chapter 17

18.2K 516 3
                                    

Fiona P.O.V

It's been 2 weeks ng bumalik kami rito galing sa misyon at simula ng unang pag ataki ng mga halimaw ay mas lalong naging busy kami sa pag hahanap ng traydor sa paaralang ito.

Simula rin ng araw na yon ay naging mailap na sa amin si sophia at kong makakasama man namin siya ay tila may malalim na iniisip.ayaw ko mang pag isipan siya ng masama dahil kaibigan na ang turing ko sa kanya ngunit hindi ko parin maiwasang isiping siya ang traydor dahil sa bihira na siyang sumama sa amin at tuwing may halimaw na darating ay bago pa kami dumating ay nandon na siya.

'Guys hindi niyo ba napapansin si sophia this past few days?'- tanong ko sa aking mga kasama. Nandito kami sa tambayan naming elemental ngayon.

'Oo nga,palagi na siyang absent sa training natin'- mica

'Palagi ring malalim ang iniisip niya kapag kasama natin siya'- sambit ni vince. Hindi lang pala ako ang nakakapansin.

'At bigla bigla na lang siyang nawawala'- seryosong sambit ni troy

'W-what i-if s-she's the traitor'- nauutal kong sambit.

'No, hindi traydor si sophia'- naiiyak namang sambit ni tracy. Naiintindihan ko kong bakit siya ganyan, mas matagal niyang nakasama si sophia kaya hindi niya matangap.

'If she's the traitor,we don't have any choice but to tell to HM'- malamig na sambit ni ethan

'Even if she's our friend=_='- malamig ding sambit ni kaito.

'Alam nating kamatayan ang kaparusahan sa kanya kong sakaling mapatunayang siya ang traydor'- vince

Hindi ko mapigilang umiyak habang iniisip na si Sophia nga ang traydor sa academy at maging sina tracy at mica ay umiiyak na rin. Ayaw kong mawalan ng kaibigan ngunit kong siya nga ang traydor ay wala kaming magagawa.

Sophia P.O.V

Patungo ako ngayon sa training room dahil ngayon na ililipat si claudite sa black class. Kong titignan ay hindi mo aakalaing isa siyang traydor dahil sa kanyang pagiging mahinhin at simple. Ngunit sabi nga nila don't judge the book by it's cover dahil sa likod ng kanyang pagiging mahinhin at simple ay nagtatago ang kanyang masamang ugali=_=. Matagal ko nang alam na siya ang traydor ngunit hindi ko agad sinabi dahil sa inimbestigahan ko muna ko bakit siya nag traydor sa academia at napag alaman kong umanib siya sa kasamaan at pumayag na magmatyag dito kapalit ng malakas na kapangyarihan, masyado na siyang nabulag ng pagiging gahaman sa kapangyarihan kaya naman kahit na mali ay ginagawa niya.

Pagkarating ko sa training room ay nakita kong andoon na sila at maging si claudite ay andon na rin kasama nila fiona habang masaya silang nag kekwentuhan.

Nang makita nila ako ay isang simpling ngiti lamang ang ibinigay nila sa akin habang tumango naman si ethan at nang tignan ko si kaito ay malamig lamang itong nakatingin sa akin na sinuklian ko naman ng malamig na tingin.

MICA P.O.V
Sabay sabay na kaming nag tungo sa training room maliban kay sophia. Alam naming magkakaroon kami ng isa pang classmate kaya naman talagang pinilit ko pa silang maagang pumasok.

Pagkarating namin sa training room ay naabutan namin ay isang babae na sa unang tingin pa lang ay alam mo nang mahinhin.

'Hello ikaw ba ang bago naming classmate?^__^'- nakangiti kong tanong ng makarating kami sa harap ng babae.

'A-ah o-opo'- nauutal niyang sambit

'Wag kang mahiya sa amin ako nga pala si MiCa'- pakilala ko

'Ki-kilala ko na po kayo. A-ako naman po si claudite^_^'- sambit niya naman

Masaya kaming nakipag kwentuhan kay claudite ng marinig namin ang pagbukas ng pinto na ikinalingon namin. Nang makita kong si sophia ang pumasok ay binigyan ko na lamang siya ng isang tipid na ngiti, na sinuklian naman niya ng malamig na expression at nagtuloy tuloy na sa pag lalakad.

Hindi rin nag tagal at dumating si sir matt at pinag self training lamang kami. Habang nagtetraining ay panay ang sulyap ko kay sophia na hangang ngayon ay nakaupo parin habang matamang nakatitig kay claudite.

Kaito P.O.V
Hangang ngayon ay nagtatalo parin ang  puso at utak ko kong ano ba talaga ang aking paniniwalaan. Sinasabi ng utak ko nga traydor si Sophia ngunit kabaliktaran naman ang sinasabi ng puso ko.

Nang makita ko siya kanina ay gusto ko siyang lapitan ngunit pinipigilan ko ang aking sarili dahil kong sakaling siya man ang traydor ay hindi ako gaano masasaktan.

Habang nagtetraining ay panay ang sulyap ko kay sophia na ngayon ay prenting naka upo kabang matamang nakatitig kay claudite. Nakita ko rin ang paminsan minsang sulyap ng mga kasama ko kay sophia at alam kong pati sila ay namimiss na siya.

SOPHIA P.O.V

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng training room habang nakatingin kay claudite. Alam kong pasimpling sumusulyap sa akin ang mga kaibigan ko at alam ko rin kong bakit sila nagkakaganyan. Hindi ko lubos maisip na pag iisipan nila ako ng ganyan ngunit hindi ko naman sila masisisi.

' sophia go to my office now'- narinig kong sambit ni HM sa utak ko.

Walang pasabing umalis ako ng training room at nagtungo sa HM office.

@ HM office

'What?=_='- malamig kong tanong sa kanya

'Grabe wala man lang bang good afternoon?'- HM

'There's nothing good in the afternoon'- plain kong sagot

'Ok sabi ko nga. Itatanong ko lang naman sayo kong kamusta na si miss Grux'- HM

'What the, pinapunta mo ko rito para lang kamustahin si claudite?'- naiinis kong sambit. Ikaw ba naman ang maglakad ng malayo tapos ganon lang pala ang sasabihin, sinong hindi maiinis eh pwede nya naman akong kausapin sa isip.

'Hehehe para na rin may kausap ako rito. Wala kasing akong magawa at makausap eh *pout*'- parang batang sambit ni HM habang naka pout pa

'my god, mapapatay kita ng wala sa oras'- sambit ko habang pasalampak na umupo sa sofa

'hahaha relax ok ang ganda mo lang kasing inisin'- tumatawang sambit ni HM na ikina iling ko na lamang.

Dahil sa nandito na rin naman ako ay humiga na lang ako sa mahabang sofa at hindi na pinakingan pa ang kanyang mga pinagsasabi mas mabuti pang matulog .




Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon