chapter 86

11.1K 265 3
                                    

Sophia P.O.V

Maaga akong nagising dahil sa hindi mapaliwanag na pakiramdam. Hindi ko alam kong bakit pero kinakabahan ako, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.

Pagbangon ko ay bumungad agad sa akin ang isang piraso nang pulang rosas na siyang ikinangiti ko. Agad ko naman ito kinuha at binasa ang maliit na papel na nakadikit dito.

Good morning
             -kai

Isang simpleng good morning lamang ito pero agad nang mapawi ang aking mga problemang iniisip.

Inilagay ko na lamang ang rosas sa vase na nakalagay sa aking bedside table at agad na ginawa ang aking daily rotine.

=Fast forward=

Nandito kaming dark elites ngayon sa meeting room nang academy, kasama na rin ang mga naging trainor namin na sina val.

Gusto kong pag usapan ang mga gagawin dahil talagang hindi ako mapalagay at hindi ko ipagsasawalang bahala na lang ang aking nararamdaman. May nagsasabi sakin na kailangan ko nang maghanda na siya namang gagawin ko.

'Anong problema? Bakit mo kami ipinatawag?' - kalmadong tanong ni alea habang ang mga kaibigan ko naman ay tahimik lang na naghihintay.

'gusto kong magtulong tulong tayo na dalhin ang mga matatanda at bata sa lugar na hinanda ko na pagtataguan nila'- malamig kong sambit. Wala na rin namang umangal at sabay sabay na tumango.

'alea, sharia, ash, gia kayo na ang bahala sa air kingdom'- sambit ko na sinagot naman nila nang tango

'nyoz, hanai, val,melody'- kayo naman sa water kingdom.

'Ok'- sagot ni val .

'alex,  mark, kate, haru, kayo naman sa earth kingdom'- sambit ko

'dylan, mica, vince, troy, kayo na ang bahala sa fire kingdom'

'Ok'- sabay sabay nilang sagot

' tracy, fiona, ethan, kaito kayo naman sa invictus kingdom habang ako naman ay may aasikasuhin'- sambit ko na sinagot naman nila nang tango.

Sabay sabay na kaming lumabas nang meeting room habang ang mga kasama ko ay wala nang sinayang na oras at nagtungo na sa bawat kaharian kong saan sila naka talaga.

Hindi na ako sumama sakanila dahil aasikasuhin ko ang nga healers. Kailangan ring pangalagaan ang mga healers dahil sila ang tutulong sa mga sugatan.

Nagtalaga ako nang ilang malalakas na kawal na maaaring magbantay sa kanila, sa bawat kaharian ay nagtalaga rin ako nang hindi bababa sa sampong healers, alam kong hindi kakayanin nang mga healer na gumamot nang napakaraming sugatan kong mangyari man ang digmaan kaya binigyan ko parin sila nang gamot na maaari nilang magamit.

Habang tumatagal ay mas lalo lamang tumitindi ang kabang aking nararandaman, hinanda ko na rin ang mga estudyante nang academy at kahit na nalilito ay sinunod na lamang ako ni tita Yvonne.

Val P.O.V

Tulad nang sabi ni sophia ay nagtungo nga kami sa water kingdom at agad na ipinaalam sa hari at reyna ang ipinag uutos ni sophia. Hindi naman nagtanong pa ang hari at reyna at agad nang sumunod, ang hari at reyna na mismo ang nagpatawag sa mga matatanda at batang naka tira sa water kingdom.

Kita ko ang takot at kaba sa mukha nang mga taong nakapaligid sa amin, maging ako ay kinakabahan rin sa mangyayari.

Hindi naman kami nahirapang dalhin ang mga bata at matatanda sa lugar na sinabi ni sophia ngunit may ibang nagpaiwan at gustong makipaglaban na hindi na rin namin pinigilan.

Sophia P.O.V

Tatlong oras na rin ang lumipas at sa mga oras na ito ay alam kong pabalik na sila galing sa palasyo, nandito ako sa taas nang academy at tahimik na pinagmamasdan ang mga estudyante na naghahanda. Kita ko ang determinasyon na manalo sa kanilang mukha at kahit na natatakot ay alam kong pilit silang nagpapakatatag.

*growl*

Nakarinig ako nang mahinal pag ungol sa aking likod at ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ni sep, dahil sa dami nang aking gawain ay halos makalimutan ko na si sep, buti na lang at inaalagaan siya nang mga kaibigan ko habang wala ako.

'Oras na sep'- wala sa sarili kong sambit habang hinahaplos ang kanyang napakalambot na balahibo. Isiniksik na lamang niya sa akin ang kanyang sarili habang mahinang umuungol.

*KRINNNGGGGGG*

*KRINNGGGGGGG*

*KRINNNGGGGG*

Narinig kong tunog nang isang alarm na nagpapahiwatig na may mga nakapasok nang dark user.

Pagkatapos nang alarm ay siya namang dating nang mga kaibigan ko at agad na naghanda.

Mataman akong nagmamasid sa labas nang academy at hindi nga nagtagal ay nakakita ako nang mga halimaw na tumatakbo patungo sa academy.

Iba't ibang klase nang halimaw ang nakikita kong pasugod habang ang mga estudyante naman ay handa na sa pagsugod.

Kitang kita ko ang mga kaibigan ko na abala sa pakikipag laban sa mga halimaw na sumusugod.

Tanging sandata lang muna ang ginagamit nang mga kaibigan ko habang ang iba naman ay gumagamit na nang kanilang kapangyarihan, kong gagamit agad sila nang kanilang kapangyarihan ay siguradong agad silang manghihina at sa tingin ko ay ganon nga ang plano ni malum dahil tanging mga halimaw lang ang kaniyang pinapasugod.

Nagsummon ako nang isang bow at arrow at pinalibutan ito nang lason.

Ang bawat makita kong halimaw ay agad kong pinupuntirya sa noo o kaya naman sa puso nang hawak kong bow at arrow.

Kitang kita ko ang pagkalmot nang isang dark wolf sa isang babaeng estudyante na siya namang ikinabagsak nito. Kakagatin na sana nang isang dark wolf ang babae nang agad ko itong patamaan sa puso na siyang ikinamatay nito at mayamaya lang ay agad na itong naging abo.

Mas minabuti kong dito na muna sa taas at tinutulongan ang mga estudyanting sa tingin ko ay nahihirapan sa kanilang kalaban.

Abala ako sa pagtulong sa mga estudyante nang makita ko ang pagtilapon ni fiona, isang Cyclops ang kanyang kalaban kaya naman nahihirapan si fiona na kalabanin ito. Hindi pa man nakakatayo si fiona nang  mabilis na lumapit ang cyclops pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay pinatamaan ko na siya sa kanyang mata na siya namang ikinagalit nito, dahil sa nabaling sa arrow na nakatusok sa kanyang mata ang attetion nang cyclops kaya naman agad na nakasugod si fiona at gamit ang isang espada ay pinutol niya ang ulo nang cyclops.

Hindi pa man tuluyang nauubos ang mga halimaw ay siya namang dating nang mga dark user, sa tingin ko ay maging sa ibang kaharian ay marami na rin ang sumusugod.

*bogsshh*

*blagggg*

Yan ang tanging naririnig ko sa mga naglalaban. Habang ako ay patuloy parin sa pagpuntirya sa mga kalaban galing dito sa taas.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon