlat ngunit agad ko naman itong naiiwasan at pasimpling nagsummon ng arrow sa kanyang likod na hindi niya naiwan.

Natapos ang laban namin na konting hiwa lang ang natamo ko habang si troy naman ay sapo sapo ang balikat na tinamaan ng arrow.

'Good job to all of you. Talaga ngang karapat dapat kayo sa black class^___^. Maari na kayong magpahinga '- sambit ni sir matt

'Thank you po sir '- sambit nila at sabay sabay na kaming bumalik sa dorm.

_________________________________













Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon