chapter 45

16.5K 432 15
                                    

Melody P.O.V

'Handa na ba kayo sa inyong pag sasanay mga bata?^_^'-masayang tanong ni HM dave pagkapasok na pagkapasok pa lang ng training room.

'Wala pa po si sophia HM'- sambit naman ni tracy, siguro ay hindi pa nila alam na may missiong pinuntahan si sophia at kahapon pa umalis.

'Hindi makakasama si sophia sa training nyo, ipinadala ko siya sa misyon kaya naman kayo lang ang magtetraining'- paliwanag ni HM na ikinabigla ng mga black class maliban na lang kay kaito na wala paring reaksyon.

'Ano? Bakit si sophia lang?'- nakabusangot na sambit naman ni troy.

'Dahil mag tetraining kayo'- sambit ni HM na mas lalong ikinabusangot ni troy.

'Ngayon kong wala na kayong tanong ay sisimulan na natin ang inyong training, huwag kayong mag alala dahil basic pa lang naman ang ipapagawa ko sa inyo^_^'- excited na sambit ni HM.

'Kumuha na muna kayo ng tig aapat na bracelet dito^_^'- nakangiting sambit ni HM saka inilapit sa amin ang hindi kalakihang box na naglalaman ng mga itim na bracelet.

'Ang bait mo talaga HM^_^, salamat sa bracelet. Ano to souvenir? '- masayang sambit ni mica at agad na kumuha ng apat na bracelet, at maging ang mga kasama ko ay kumuha na rin ng para sa kanila.

'Susuotin nyo yan hangang sa matapos ang ating trainig'- paliwanag ni HM ng lahat na kami ay makakuha.

'Bakit apat HM?'- tanong no alex.habang pinagmamasdan ang mga bracelet.

'tig isa sa kamay at tig isa rin sa paa. Ngayon ay suotin nyo na at pagkatapos nito ay maari na kayong magliwaliw, bukas na uli tayo magkikita kita^_^'- nakangiting sambit ni HM na agad naman naming sinunod.

'Hay salamat makakapag pahinga na rin ako, akala ko talaga ay training kaagad.'- sambit ni mark ng maisuot ang mga bracelet.

'Sya nga pala, mag aactive ang bracelet pagkalipas ng sampong segundo'- nakangising sambit ni HM na ikinakunot ng noo namin.

'Ano pong mag aactive?'- nalilitong tanong ni fiona at bago pa man makasagot si HM ay naramdaman ko na lamang ang pagbigat ng mga bracelet na naging sanhi ng aking pagtumba. Nakita ko rin ang biglang  pagtumba ng mga kasama ko at maging sina kaito, haru at ethan ay hindi naka ligtas.

'Anong---,bakit bumigat?'- tanong ni vince habang pilit na itinatayo ang sarili.

'Hindi  ko ba nasabing  sa oras na mag active ang bracelet ay magkakaroon ito ng bigat na aabot sa 100 pounds?'- inosenting tanong ni HM dave na ikinalaki ng mata ng mga kasama ko.

'Ibig sabihin buong trainig namin itong susuotin?'- hindi makapaniwalang sambit ni kate.

'Oo, ang astig diba?'- parang batang sambit ni HM habang kami ay naka ngangang nanlalaki ang mata.

'Tsk'- sambit ni kaito at pilit na tumatayo.

'Sabi mo basic lang ang training namin ngayong araw, eh bakit ganito?'- pag rereklamo ni vince.

'Basic naman yan ah,sige mga bata bukas uli at siya nga pala, sanayin nyo na ang sarili nyo sa bracelet dahil pagkatapos ng training lang yan tatangalin.'- nakangising sambit ni HM at agad na umalis.

'Tss naisahan tayo ng gurang na yon'- naiiling na sambit ni ethan.

'Tara balik na lang tayo sa dorm'- sambit ni fiona na sinang ayonan naman naming lahat.

Halos gumapang na kami mapunta sa aming dorm ng mga kasama kaya naman hindi maiiwasang mapatingin sa amin ang mga estudyanting dumadaan, ang iba naman ay nagbubulungan.

Nakakainis talaga si HM, basic pa lang to pero halos maglupasay na kami, pano pa kaya pag talagang training na.

Sophia P.O.V

Maaga akong nagising para samahan si dylan sa school. Ngayon na ang simula ng misyon ko kaya naman kinakailangan kong sumama kay dylan kahit saan man siya mag punta, pero syempre maliban na lang sa cr. =_=.

Pagkarating ko sa hapag kainan ay kompleto na sila at mukhang hindi pa sila kumakain.

'Good morning sophia^___^'- hyper na pagbati ni tita.

'good morning ija ^_^'- nakangiti namang bati sa akin ni tito.

'Good morning sophia, kain ka na^_^'- sambit ni dylan.

'Morning'- balik na pagbati ko naman sa kanila.

'Siya nga pala ija naeenroll na kita sa school ni dylan^_^'- excited na sambit ni tita habang kumakain kami. Para talaga siyang bata=_=.

'At ano namang dinahilan mo? Alam mong bawal ang magic user doon at hindi naman natin pweding sabihing bantay siya ni dylan'- sambit ni tito.

'Hihihi sanabi kong fiance siya ni dylan^____^'- masayang sambit ni tita na ikina nganga namin.

'hay naku mahal, bakit nga ba pumayag akong ikaw na ang mag enroll kay sophia.'- naiiling na sambit ni tito ng maka recover.

'*pout* dapat nga sana sasabihin kong asawa siya ni dylan eh'- sambit ni tita.

Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa katabi kong si dylan dahil sa masyadong tahimik, nakita kong nanlalaki ang kanyang matang naka tingin sa kanyang ina at medyo naka awang pa ang bibig, nakita ko rin ang pamumula ng kanyang tenga. Siguro ang galit siya kaya namumula ang kanyang tenga.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kaming umalis para pumasok. Walang uniform ang school ng mga witch at wizard, ang tanging kailangan lang suotin ay ang kapa. Kulay black na may gold star sa may dibdib ang aking kapa na katulad din ng kay dylan. Sabi ni dylan ay dalawa lang daw kaming may gold star na kapa dahil palatandaan ito na isa kaming royalties. kong nagtataka kayo kong bakit nasama ako sa royalties samantalang ang alam naman nila ay isa akong simpleng mag aaral ng academy, yon ay dahil sa sinabi ni tita na fiance daw ako ni dylan kaya automatic na magiging royalty ako =_=.

'Bye anak, bye sophia mamimiss ko kayo'- maluha luhang sambit ni tita bago kami sumakay karwahe.

'Ma ilang oras lang po kami mawawala, babalik din kami mamaya kaya wag ka nang magdrama'- nakabusangot na sambit ni dylan.

'Wahhh *sob* mahal h-hindi na *sob* ko mahal ng anak natin *sob* '- drama ni tita. Napapailing na lang ako sa pagiging isip bata ni tita habang si tito naman ay napapakamot na lamang ng kanyang batok.

'Sige na umalis na kayo at mukhang nababaliw nanaman ang asawa ko'- sambit ni tito kaya walang pasabing hinigit ako ni dylan papasok sa karwahe.

_______________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon