chapter 54

15.1K 373 13
                                    

Sophia P.O.V

'Huhuhu dalawin nyo kami ha? Wag niyo kaming kakalimutan.'- umiiyak na sambit ni tita habang pinapatahan naman siya ni tito.

'Ma papasok lang po ako ng academy=_='- sambit naman ni dylan, kanina pa kasi ngawa ng ngawa si tita kaya naman hindi kami maka alis alis.

'Kahit na. Malay ko ba kong maisipan niyo na lang ni sophia na Doon na lang kayo tumira kasama ng mga apo namin at kalimutan kami T_T'- mahabang salaysay ni tita na ikinanganga namin. Iba din talaga ang isip ni tita, kong minsan ay nag tataka ako kong saan niya nakukuha ang mga malawak niyang imahinasyon=_=

'Mahal huwag ka nang umiyak. Hayaan mo, pag nalaman nating may apo na tayo ay tayo na mismo ang pupunta sa kanila para maalagaan mo'- pag aalo ni tito kay tita. Baka mabaliw na ko pag sila palagi ang kasama ko =_=.

'Ma hindi ko girlfriend si sophia at lalong hindi ko siya asawa para magkaroon kayo ng apo'- namumulang sambit ni dylan.

'Ang torpe mo naman kasi anak, para kang ang papa mo'- masungit na sambit ni tita. Bipolar, kanina umiiyak ngayon naman nagsusungit.

'Oi Hindi ako torpe ah. Sadyang patay na patay ka lang kasi noon sa akin kaya ikaw na ang nanligaw sa akin'- dipensa naman ni tito.

'S-so s-sinasabi mo na napipilitan ka lang na magpakasal sa akin?'- naluluhang sambit ni tita na nakapag papanic kay tito.

'A-ah hindi naman sa ganon mahal, alam mo namang mahal na mahal kita'- agarang sambit ni tito.

'Huhuhu a-anak ang papa mo hindi na daw ako mahal, si-siguro may i-iba na siya'- lumuluhang sambit ni tita. Para lang ako ditong nanonood ng drama =_=.

'Tara na sophia at baka hindi pa tayo maka alis'- naiiling na sambit ni dylan na sinagot ko na lamang ng tango. Mas mabuti pa ngang umalis na kami at sumasakit ang ulo ko sa pag kaisip bata nina tito at tita.

'Tita ,tito aalis na po kami'- paalam ko na hindi ata narinig nang dalawa dahil busy sila sa paglalambingan.

Katulad ng pag punta ko rito ay portal rin ang gagamitin namin, hangang sa labas lang ng academy kami kayang dalhin ng portal.

!#Fastforward#!

'maligayang pagbabalik sophia at welcome sa academy prince dylan'- sambit ni HM dave at bahagyang yumuko.

'Dylan na lang po HM ^_^'- dylan.

'Maupo kayo'- HM dave.

'gusto ko lang ipaalam sayo sophia na ipinagsama na namin ang elites at black class at sa iisang dorm na rin kayo. At para naman sayo dylan, papasok ka na rin sa black elites kasama si sophia^_^'- masayang sambit ni HM na sinagot naman ng tango ni dylan.

'where is he?'- bored kong tanong. Kanina ko pa siya gustong makita at mayakap, matagal tagal rin ng huli kami magkita kaya siya agad ang hinahap ng aking mata. Walang akong pakialam sa mga ipinapaliwanag ni HM dahil nasa kanya lang ang isip ko, miss na miss ko na siya.

'Sinong He? Si kaito o si Haru?'- inosente niyang tanong.=_=

'Where is he? Where's Sep?'- ulit ko sa aking tanong saka siya sinamaan ng tingin. Alam ko namang alam niya ang tinutukoy ko=_=.

'*pout* nag bibiro lang naman eh. Alam mo bang pinahirapan ako ng tigreng yon, ang sungit sungit. Mag amo nga kayo parehas masungit'- parang batang sambit naman ni HM. Hindi na talaga nag bago =_=.

Nang sabihin ni HM na mag kakaroon ako ng panibagong misyon ay iniwan ko sakanya si Sep, kasalanan niya naman kong bakit ako aalis kaya sa kanya ko ito iniwan at alam ko rin na maaalagaan niya ito.

'Nasaan siya?'- pag uulit ko, ang haba ng sinabi pero hindi naman yon ang itinatanong ko.

'Ipapadala ko na lang sayo mamaya.'- sagot ni HM dave na sinagot ko naman ng tango.

Fiona P.O.V

Nandito kami ngayon sa bago naming dorm, wala namang training ngayon kaya naisipan naming mag movie na lang mag hapon.

'Hoy alex wag mo nga yang ubosin'- naiinis na sambit ni melody kay alex na kumakain ng cookies na ginawa ni melody.

'Pasalamat ka nga at kinakain ko pa kahit hindi naman masarap'- sagot naman ni alex habang panay parin ang subo. Na ikina galit ni melody, ayaw pa kasing aminin na nasasarapan siya sa cookies =_=.

'Pwede ba vince wag ka ngang gumalaw'- pagsasaway naman ni mica sa naka busangot na si vince. Ewan ko ba dito kay mica at si vince pa ang naisipang make upan. Hindi ko maiwasang matawa habang pinagmamasdan ang dalawa, ugali na ni mica ang mag make up at malas lang ni vince dahil siya ang unang nakita ni mica.

Tahimik namang kumakain ng cookies si haru habang nagbabasa ng libro habang si mark naman ay panay ang ayos ng kanyang buhok. Si kate naman ay tahimik lang na nanood sa aking tabi habang kaito ay natutulog sa gilid si ethan naman ay natutulog sa kanyang kwarto sa taas. Wala dito sina tracy at troy dahil sa mag dadate daw sila, kong hindi ko pa nahuling naglalambingan ang dalawa ay hindi ko pa malalaman na sila na pala masyado kasing malihim.

'Hoy melody pahingi nga ng cookies'- sambit ni kate at agad na kinuha ang lahat ng cookies.

'Nag paalam ka pa. '- nakabusangot na sambit ni melody na hindi naman pinansin ni kate. Sina tracy, troy, vince at mica pa nga lang sumasakit na ang ulo ko, pano pa kaya ngayong nadagdagan nanaman ang mga isip bata saamin. Siguro ay mababaliw na ko nito.

*Blagg*

Nasakalagitnaan na kami ng panonood ng bigla na lang pabalibag na bumukas ang pintuan.

Handa na sana akong ibitay ang kong sino man ang nasa pintuan ngunit napalitan ang kaninang inis ko ng tuwa ng makita kong ang walang emosyong mukha ng aking kaibigan.

'Wahhh sophia na miss kita'- agad na sambit ni melody ng maka recover sa pagkabigla.

Napabangon naman ang lahat at maging si kaito ay tila nawala ang antok ng marinig ang pangalan ni sophia.

'Kailan ka pa dumating?'- sabay na tanong ni haru at kaito.

'Kamusta ang misyon mo?'- tanong ko ng makalapit.

'May mga nakalaban ka bang dark user?'- dugtong naman ni kate.

'Hindi ka ba nahirapan'- sambit naman ni vince.

'Pasalubong ko'- parang batang sambit ni alex.

'Tss, pagod pa ko, mamaya niyo na lang ako kulitin'- humihikab na sambit niyasaka nagtuloy tuloy sa pagpasok.

'Wait sophia'- narinig naming sambit sa likod niya, saka lang namin napansin na may kasama pa pala siya.

'Sino siya sophia?'- malamig na tanong ni kaito habang masamang nakatingin sa lalaking kasama ni sophia.

'Dylan, Prince of witch and wizard's land'- bored niyang sagot saka nagtuloy tuloy sa taas.

'Hello sa inyo ^_^'- nakangiting pagbati niya sa amin na sinuklian din namin ng ngiti, maliban na lang sa dalawa na hindi maipinta ang mukha(haru & kaito).

'Hoy sophia wag mo naman akong iwan, diba sabi ni HM magkatabi daw ang kwarto natin'- sigaw niya ng mapansing nauna na si sophia saka nagmamadaling sumunod.

'Paano ba yan mga pare, mukhang nauunahan na kayo'- sambit ni vince kaya naman naka tangap siya ng masamang tingin sa dalawa.

'He-he-he biro lang kayo naman'- alanganin niyang sambit saka nagtago sa likod ni alex.

'Ang gwapo ni dylan hehe'- parang kiti kiti namang sambit ni kate at melody.

'Mas gwapo kaya kami doon'- magkasabay namang sambit nina mark at alex. Napapailing na lang ako sa mga kasama ko, ang totorpe kasi.

Hindi ko na sila pinansin at nagtungo na lang sa aking kwarto, kahit na wala naman kaming ginawa ay pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Zzzzzzz
________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon