chapter 62

13K 381 25
                                    

Sophia P.O.V

Hindi ako masyadong makatulog kaya naman napagpasyahan kong lumabas na lang muna ng bahay ni master rej, alas tres pa lang ng umaga kaya sigurado akong tulog pa ang mga kasama ko.sa pagkakaalam ko ay ngayon na ang simula ng training namin. Kahit na isang ilusyon lang ang nagyari kahapon ay hindi ko parin maiwasan ang mangamba, si master rej pa nga lang ay hirap na ko,paano pa kaya kong ang mismong pinuno na ng mga dark user ang makaharap ko.

'ang aga mo namang gumising'- narinig kong sambit sa likod ko na ikinalingon ko.

'can't sleep'- tipid kong sagot.

'bakit naman?'- sambit niya saka tumabi sa akin, nandito kami ngayon sa may mini garden.

'Natatakot ako'- sambit ko sabay tingin kay haru.

'natatakot saan?'-nagaalala niya namang tanong sa akin.

'Natatakot ako sa mangyayari sa oras na makaharap natin ang pinuno ng mga dark user'- pag aamin ko.

Hindi ko maiwasang matigilan ng bigla na lang niya akong yakapin na agad ko ring sinuklian ng yakap. Para bang isang mahika ang yakap niya na nakapagpalusaw agad ng mga pangamba ko.

'Wag kang mag alala, kahit anong mangyari ay nandito lang ako sa tabi mo. Sabay nating haharapin ang mga dark user'- sambit niya habang nakayakap parin sa akin na nagpangiti sa akin.

'Salamat'- pagpapasalamat ko pagkakalas ng yakap namin.

'huwag mo na muna nga yang iisipin at baka pumangit ka pa, bahala ka baka hindi na ko niyan magkagusto sayo'- out of nowhere na sambit niya.

'Tss, mukha ko lang pala ang gusto mo eh'- naiinis kong sambit.

'Oi, oi joke lang yon. Kahit na ikaw pa ang pinakapangit, pinakamabaho, at pinakamaitim na babae sa mundo ay mamahalin parin kita'- sambit niya naman na mas lalo pang ikinasimangot ko.=_=

'Kailan pa ko naging mabaho?'- tanong ko.

'He-hehe hindi ko naman sinabing mabaho ka ah'- inosenting sambit niya na ikina iling ko.

'Sophia'- pagtatawag niya sa akin makalipas ang ilang minuto.

'Hmm?'- ako

'kong sakaling mahulog ka sa bangin gusto ko nasa baba ako at aabangan ang pagkahulog mo'- sambit niya habang may malawak na ngiti.

'bakit naman?'- nakakunot noo kong tanong gusto niya bang mamatay ako?=_=.

'Nang sa ganon ay masasabi ko nang nahulog ka sakin at saka kita sasaluhin'- sambit niya habang mas lalong lumawak ang ngiti.

'Ok?'-sagot ko naman.

'*pout* hindi ka man lang ba kinilig?'- parang bata niyang sambit.

'Kailangan pa ba yon?'- nagtataka kong tanong but deep inside ay kanina ko pa gustong tumawa sa mga pinaggagawa niya.

'Papatayin ko talaga yon si mark, sabi niya kikiligin si sophia kapag sinabi ko yon'- narinig kong bulong niya sa sarili niya na ikinangiti ko.

Masaya ako dahil sa isa ako sa mga taong pinapakitaan ni haru ng kanyang tunay na ugali na labis kong ipinapasalamat dahil patunay lang yon na may tiwala siya sa akin.

Dylan P.O.V

Maaga akong nagising dahil sa masamang panaginip kaya naman naisipan ko na lang na bumaba.

Papunta pa lang ako ng kusina para sana kumuha ng tubig ng may marinig akong tila nag uusap.

'huwag mo na muna nga yang iisipin at baka pumangit ka pa, bahala ka baka hindi na ko niyan magkagusto sayo'- narinig kong sambit ng pamilyar na boses kaya nagpasya akong sundan ito na nagdala sa akin sa labas ng bahay.

'Tss, mukha ko lang pala ang gusto mo eh'- narinig ko ring sambit ng isang babae at ng tuluyan na kong makalapit ay doon nakita ko ang nakasimangot na mukha ni sophia habang malawak naman ang ngiting nakapaskil kay koharu.

'Oi, oi joke lang yon. Kahit na ikaw pa ang pinakapangit, pinakamabaho, at pinakamaitim na babae sa mundo ay mamahalin parin kita'- pagbabawi naman ni haru, hindi ko alam na may ganitong side din pala si koharu, ang akala ko ay palagi lang siyang seyoso na akala mo ay palaging pasan ang mundo.

'Kailan pa ko naging mabaho?'- tanong naman ni sophia habang nakabusangot. Siguro kong hindi si sophia ang nandiyan ay kanina pa ko naglulupasay sa kakatawa dahil sa pagiging isip bata ni koharu pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw ang sakit.

'He-hehe hindi ko naman sinabing mabaho ka ah'- inosenting sambit ni koharu habang napa iling na lang si sophia.

'Sophia'- pagtatawag ni haru sa attention ni sophia makalipas ang ilang minuto

'Hmm?'- sagot naman ni sophia.

'kong sakaling mahulog ka sa bangin gusto ko nasa baba ako at aabangan ang pagkahulog mo'- sambit ni koharu habang may malawak na ngiti.

'bakit naman?'- nakakunot noong tanong ni sophia.

'Nang sa ganon ay masasabi ko nang nahulog ka sakin at saka kita sasaluhin'- sambit ni koharu habang mas lalong lumawak ang ngiti. Habang si sophia naman ay hindi man lang nag bago ang expression. Hindi ko alam kong talagang manhid o sadyang slow lang talaga si sophia.

'Ok?'-sagot ni sophia na tila walang ediya na pinagsasani ni koharu.

'*pout* hindi ka man lang ba kinilig?'- parang batang sambit ni koharu.

'Kailangan pa ba yon?'- nagtatakang tanong ni sophia na ikina iling ko na lamang, slow nga =_=.

Nakita ko namang tila kinakausap ni koharu ang kanyang sarili at hindi rin nakaligtas sa akin ang mumunting ngiting kumawala sa mga labi ni sophia.

Kong kanina gusto kong lumabas ngayon naman ay gusto ko na lang  bumalik sa kwarto ko. Alam ko namang sa una pa lang ay wala na kong pag asa kay sophia pero nagka gusto parin ako sa kanya.

Ang makita ko lang na masaya siya ay sapat na sa akin kahit na ibig sabihin nun ay ang pagpaparaya ko ay hindi ako magdadalawang isip na magparaya. Ang nakakatawa lang ay ang pakiramdam na hindi ka pa nga lumalaban pero alam mo nang talo ka na.
_________________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon