chapter 76

10.6K 253 12
                                    

Sophia P.O.V.

Pakiramdam ko ay tila tumakbo ako ng napakalayo, masakit ang aking kayawan na halos hindi ko na maigalaw.

'anong balita?' Narinig kong sambit sa aking paligid na sa tingin ko ay nang gagaling kay mark

'Ok na daw siya sabi ng head healer at ano mang oras ay maaari na siyang gumising'-sagot naman ng sa tingin ko ay si fiona.

Pilit kong iminumulat ang aking mata ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ko man lang ito magalaw. Sinubukan ko namang igalaw ang aking mga daliri pero katulad kanina ay wala paring silbi.

pakiramdam ko ay para akong isang inutil dahil sa hindi ko man lang magawang igalaw ang aking katawan kahit na anong pilit ko.

Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? Sila kaito at haru? Sana ay nasa maayos na silang kalagayan. Kong may masama mang mangyari sa kanila ay hindi ko maiiwasang sisihin ang aking sarili. Kong hindi dahil sa akin ay hindi sana sila pupunta sa dark kingdom ng basta basta.

Isa akong prinsesa ngunit hindi ko man lang nagawang iligtas sila bagkus ay ako pa ang kanilang iniligtas.

Lumipas ang ilang minuto ay tila muli nanaman akong hinihila ng antok, pilit ko mang labanan ay hindi ko magawa hangang sa unti unting humihina ang mga boses na aking naririnig.

==#====DREAM=====#==

Hindi ko mapigilang mamangha sa mala paraisong lugar na aking kinaroroonan. Napakaaliwalas ng paligid at napapalibutan ring ito ng mga nag gagandahang bulaklak.

'Masaya akong makita ka mahal na prinsesa '- narinig kong sambit sa aking ligod na aking ikinalingon.

'Sino ka?' -malamig kong tanong sa babaeng nasa harap ko. Paano niya nalamang isa akong prinsesa?

Kong titignan ay para lamang siyang nasa late 20s, napakaganda ng kanyang mukha at maging ang kanyang katawan ay napakaperpekto.

'Isa ako sa mga taga panggalaga'- sambit niya habang hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi na mas lalong nagpapaganda sa kanya.

'Anong taga pangalaga?' Nalilito kong tanong na sinagot niya lang ng isang ngiti at hindi na kumibo.

'bakit ako nandito?'- muli kong tanong at muling inilibot ang aking paningin.

'Halika at may sasabihin ako sayo'- mahinhin niyang sambit at nauna nang naglakad, nagdadalawang isip man ay sumunod parin ako sa kanya.

Nakarating kami sa isang maliit na upuan na nasa ilalim ng puno. Nalilito man ay tumabi na lang ako sa kanya at naghintay ng kanyang sasabihin.

'Oras na'- sambit niya na nakatingin sa mga paru parong nagliliparan.

'Anong ibig mong sabihin?'- nagtataka kong tanong, hindi ko alam kong ano ba ang pinagsasabi niya.

'Oras na para pamunuan mo ang inyong kaharian'- muli niya namang sambit na ikinabigla ko. Wala pa sa isip ko ang pamumuno sa aming kaharian lalo na ngayong masyado pa itong magulo.

'Kailangan ka ng buong magic world at kailangan rin nila ng mamumuno hangat wala pa ang hari at reyna.'- dugtong niya, habang ako naman ay hindi malaman kong ano ang sasabihin. Alam kong kailangan nila ang mamumuno sakanila pero ang tanong, handa na ba ako?.

'Paano kong hindi ko sila mailigtas? Paano kong matalo ako?'- sambit ko habang nakatulala sa kawalan.

'May tiwala kami sayo, palagi mong tatandaan na nandito lang kami.'- sambit niya na siyang ikinalingon ko.

Isang tango na lamang ang aking isinagot, siguro nga ay oras na para makilala nila ako. Oras na bumalik ang aking lakas ay sisiguraduhin kong babawiin ko ang aming kaharian.

'Palagi kang mag iingat'- sambit niya at hindi pa man ako nakakapag salita ay muli ko nang naramdaman ang isang pwersang humihila sa akin hangang sa lamunin ako ng kadiliman.

Tracy P.O.V

Nandito kami ngayon sa kwarto ni sophia, ako, si fiona, si mark at dylan ang nagbabantay kay fiona habang ang iba naman ay nagbabantay kay kaito at koharu.

Tatlong araw na ang nakalilipas simula ng iligtas namin si sophia at mabuti na lang at hindi kami masyadong napuruhan maliban na lang kina sophia, koharu at kaito na hangang ngayon ay wala paring malay.

'So-sophia?' -agad na sambit ni fiona ng makita ang marahang pag dilat nito.

Agad kaming lumapit sa kanya at hindi ko maiwasang mapaluha sa sobrang saya ng makitang gising na si sophia.

'A-akala ko ma-mawawala ka na sa amin' -umiiyak kong sambit habang nakayakap sa kanya na sinagot niya naman ng isang mahinang tapik.

'Ok ka lang ba?'- nag aalalang tanong ni dylan at marahang hinawakan ang kanyang kamay. Tanging tango lamang ang kanyang sagot habang walang emosyon paring nakatingin sa amin.

'Magugutom ka ba? Nauuhaw?' -tanong naman ni fiona na sinagot niya ng isang iling.

'Nasan ang iba?' - tanong niya ng makitang wala ang iba naming kasama.

'Nasa kabilang kwarto, binabantayan sina kaito at koharu'- sagot ni mark, kita ko ang pag iba ng expression ni sophia ng bangitin namin sina kaito at koharu. Siguro ay sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa dalawa.

'Kamusta na sila?'-may pagaaalalang tanong niya sa amin.

'sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kong kailan sila gigising pero alam kong hindi magtatagal ay magigising na rin sila'- paliwanag ni dylan.

Akma namang tatayo si sophia ng pigilan namin siya.

'Mahina ka pa sophia, kailangan mo pang magpahinga'- sambit ni fiona.

'Gusto ko silang makita'- walang emosyon niyang sambit.

'kailangan mo na munang magpahinga, hindi mo pa masyadong nababawi ang iyong lakas, huwag kang mag alala dahil sasamahan ka namin mamaya sa pagpunta sakanila'- sambit ko.

Labag man sa loob ay wala na rin naman siyang nagawa kundi ay sundin kami.

Mahina pa siya kaya kong kinakailangang itali namin siya ay gagawin namin para lang huwag siyang umalis.

Ayaw rin naming ma stress siya kaya mas minabuti naming huwag na munang ipakita sa kanya sina kaito at koharu dahil alam naming sisisihin niya lang ang kanyang sarili kapag nakita niya ang kalagayan ngayon ng dalawa.

'Kumain ka na muna'- sambit ko saka siya pinagbalat ng prutas.

Hindi na rin naman siya tumutol pa at kinain na lang ang prutas na aking ibinigay, grabe ang pasasalamat ko dahil sa wakas ay nagising na rin si sophia, sana nga lang ay magising na rin ang dalawa.
_______________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon