chapter 20

19.5K 545 4
                                    

Sophia P.O.V
Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng gutom kaya naman nagpasya kong magtungo sa kusina, nang tignan ko ang orasan ay nakita kong mag aalas otso na, kaya naman pala kumakalam na ang sikmura ko.

Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng marinig ko ang ingay galing sa sala, I think nandito na ang iba ko pang kasama.

'Gising ka na pala sophia^__^'- nakangiting sambit ni melody ng makita ako. Habang ang kanyang mga kasama naman ay tahimik na nakatingin sa akin.

'Guyz siya nga pala si sophia, ang bagong dormate natin^__^'- hyper na pakilala ni melody sa akin

'Hello sophia ang ganda mo naman hehe, ako nga pala si Kate isang sand manipulator^__^'- hyper ding pakilala ng babaing medyo mahaba ang blonding buhok at may light brown na kulay ng mata

'Hi sophia. Ako nga pala alex^__^, nightmare manipulator'- sambit ng lalaking may kulay brown na buhok at itim na kulay ng mata habang may malawak na ngiti.

'Hi beautiful*wink*. Mark is the name, Time manipulator.'- malanding sambit ng lalaking may kulay itim na buhok at dark blueng mata

'Koharu, poison manipulator'- seryosong sambit ng lalaking may dark violet na buhok habang matamang nakatingin sa akin.

'Sophia, weapon summoner=_='- malamig ko namang sambit at nag tuloy tuloy na sa kusina

'Nga pala sophia, nauna na kaming kumain pero may itinira kami diyan para sayo^_^'- nakangiting sambit ni melody na hindi ko namalayang sumunod pala sa akin

'Thanks'- tanging naisambit ko.

----
Pagkatapos kong mahugasan ang aking pinagkainan ay kinaladkad agad ako ni melody patungong sala at pinaupo sa tabi ni haru.

'Dahil sa bago ka pa lang dito ay ikekwento muna namin ang tungkol sa academy para naman hindi ka na masyadong mahirapan sa pag aadjust'- melody

'Ako mauunang magkwento'- parang batang sambit ni Kate habang nakataas pa ang kamay=_=.

'Ang light academy ay ipinatayo para sa ibang mga kabataan na gustong makontrol ang kanilang abilidad na hindi pinalad na makapasok sa fortis magicum academy.'- Kate

'what do you mean na hindi pinalad na makapasok sa fortis academy?'- nakakunot noong tanong ko.

'Hindi kasi lahat ng nageexam sa fortis ay pinapalad na makapasok kaya naman itinayo ang school na to para na rin kahit papano ay makapag aral parin yong iba.'- sagot ni alex

'So ibig sabihin ay hindi rin kayo naka pasa sa fortis academy ?'- ako

'Hindi kami nakapasa dahil hindi naman kami nag exam doon, mas gusto namin dito sa light academy'- sambit ni mark na sinagot ko naman ng tango

'Ok ako naman^__^. ang academiang ito ay pinamumunoan ni HM lance na sinasabing kapatid daw ng HM ng fortis. Kaming mga elites ang kinikilalang pinaka malakas dito sa academy at kasama ka na doon sophia, at ang ibang mga estudyante naman ay pantay pantay na lang, sila ang ordinary class'- melody

' may entrance exam din ba dito?'- ako

'Meron, pero kahit na bumagsak man sila ay ok lang . Ginagawa lang ang exam para patukoy kong sino ang mga nararapat sa elite class'- sagot ni kate na tinaguan ko na lamang.

'may itatanong ka pa ba sophia?'- kate

'about the uniform and ID'- ako

'Nasa kwarto mo na ang iyong uniform at wala tayong ID tanging sa uniform lang makikilala kong anong class ka, ang uniform ng normal class ay kulay green habang black na may lining naman na kulay silver ang sa elites'-melody

'Ok'- me

'May tanong ka pa ba?'- tanong ni alex na sinagot ko naman ng iling

'Malalim na pala ang gabi, tara na guys at matulog na tayo'- melody

'Oo nga maaga pa ang pasok natin bukas'- sambit ni kate kaya naman nag kanya kanya na kaming pasok sa aming kwarto para matulog.

Fiona P.O.V

'Vince, ikaw na ungoy ka ibigay mo na nga saakin yan'- galit na sambit ni mica habang hinahabol si vince. pano ba naman itong si vince, kinuha ang pizza ni mica.

Nakita ko namang naghaharutan sina tracy at troy sa isang tabi habang si ethan naman ay nagbabasa lang ng libro. Nag hanapin ko si kaito ay napailing na lang ako nang makita ko ang inis sa kanyang mukha na halatang kanina pa nagtitimpi sa bunganga ni claudite, masyado naman kasing feeling close itong claudite na ito at kong makadikit kay kaito ay parang linta, akala mo kong sinong maria clara yon pala nasa loob rin ang kulo. Noong una ay kay ethan siya lapit ng lapit ngunit ng muntikan na siyang sunogin ni ethan ay kay kaito naman dumikit, halos mapahandusay pa nga ako sa kakatawa ng makita ko ang reaction ni claudite ng magpalabas ng apoy si ethan. Parang matatae na ewan hahaha.

Mas masaya sana kong andito parin si sophia. Simula ng iwasan siya nang mga kasama ko ay pasimple ko siyang pinupuntahan sa dorm niya at kong minsan naman ay sumasama si ethan, ngunit kinausap niya kami na layuan na siya dahil ayaw niyang mag away kaming magkakaibigan ng dahil sa kanya, kahit labag sa loob ko ay sinunod ko na lamang ang kanyang kagustohan dahil maging ako ay ayaw ko ring mag away kami.

Sophia P.O.V

Maaga pa lang ay gising na ko at nag simula nang maligo, gusto kong maglibot libot sa academy kaya naman talagang sinadya kong maagang pumasok.
---

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mamangha sa paligid dahil sa napakaganda at napakaaliwalas na paligid, wala pa kong nakikitang mga estudyante sa paligid dahil sa maaga pa at sigurado akong natutulog pa ang ilang estudyante. Ng makakita ako ng isang harden ay napagpasyahan ko munang magpahinga total marami rami na rin ang aking napuntahan.

Habang nagmumuni muni ay hindi ko maiwasang isipin ang aking mga kaibigan, hangang ngayon ay masakit parin para sa akin ang malamang wala silang tiwala sa akin.

'mas lalo lang bibigat ang iyong nararamdaman kong hindi mo ito ilalabas'- narinig kong sambit ng isang boses lalaki kaya naman.wala sa oras akong napalingon.

'Haru.'- plain kong sambit

'Haru?, ikaw pa lang ang kauna unahang taong tumawag sa akin ng haru'- sambit niya habang may tipid na ngiti.

'anong ginagawa mo dito?'- malamig kong tanong

'Dito ako pumupunta kong gusto kong magpahangin'- sambit ni haru saka tumabi sa akin

'Naranasan mo na bang talikuran ng mga taong pinapahalagahan mo?'- sambit ko habang nakatingin sa kawalan, nakita ko naman sa peripheral view ko ang paglingon niya sa akin.hindi ko alam kong bakit pero gusto kong ilabas ang aking mga sama ng loob.

'Hindi pa at ayaw kong mangyari yon sa akin'- malumanay niya namang sambit

'Maswerte ka dahil may mga totoo kang kaibigan, kahit na kakikilala ko pa lang sa inyo ay alam kong pinapahalagahan niyo ang bawat isa'- sambit ko habang may iilang luhang kumakawala sa aking mga mata.

'Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako at nakilala ko sila. '- sambit niya habang may tipid na ngiti.

' sana maging kasing swerte mo rin ako at makahanap ng mga kaibigan na magpapahalaga sa akin'- sambit ko habang may mapait na ngiti.

'Simula ng masama ka samin ay itinuturing ka na naming kaibigan kaya huwag mong isiping walang nagpapahalaga sa iyo kasi kahit na kakikilala pa lang namin sa iyo ay pinapahalagahan ka na namin.'- sambit na

'Thank you sa pag tangap sa akin'- sambit ko

'Walang ano man, basta kong may problema ka ay nandito lang kami'- sambit niya habang nakatitig sa akin.

'Tara na, malapit na palang magsimula ang klase'- sambit ni haru kaya naman sumunod na lang ako sa kanya total parehas naman kami ng pupuntahan.
-------------




Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon