chapter 24

19.5K 527 24
                                    

MICA P.O.V

'Where's sophia?'- malamig na tanong ni kaito kay HM.

Nandito kami ngayon sa headmaster office para tanongin kong saan pumunta si sophia, nagbabakasakali kasi kaming alam nya.

About naman pala kay fiona ay nag kaayos na kami. alam naming kami ang mali kaya naman humingi kami ng tawad, noong una ay hindi niya tinanggap ang aming paghingi ng pasensya at umabot ng ilang araw ang hindi niya pagpansin sa amin ngunit hindi kalaunan ay unti unti niya na rin kaming napatawad kaya naman nandito kaming royalties ngayon sa harap ni headmaster para malaman kong saan si sophia.

'Hindi ko alam'- seryosong sambit ni headmaster.

'Imposible, alam naming alam mo kong saan si sophia'- seryoso ding sambit ni troy, lahat kaming nandito ay napapalibutan ng seryosong aura at desididong malaman kong saan si sophia.

'*sigh* pasensya na pero hindi ko maaaring sabihin, kagustohan niyang huwag na lang ipaalam sa inyo kong saan siya pupunta.'- kalmadong sambit ni HM

'Pero kaibigan niya kami!'- galit na sambit ni tracy.

'Pasensya na talaga pero hindi ko maaaring sabihin sa inyo. At pasensya rin dahil sa nasira ang pagkakaibigan nyo ng dahil sa akin'- sambit niya na ikina kunot ng noo namin.

'Dahil sa inyo?'- naguguluhang sambit ni vince.

'Alam ko at alam niyang pinanghihinalaan niyo siya bilang traydor'- sambit ni HM na ikinabigla namin.

'A-alam ni-niya?'- nauutal kong sambit.

'Oo.'- HM

'Ngunit paanong ikaw ang dahilan ng pagkasira ng aming pagkakaibigan?'- naguguluhang sambit ni ethan.

'may ibinigay akong mission sa kanya ng mga panahong palagi siyang nawawala at absent.'- kalmadong sambit ni HM

'anong mission?'- tanong ni fiona habang kami naman ay matamang nakikinig lamang.

'Ang hanapin ang traydor ng academy'- HM.

'Bakit hindi niyo na lang sinabi sa amin, para natulungan namin siya?'- seryosong tanong ni ethan.

'dahil sa mas malayang makakakilos si sophia kong siya lang ang nakakaalam, maraming mata ang naka matyag sa inyo kaya naman mahihirapan kayong matukoy ang traydor.'- paliwanag ni HM.ngayon malinaw na sa akin ang biglaang pagbabago ni sophia.

'Shit,This is all our fault. Kong hindi lang sana tayo naging mapanghusga ay baka nandito pa si sophia'- galit na sambit ni kaito habang nakahilamos ang dalawang kamay sa mukha.

'Masyado tayong nagpadala sa ating mga nakikita at hindi man lang natin naisip ang ating mga pinagsamahan.'- malungkot kong sambit.

' a-ako d-dapat*sob* ang ma-mas nakakaalam *sob* na h-hindi niya *sob* k-kayang mag ta-traydor.*sob* dahil a-ako *sob* a-ang mas *sob* m-matagal niyang *sob* na-nakasama.'- umiiyak na sambit ni tracy habang inaalo ni troy.

'Stop blaming yourself kids. hindi galit sa inyo si sophia, nagtatampo siguro oo pero hindi siya galit sa inyo.'- sambit ni HM habang may tipid na ngiti.

'K-kong hindi siya galit. Bakit siya u-umalis?'- malungkot kong sambit habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

'huwag kayong mag alala, nangako naman siya sa akin na babalik ng academy '- sambit ni HM na ikinatuwa namin.

'Ta-talaga po'- sambit ni fiona habang may bakas ng tuwa sa kanyang mukha.

'When?'- tanong naman ni kaito habang kami naman ay naghihintay ng sagot at sabik ng malaman kong kailan ang kanyang pagbabalik.

'Sa susunod na pasokan'- sambit ni HM na ikinalaglag ng aming balikat.

'Pero matagal pa ang susunod na pasokan'- sambit ni vince.

'Alam ko, pero kong talagang importante siya sa inyo ay makapag hihintay kayo '- seryosong sambit ni HM.

' I'll wait for her'- seryosong sambit ni kaito na sinangayonan namin.

'Aalis na po kami headmaster.'- magalang kong sambit ng makita kong wala nang balak magtanong ang mga kasama ko.

'wait'- sambit ni headmaster ng akma na kaming tatayo.

'bakit po?'- troy.

'Gusto kong bantayan niyong mabuti si miss claudite.'- seryosong sambit ni HM.

'Why?'- ethan

'Don't tell me..'- malamig na sambit ni kaito na tila nakuha ang ibig sabihin ni HM.

'Tama ang iniisip mo kaito. Siya nga ang traydor'- sambit ni HM na ikinalaki ng mata namin. Hindi ko akalaing magagawang magtraydor ni claudite sa academy.

'Don't worry, kami nang bahala sa kanya'- seryosong sambit ni ethan saka umalis ng opisina kasabay ni kaito.

'Sige po HM, aalis na po kami'- paalam ko na sinagot niya naman ng tango.

Koharu P.O.V

Nandito kami ngayon sa training room, napagpasyahan kasi naming agad na simulan ang aming training para sa rank battle, every year ay may nagaganap na rank battle ngunit tanging sa elites lang ito ginagawa. May battle din naman ang ibang estudyante ngunit nangyayari ito sa pangalang araw pa lamang ng pasokan para malaman kong saang klase sila nabibilang.

Nagkanya kanyang pwesto ang aking mga kasama at nagsimula nang mag ensayo gamit ang kanilang kapangyahin at sandata at nang madako naman ang aking paningin sa gilid ng training room ay napailing na lamang ako at wala sa sariling napangiti ng makitang natutulog si sophia. Kakaiba talaga siya sa lahat ng babaeng nakilala ko.

Inaamin kong una pa lang ay nakuha niya na agad ang aking attention na hindi pa nangyayari sa kahit na kaninong babae. napaka cold niya pero alam kong mabait siya. Alam ko rin na kahit hindi niya sabihin ay kaibigan na rin ang turing niya sa amin.

'Baka naman matunaw na niyan si sophia baby'- sambit ni mark sa likod ko na ikinabigla ko.

'Shut up. Dont call her baby, hindi mo siya anak'- inis kong sambit at masama siyang tinignan.

'Hahaha seloso ka pala'- sambit niya na habang tumatawa.

'Baka gusto mong makatikim ng aking poison bomb'- seryoso kong sambit.

'U-uy nagjojoke lang naman ako, ayaw ko pang mamatay no baka hindi kayanin ng mga kababaehan kapag namatay ako'- mayabang niyang sambit habang kataas ang dalawang kamay na tila susuko, tss kalalaking tao ang landi landi =_=.

'Guys snack muna tayo sa canteen, nagugutom na ko'- sambit ni kate na agad namang sinang ayunan ni alex.

'Sophia tara sa canteen'- sambit ni melody habang papalapit kay sophia.

Kami pa lang at ang mga staff ang nasa loob ng canteen dahil sa masyado pang maaga bago ang labasan ng mga estudyante. Akala ko ay magiging payapa ang aming pagkain dahil sa wala pa namang ibang estudyante ngunit nagkamali ako ng magsimula nanamang magbangayan sina melody at alex at maging sina vince at kate ay nakisama na rin. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang aking kinakain habang si sophia naman ay kain lang ng kain na tila walang pake sa mga ingay na nililikha ng aming kasama.
________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon