chapter 90

10.8K 272 5
                                    

After 1 year

Fiona P.O.V

Isang taon na ang nakakalipas at ngayon nga ay muli nanamang mapayapa ang magic world.

Nang mamatay ang hari nang mga dark user ay siya namang pagtigil nang digmaan, si koharu ang namuno sa dark kingdom at sa ngayon nga ay payapa na silang nakikihalubilo samin.

Hindi naman talaga masama ang mga dark user, sadyang hindi lang nila masuway ang utos ni malum nang nabubuhay pa ito.

'FIONA!'- narinig kong pagtawag sakin nila mica.

Nagtipon tipon kaming mga magkakaibigan upang dalawin si sophia. Nakagawian na kasi naming sabay sabay na dalawin si sophia.

'Tara na?'- sambit ni haru saka kami sabay sabay na sumakay sa kalisang naghihintay para dalhin kami kay sophia.

'may hindi ba kami nalalaman?'- taas kilay kong tanong  kay kate nang makitang nakahawak sa kamay niya si mark. Isang napakalawak na ngiti naman ang isinagot ni mark habang namumulang napayoko naman si kate.

Sa isang taong nakalipas ay marami na ring nagbago. Di tracy at troy ay engaged na, pero sabi nila ay maghihintay pa raw sila nang tatlong taon bago magpakasal. Habang sina alex at melody ay nasa ligawan stage pa. Palagi namang nag aaway sina mica at vince pero halata namang may gusto sila sa isa't isa. Si haru naman ay may nililigawan na rin na isang dark user habang ako naman ay nililigawan na rin ni ethan at si dylan ay bumalik na muna sa kanilang kaharian.

Si kaito naman ay mas lalong naging malamig ang pakikitungo sa iba at maging kaming mga kaibigan niya ay bihira na lang kausapin. Alam naming nahihirapan siya dahil sa nangyari kay sophia kaya naman sinisigurado naming palagi kaming nasa tabi niya.

'Good morning po tita,tito'- sabay sabay naming pagbati.

'Good morning din sa inyo'- pabalik namang pagbati ni tita seira. Matapos kasi ang digmaan ay siya ring pagkalaya nila at agad na bumalik sa palasyo habang sina headmaster naman ay bumalik na rin sa academy.

'Kamusta na po kayo?'- tanong ko na sinagot niya naman nang isang malungkot na ngiti.

Nang makalaya kasi sila ay nalaman nila na buhay pa pala ang kanilang anak kaya naman hindi na sila nagpaligoy ligoy pa at agad na nagtungo sa palasyo para makita ito pero ang nadatnan nila ay isang walang malay na si sophia. Alam kong miss na miss na nila si sophia at maging si haring wyatt na palaging walang emosyon ay nakikita ko ang lungkot sa mga mata.

'Ayos naman kami ija'- nakangiting sambit ni tita.

Pagkatapos nang aming kamustahan ay agad na kaming nagtungo sa aming pakay.

Pagpasok pa lamang namin nang kwarto ay ang walang emosyong si kaito agad ang nabungaran namin, sa isang taon na lumipas ay tila ito na ata ang kanyang naging tahanan. Halos araw araw na lang siyang nandito at nagbabantay.

Agad naman akong lumapit sa aming pakay at nang nakakapit ay hindi ko maiwasang malungkot habang tinitignan ang maputlang balat ni sophia.

Isang taon. Isang taon na kaming naghihintay nang kaniyang paggising. Naalala ko pa noon nang akala ko ay talagang mawawala na siya.

=Flashback=

Hindi ko mapigilan ang mga taksil kong luha habang nakasunod sa natatarantang si kaito.

Nang makarating kami sa loob nang academy ay agad naman kaming dinaluhan nang mga healer at nagtulong tulong ang mga ito sa paggamot sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto at nawala na rin ang kanyang mga sugat ngunit nananatili parin itong maputla at halos wala na rin kaming marinig na pintig nang kanyang puso sa sobrang hina nito.

'pasensya na po kayo pero hanggang dito lang ang aming makakaya,Masyado pong nagamit nang prinsesa ang kanyang kapangyarihan. Umasa na lang po tayong malagpasan niya ito at magising'- magalang na sambit nang head healer.

'Umasa? Isa kang healer kaya dapat mo siyang pagalingin, siguradohin mong magigising siya'- galit na sambit ni kaito habang hawak sa kwelyo ang lalaking healer at hindi rin nakalagpas sa aking paningin ang pagpatak nang kanyang luha. Agad naman siyang pinigilan ni haru at inilayo sa healer na namumutla.

Halos hindi naman makapagsalita ang iba pa naming kaibigan at tahimik lang na umiiyak. Wala na rin naman kaming nagawa at dinala na lang si sophia sa kanilang palasyo upang maalagaan.

=end of flashback=

ilang beses ring muntik nang mawala sa amin si sophia. May mga oras na bigla na lang titigil ang paghinga ni sophia. At hanggang ngayon ay wala parin kaming kasiguruhan kong kailan siya gigising o kong magigising pa ba siya.

'good morning sophia, alam mo bang kami na ni mark?, siya kasi pinilit ako kaya napa oo na lang ako'- pagkekwento ni kate habang malungkot na nakatingin sa nakahimlay na si sophia.

'Wag kang maniwala sa kanya sophia, alam mo namang gwapo ako kaya hindi niya natiis ang kagwapohan ko'- mayabang naman na sambit ni mark.

Ganito kami kapag dumadalaw, palagi kaming nagkekwento nang mga nagyayari sa amin dahil nagbabakasakali kaming marinig niya at baka sakaling gumising na siya.

'Hey sophia, kailan ka ba magigising? Ayaw mo bang makilala ang babaeng nagpapatibok nang puso ko ngayon? Alam mo bang naka move on na ko kaya dapat bumangon ka na diyan.'- malungkot namang sambit ni haru.

Natapos ang buong maghapon naming nagkekwentuhan at tawana sa kwarto ni sophia ngunit si kaito ay hindi man lang magawang ngumiti, alam kong hirap na siya pero pilit parin siyang nagpapakatatag para kay sophia.

Simula rin nang macomatose si  sophia ay palagi nang  nagbibigay nang isang red rose  araw araw si kaito kaya nga punong puno na nang red rose ang kwarto ni sophia. Yong iba ay tuyo na dahil sa tagal habang may mga bago naman.

Palaging nagdadala nang red rose si kaito para daw kong magising siya ay ito agad ang makita niya at maalala niya kong gaano niya ito kamahal.

'Aalis na kami kaito'- paalam ko kay kaito na sinagot naman niya nang tanggo.

Isang mahinang tapik na lang ang ibinigay sa kanya ni ethan at sabay sabay na kaming umalis.

'Sana magising na si sophia nang tuluyan na tayong maging masaya'- malungkot na sambit ni tracy.

Sana nga ay magising na siya nang makompleto na kami. Hindi masaya ang barkada kong wala siya.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon