Chapter 41

17K 428 7
                                    

Sophia P.O.V

Hindi nagtagal ay sabay sabay na ring nagsidatingan ang mga kasama ko habang bitbit bitbit ang kanilang mga pinamili.

'Saan tayo kakain?'- tanong ni troy  ng makalapit sila sa akin.

'Doon na lang tayo kila mang Sario'- excited na sambit bi mica na sinang ayunan naman nila mica.

'Mang sario?'- naguguluhang sambit ni mark, hindi namin alam kong anong sinasabi nila dahil ang mga elites at maging ako ay hindi naman pumupunta dito pasalamat na nga lang ako kanina at hindi ako naligaw.

'ah si mang sario ang may ari ng isang maliit na restaurant na makikita sa dulo nito pero kahit na maliit lang ang restaurant nila ay masasarap naman ang pagkain^_^'- sambit ni tracy.

'Pagkain ba kamo? Tara na*_*'- sabat naman ni alex habang nag niningning ang mata, basta talaga pagkain game na game si alex.

'Ano yan?'- tanong ni haru sa aking tabi ng mapansin si Sep, ngayon lang nila nakita si sep dahil medyo natatakpan ito kanina.

'My pet'- bored kong sagot at kinarga si Sep.

'Why tiger?'- tanong naman ni kaito ng makalapit sa akin. But I just shrugged at hindi na lang pinansin ang tanong niya.

'Wahhh ang cute, pakarga nga'- sabay na sambit nina melody at mica at akmang lalapit kay sep ngunit hindi ito natuloy ng makita nila ang panlilisik ng mata nito na nakatitig sa kanila

'Hehehe wag na lang pala'- sabay uli nilang sambit at namumutlang bumalik sa pwesto nila habang nagpipigil naman ng tawa ang mga kasama ko maliban na lang syempre sa tatlong pinaglihi sa sama ng loob.

'Let's go'- sambit ni ethan at nauna nang maglakad. Agad naman kaming sumunod patungo sa dulo ng pamilihan kong saan ang kainan na sinasabi nila.

Magkarating namin sa dulo ng pamilihan ay bumungad agad sa amin ang isang maliit na kainan. Sa itsura pa lang nito ay malalaman mo nang may katandaan na ang kainan pero kahit na ganon ay napakaaliwalas parin sa loob at nakakarelax.

'MANG SARIO^__^'- hyper  na sigaw ni tracy kaya naman napunta kaagad sa amin ang attention ng mga kumakain.

Ang gaganda at gagwapo naman nila

Wahhh ang gwapo

Diba mga prince at mga princess yon.

Oo nga

Eh sino naman ang mga kasama nila?

Yong nga elementalist nandito ihhh

Yan ang mga naririnig kong bulungan ng mga user na nandito ngunit hindi man lang ito pinansin ng mga kasama ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.

'Oh kayo pala, mabuti naman at napadalaw kayo mga ija at ijo^_^'- masayang sambit ni mang sario ng makalapit sa amin. Medyo may katandaan na rin si mang sario ngunit nakikita mo paring malakas ito dahil sa tindig nito.

'Syempre naman po mang sario, ang sarap kaya ng mga luto niyo kaya naman binabalik balikan namin, sila nga po pala ang aming mga kaibigan'- sambit ni vince na mas ikinalawak ng ngiti ng matanda.

'ikinagagalak ko kayong makilala. Oh siya sige at babalik na ko sa kusina at magluluto pa ko'- pagpapaalam ni mang sario

'Tara guys doon tayo'- pagyaya sa amin ni troy ng may makitang isang bakanting lamesa na nasa dulo.

'mica, alex, mark, vince, kayo na lang ang mag order'- sambit ni fiona

'Aye aye captain'- sambit ni vince habang nakasaludo pa na ikina iling ko na lang.

Malaki ang lamesang kinuha namin para magkasya kami lahat, mabuti na lang at hindi masyadong matao ngayon kaya naman marami ang bakanting mesa.

Vince/mica/tracy/troy/ethan/fiona
______________________________________
|                                                               | |          Table  Table Table.                   |
|_____________________________________|

alex/melody/kate/mark/haru/me/kaito

Yan ang arrangement namin. Agad din namang dumating ang aming pagkain at ang masasabi ko lang ay, hindi dapat sila ang pinag order. Paano ba naman eh parang may pyesta sa mesa namin dahil sa dami ng pagkain kaya naman halos napapatingin na sa amin ang iba pang kumakain. Alam kong madami kami pero hindi naman at tama ang mag order sila ng pagkain na kakasya sa isang barangay=_=. Hindi ko na iisa isahin pa kong anong inorder nila at baka ubos na ng mga kasama ko ang pagkain at hindi ko pa tapos sabihin ang lahat.

Nabalik lang ako sa realidad ng bigyan ako ni haru ng isang plato na puno ng pagkain.

'Thanks'- pagpapasalamat ko ng mailapag niya na ang plato sa aking harapan. Ngiti lang ang kanyang isinukli sa akin at kumuha na rin ng kanyang makakain.

Tahimik akong kumakain ng may umabot sa akin ng apple juice but this time ay hindi na si haru ang nag bigay sa akin kundi sa kaito na.

'Thanks'- sambit ko na sinagot niya naman ng tango.

'May gusto ka pa bang kainin?'- tanong ni haru ng makitang ubos na ang aking pagkain. Iiling na sana ako bilang pahiwatig na ayaw ko na ng may naglagay ng vegetable salad sa aking plato.

'Eat something healthy'- walang emosyong sambit ni kaito bago pa man ako makapagreact.

'But--'- me

'no more buts'- pinal na sambit ni kaito.

'Hihihi'

Napalingon naman ako sa aking mga kasama ng marinig ko ang pigil na tawa ng mga babae.

'What?'- bored kong tanong ng makita kong nakatingin sila sa akin habang nakangisi.

'Ang habang ng hair mo girl, dalawang fafa pa talaga ang nag aasikaso sayo'- kunikilig na sambit ni kate.

'love triangle na to'- baliw namang sambit ni vince habang nakangisi lamang si ethan.

'Tsk=_='- kami po yan nila kaito at haru. Mga isip bata talaga ang mga kasama ko.

Hindi ko na lamang sila pinansin at kumain na lamang. Ayaw kong makita ang mga napanoksong tingin nila kaya mas mabuti ng sa pagkain na lang ako mag focus.

'Balik kayo mga ija, ijo^_^'- nakangiting sambit ni mang sario

'Sigurado pong babalik balikan namin ang kainang to kasi ang sarap ng pag kain^_^'- nakangiting sambit ni kate

'Salamat po sa masarap na pagkain mang sario'- sambit ni fiona.

'Aalis na po kami'- pagpapaalam ni troy na tinanguan na lamang ng matanda.

'Mag iingat kayo'-sambit ni mang sario bago kami umalis.
..

Pagkarating na pagkarating namin sa dorm ay nagkanya kanya na kaming pasok sa aming kwarto. Pagod na ko kaya naman hindi ko na nagawa pang pagpalit ng damit at pasalampak na nahiga sa aking kami habang si sep naman ay nasa gilid ng kama ko.

Nang maramdaman ko ang pagtama ng malambot kong kama sa aking katawan ay siya namang pandidilim ng akim mata.

_________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon