chapter 47

15.2K 409 3
                                    

Sophia P.O.V

Pauwi na kami sa palasyo ng makarandam ako ng mga itim na inerhiya na naging sanhi ng pagiging alisto ko.

'May problema ba sophia?'- tanong ni dylan ng mahalata ang pag iba ng kilos ko.

'Dark users=_='- malamig kong sambit.

Dahil sa sinabi ko ay dali daling inilabas ni dylan ang kanyang wand na nakatago sa ilalim ng kanyang kapa. Isa sa mga kahinaan ng mga witch at wizards ay ang kanilang wand. Sa wand nang gagaling ang kanilang kapangyarihan kaya naman oras na mawala ito o masira ay para na lang silang isang normal na tao. Maari pa naman itong palitan ngunit isang napakahabang proseso ang kakailanganin.

*BOGSHH*

Narinig kong pagsabog sa unahan namin na ikinahinto ng sasakyan namin.

Agad akong lumabas sa karwahe upang harapin ang mga dark user ngunit bago pa man ako makalapit sa unahan ay bigla na lang akong hinila ni dylan at itinago sa kanyang likod.

'Dito ka lang sa likod ko, ako nang bahala sa kanila-_-'- seryosong sambit ni dylan habang masamang nakatingin sa mga dark user.

Tss, akala ko ba ako ang magbabantay sa kanya. Bakit mukhang ako pa ata ang binabantayan =_=.

Sampong dark user ang nasa harap namin, patay na ang mga kawal na naghahatid sa amin kaya naman kami na lang ni dylan ang makikipaglaban.

Hindi ko na inintindi pa si dylan at nagsummon ng chain. Kong iniisip nyong chain ang gagamitin ko sa pakikipaglaban ay nagkakamali kayo. Bago pa man makasugod si dylan ag agad ko na siyang pinuluputan ng chain at iginapos sa isang puno. Misyon ko ang panatilihin siyang ligtas kaya naman kong kinakailangang igapos ko siya ay gagawin ko para lang hindi siya masaktan.

'Hey sophia, pakawalan mo ko'- sambit ni dylan at pilit na nagpupumiglas na hindi ko na lamag pinansin. Pinalibutan ko ng invisible barrier ang puno kong nasaan si dylan para masiguro na hindi siya malalapiyan ng mga dark user saka ako naglakad patungo sa kalaban.

'Sophia, pakawalan mo ko'- narinig kong sambit ni dylan sa aking likod na hindi ko na lang pinansin at patuloy na lumapit sa mga dark user.

'Nagpapakamatay ka ba babae?*evil smirk*'- sambit ng lalaking nasa unahan, sa tingin ko ay siya ang tumatayong lider ng mga to.

'Bakit hindi mo na lang ibigay sa amin ang prinsipe, at sinisigurado kong hindi ka namin sasaktan'- dagdag pa niya. Tss ang daldal=_=.

Dahil sa pagkainip ay agad na kong nag summon ng dalawang throwing knives at inasinta ang dalawang nasa gilid. Dahil siguro sa pagkabigla ay hindi na nito nagawa pang umiwas kaya naman sakto sa kanilang noo tumama ang throwing knives.

'Hayop ka magbabayad ka'- galit na sambit ng kanilang lider at agad na nagpaulan ng mga glass blade.

Iwas lamang ako ng iwas sa kanyang mga ibinabato. Nag summon ako ng twin sword at habang umiiwas sa mga glass blade na itinatapon ng kanilang lider ay pasimple akong lumapit sa isang dark user na malapit sa akin. Malapit na sana ang aking twin blade sa kanya ng maiwasan niya ito at binato ako ng mud ball. Dahil sa pag iwas ko sa mud ball ay hindi ko na napansin ang isang glass blade na paparating sa aking tagiliran na nag sanhi ng malalim na hiwa dito.
'Shit'- saisambit ko ng makaramdam ako ng kaunting panghihina, alam kong may lason ang blade na tumama sa akin kaya naman kinakailangan ko na tong tapusin bago pa ko tuluyang mang hina.

Nagpa ulan ako ng maraming throwing stars sa mga kalaban at sinamahan ko na rin ng mga lason para matapos na agad ang laban. Nang mawala ang mga throwing stars na pinaulan ko ay siya namang pagbagsak ng limang dark user na nasa harap ko kaya tatlo na lang ang nasa harap ko ngayon.

Galit na tumingin sa akin ang kanilang lider at susugod na sana ng nakarinig kami ng mga yapak na paparating na nagpatigil sa kanya.

'Magbabayad ka, babalikan kitang babae ka'-  galit na sambit ng kanilang lider bago tuluyang mawala.

Nang masigurong wala na ang mga kalaban ay inalis ko na ang barrier at kadena na naka pulupot sa katawan ni dylan.

Dali daling lumapit sa akin si dylan at inalalayan ako sa pag upo, hindi naman ako baldado para alalayan pa=_=.

'May sugat ka, kailangan mong madala agad sa palasyo para magamot'- nag aalala niyang sambit habang nakatingin sa sugat ko.

'Ang tigas kasi ng ulo mo, dapat hinayaan mo na lang akong tumulong'- naiinis niyang sambit habang ako naman ay tila wala lang narinig at tumingin sa mga kawal na paparating. Nararamdaman ko na ang unti unting pagkalat ng lason sa akin katawan ngunit hindi ko ito pinakita kay dylan.

'Mahal na prinsipe, ayos lang po ba kayo?'- tanong ni general lucas ng makalapit sa amin.

'Ayos lang ako lucas, pero si sophia kailangan niyang magamot agad'- sambit ni dylan at naramdaman ko na lang ang pag angat ng aking katawan.

'Tss, kaya kong maglakad'- walang emosyon kong sambit kay dylan

'Wag na ngang matigas ang ulo. Ako parin ang prinsipe kaya ako ang masusunod'- sambiy niya saka ako ipinasok sa karwahing dala ni lucas.

Dylan P.O.V

'Anak magiging ok lang siya, kaya kong maari ay maupo ka na at nahihilo na ako'- pagpapakalama sa akin ni ama.

Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto ni sophia, pagkarating na pagkarating pa lang namin sa palasyo ay agad na akong nagpatawag ng isang healer, ngunit hangang ngayon ay hindi parin lumalabas ang healer.

'Kamusta na na si sophia?'- agad kong tanong sa head healer namin ng lumabas siya sa kwarto.

'May lason na nakakapagpahina ng katawan ang blade na tumama sa kanya kaya hangang ngayon ay hindi parin siya nagigising'- sambit ng healer.

'Magiging ok po ba siya'- agad kong tanong na sinagot niya naman ng tango.

'Huwag po kayong mag alala mahal na prinsipe, magiging maayos din po ang kalagayan ng inyong kasintahan.'- sambit ng healer kaya naman naka hinga ako ng maluwag sa aking narinig.

'Maari ko ba siyang makita?'- tanong ko na sinagot niya naman ng tango. Agad na kong pumasok sa kanyang kwarto at doon natagpuan ko siyang mapayapang natutulog. Kahit sa pagtulog ay para parin siyang anghel.

'Anak baka matunaw*smirk*'- nakangising sambit ni papa, hindi ko napansin na sumunod pala sila sa akin.

'Hon inlove na ang anak natin hihihi^_^'- parang bata namang sambit ni mama. Buti naman at naging madaldal nanaman siya. Kanina kasi ay hindi ko man lang narinig ang kanyang boses habang ginagamot si sophia.

'Mukha nga'- pagsang ayon naman ni papa.

'Tsk, tumigil na nga kayo,hindi ako inlove kay sophia. Natural na mag alala ako  dahil kaibigan ko siya'- sambit ko.

'Bakit may sinabi ba kaming kay sophia ka inlove?*smirk*'-sambit no papa.

'Ewan ko sainyo'- sambit ko at agad na nagtungo sa gilid ng kama ni sophia. Narinig ko pa ang pagtawa nila mama at papa habang ako naman ay alam kong namumula na sa kahihiyan.kong minsan ay nakakainis rin ang pagiging isip bata ng mga magulang ko.

______________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon