chapter 74

10.8K 251 7
                                    

Haru P.O.V

Hating gabi na ng mapagpasyahan naming umalis upang magtungo sa dark kingdom.

Noong una ay nagdadalawang isip pa kami kong sasabihin ba namin sa hari at reyna ang aming plano pero mas minabuti naming manahimik na lamang, ang kaligtasan ni sophia ang aming prayoridad sa ngayon.

'Handa na ba ang lahat?'- seryosong tanong ni ethan na sinagot naman namin ng tango.

'let's go' -malamig namang sambit ni kaito at nauna nang lumabas.

Pigil hininga kaming naglalakad palabas ng palasyo dahil sa kadahilanang ayaw naming malaman ng reyna't hari ang ang aming planong pag sagip kay sophia dahil.tiyak na pipigilan nila kami.

Napakalawak ng pakasyo kaya naman maraming taga silbi ang umaaligid kaya ilang beses na kaming muntikan pang makita, buti na lang at matalas ang pakiramdam ng mga kasama ko at agad na nakakapag tago. Mas madali sana ang pag alis namin ng wala kaming mga gamit na dala ngunit hindi naman maaaring umalis kami ng walang dala at baka nasa daan pa lang kami ay mamatay na agad kami.

'Huh!! Nakalabas na rin tayo sa wakas'- may kalakasang sambit ni vince ng makalabas kami.

'Shhh baka may makarinig sayo'- agad na suway ni mica na nasa kanyang tabi. Buti na lang at malayo layo sa amin ang ibang gwardya dahil kong hindi ay narinig ang maingay na bunganga no vince.

Agad niya namang tinakpan ang kanyang bibig ng pa realize ang kanyang ginawa ka nag arteng tila isinasara ang bibig. Napa iling naman kami sa pagka isip bata nito at hindi na lang ito pinansin.

'Bilis na at malayo layo pa ang lalakarin natin'- sambit ni mark saka kami sabay sabay na naglakad patungong dark kingdom.

Konting tiis na pang Sophia at darating na kami upang sagipin ka.

Sophia P.O.V

'T-tulong'

'Arghh t-tama na'

Na alimpungatan ako dahil sa ingay na aking naririnig sa paligid. Hindi pa man ako gumagalaw ay ramdam ko na ang sakit ng aking katawan na tila nadaganan ng mga malalaking bato.

Pagkamulat ng aking mata ay isang maduming lugar agad ang bumungad sa akin. Sa unang tingin pa lang alam kong nasa kulungan ako ng dark kingdom, tanging isang maliit na bintana lang ang nag bibigay liwanag sa madilim at masikip kong kinalalagyan.

Kitang kita ko ang hirap sa mukha ng ibang nakakulong na user sa aking paligid, halos buto't balat na lamang sila, samahan pa ng mga sugat na nasa kanilang katawan. Gusto ko silang tulungan at ilabas sa impyernong lugar na to pero paano ko magagawa yon maging ang aking sarili ay hindi ko magawang tulungan.

'Gising ka na pala'- sambit ng lalaking bagong dating na nasa labas ng aking selda at tila aliw na aliw sa nakikitang paghihirap namin.

'Sino ka? At anong kailangan mo sakin?'- malamig kong tanong sa taong nasa harap ko. Natatandaan ko ang kanyang mukha, siya ang lalaking nagpanggap na bata at kumuha sa akin.

'Wala kaming kailangan sayo, pero sa mga kasama mo meron *smirk*'- nakangisi niyang sambit. Mga kasama? Anong kailangan niya sa mga kaibigan ko?.

'Huwag mong idadamay ang mga kaibigan ko' -galit kong sambit na mas ikinalaki ng ngisi niya.

'Kahit na magalit ka pa ay wala ka paring magagawa, hindi gagana ang kapangyarihan mo dito' - sambit niya na ikina inis ko.

Tama siya dahil kanina ko pa sinusubukang magpalabas ng kahit na anong kapangyatihan ay hindi ko magawa, masyado ring nanghihina ang katawan ko. Sa tingin ko ay epekto ito ng amoy ng bulaklak.

Masyado akong naging kampanti kaya naman ngayon ay nanganganib ang mga kaibigan ko dahil sa katangahan ko. Hindi sana to mangyayari kong nalaman ko lang agad na dark user ang batang tinulungan ko o kaya naman ay nanatili na lang sana ako sa loob ng palasyo.

'Oras na maka labas ako dito ay sisiguraduhin kong ikaw ang una kong papatayin=_='- malamig kong sambit sa lalaking nasa harap ko pero imbis na matakot ay isang mala demonyong tawa lang ang kanyang isinukli na tila nang uuyam.

'Yun ay kong makakatakas ka pa'- sambit niya saka lumabas sa seldang aking kinalalagyan.

Kong hindi lang sana ako nang hihina ay baka napatay ko na ang lalaking yon.

@ the academy

Third person P.O.V

Tahimik na nagsasanay ang mga natitirang estudyante ng paaralan, kong noon ay napakasiglang tignan ng paaralan ay kabaliktaran naman ngayon. Bihira nang makakitang mga estudyanting masayang namamasyal sa loob ng academy , ang tanging nasa isip nila ay ang magpalakas para sa darating na digmaan.

Ang mga natitirang guro na muna ang namamahala sa mga estudyante dahil na rin sa wala ang headmaster.

Kong seryoso sa pag sasanay ang mga estudyanye ay may ibang namang mga estudyante at gurong pumanig sa dark kingdom, dahil sa takot na mamatay ay mas pinili ng ibang pumanig sa mga masasamang user. Hindi lingid sa kaalaman nila ang unti unti pag lakas ng mga dark user na mas ikinakatakot nila.

'Magpahinga na muna kayo' -sambit ng isang gurong namamahala sa mga estudyante. Pabagsak namang nahiga ang mga estudyante na ilang oras nang nagsasanay sa pakikipag laban at paggamit ng kapangyarihan.

Fiona P.O.V

'Si sep nga pala?'- tanong ko ng maalala ang alaga ni sophia.

'Hawak ni dylan'- sambit ni kate, saka ko lang napansin ang basket na hawak ni dylan.

Inabot na rin ng ilang oras ang aming paglalakad ang ngayon nga ay malapit na kami sa labas ng fire kingdom. Kinailangan naming lumabas muna sa fire kingdom ng sa ganon ay malaya naming magagamit ang aming kapangyarihan ng hindi nalalaman ng reyna't hari.

Kahit hindi sabihin ng mga kasama ay alam kong natatakot sila. Hindi lang takot para sa sarili nila kundi takot para sa mahal nila at mga kaibigan. Kita ko rin ang pag aalala sa kanilang mata para kay sophia, hindi basta basta ang dark kingdom kaya kahit na alam naming malakas at matapang si sophia ay hindi namin mapigilang mag alala lalo na ngayong hindi namin alam kong ano nang nangyari sa kanya.

'Hoy' sambit ni mica na nagpabalik sa akin sa realidad.

'Bakit?' -nakakunot noo kong tanong

'Baka naman may balak kang sumunod '- mataray na sambit ni mica, saka ko lang napansing malayo na pala ang mga kasama ko habang ang iba naman nasa himpapawid. Nakalagpas na pala kami sa fire kingdom ng hindi ko namamalayan.

________________________________________
Alam ko pong hindi ako masyadong magaling sa pagsusulat kaya kong may nakikita po kayong mali ay ok lang pong sabihin sakin pero pwede po bang in a nice way ^_^... Thanks guys

Hindi po ako nag eedit kaya maraming mali sa grammar at spelling.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon