Headmaster Dave P.O.V
Kitang kita ko ang lungkot at galit sa mukha ng mga black class at elites ng makabalik sila galing sa kanilang misyon. Miski ako ay hindi maiwasang malungkot dahil sa sinapit ng mga taga Liruz at Geria City. May mga namatay na mamamayan ng Liruz City ngunit mas marami ang sa Geria, umabot lang ng walo ang naka ligtas sa Geria kasama na roon ang sangol na nahanap ni miss kate.
*tok*tok*tok*
'Pasok'- ako
'Kuya, nasa meeting room na ang lahat ng reyna at hari'- seryosong sambit ni lance kaya agad na kong nag ayos at nagtungo sa underground. May secretong daan dito sa aking opisina kaya hindi na ko mahihirapan pang pumunta sa meeting room. Sumunod naman sakin ang kapatid kong si lance, siya ang headmaster ng Light Academy kaya kinakailangang sumama siya. Nagpatawag nang meeting ang reyna at hari ng invictus kingdom dahil sa mga nangyayari ngayon.
*tok*tok*tok*
'Pasok'- narinig kong sambit sa loob ng meeting room na agad naman naming sinunod.
'Magandang umaga po mahal na hari't reyna'- magalang kong sambit at bahagyang yumuko na ginaya naman ng aking kapatid.
'Maupo kayo=_='- malamig na sambit ni Haring Wyatt ang hari ng Invictus Kingdom.
'Kamusta ang Liruz at Geria City HM?'- malumanay namang tanong ni Reyna Seina ang asawa ni Haring Wyatt.
'Ipinadala ko po ang mga black class at elites para tumulong ngunit huli na ng makarating sila sa Geria dahil naka alis na ang mga dark user habang ang sa Liruz naman ay may ibang namatay at nasugatan pero marami paring naisalba.'- paliwanag ko.
'Hindi talaga titigil ang mga dark user hangat hindi nila nasasakop ang buong magic world'- galit na sambit ni haring Aron ang hari ng air kingdom habang tahimik namang nakikinig ang asawa nitong di reyna Hanna.
'Kailangan na nating kumilos.'- sambit ni Haring Firo, ang hari ng fire kingdom. Na ikinatango naman ng iba.
'Kamusta na ang mga bata?'- tanong ni reyna Ciara ang asawa ni haring Firo.
'Maayos naman po sila sa ngayon ay ako ang nag iinsayo sa kanila para maihanda sa pag atake ng mga dark user maging ang ibang estudyante ay pinag eensayo na rin namin'- paliwanag ko.
'Nalaman kong pati raw ang mga witch at wizard ay idinadamay na rin ng mga dark user'- sambit ni reyna ceana ang reyna ng water kingdom, nakaabot na rin pala sa kanila ang tungkol sa mga witch at wizard.
'Anong idinadamay?'- seryosong sambit ni reyna Nieza ang reyna ng earth kingdom.
'tinangka pong kunin ng mga dark user ang tagapag mana ng witch at wizards kingdom ng sa ganon ay umanib sa kanila ang kanilang kaharian'- paliwanag ni lance na ikinabigla ng iba.
'Kong ganon ay kailangan nating bantayan ang kanilang tagapag mana'- nag aalalang sambit ni haring Calex ang hari ng water kingdom.
'Huwag po kayong mag alala dahil may ipinadala na kong mag babantay sa kanya'- malumanay kong sambit.
'Sino ang iyong ipinadala?'- tanong ni Haring Geo ang hari ng earth kindom.
'si sophia, isa siya sa mga estudyante ng academy'- sambit ko.
'So-sophia'- nauutal na sambit ni Reyna Seina habang bakas naman sa mukha nito ang lungkot.
'Opo mahal na reyna. '- ako.
'A-anong kapangyarihan niya?'- tanong niyang muli habang si haring Wyatt naman ay tahimik lang sa kanyang tabi.
'Isa po siyang weapon summoner mahal na reyna'- sagot ko na sinagot niya na lamang ng tango.
'May problema ba Seina?'- nag aalalang tanong ni reyna Ceana na sinagot naman ng iling ni reyna seina.
'Hindi naman sa minamaliit ko ang ipinadala nyo HM, pero hindi po ba mapanganib na siya lang ang ipinadala nyo lalo na't babae siya. Alam natin ang kayang gawin ng mga dark user'- sambit ni reyna hanna.
'Huwag po kayong mag alala dahil malakas po si sophia. Alam kong makakaya niya ang kanyang misyon'- nakangiti kong sambit na sinagot niya na lamang ng tango. May tiwala ako kay sophia, alam kong hindi niya ko bibiguin.
'Kong ganon ay mas kailangan na muna nating pag tuonan ng pansin ang problema natin dito'- sambit ni haring Wyatt na sinang ayonan naman namin.
'HM dave at HM lance, mas maganda siguro kong pag isahin nyo na lang ang fortis at light academy ng sa ganon ay hindi na kayo mahihirapan sa pag eensayo sa kanila.'- sambit ni haring Wyatt.
'Masusunod po mahal na hari'- sambit ng aking kapatid habang ako ay tumango na lamang.
'Mas maganda rin na pag ensayohin natin ang lahat ng kawal ng bawat kaharian para makapag handa'- sambit ni Haring Geo na sinang ayonan namin.
'dadagdagan ko na rin ang mga gamot na ginagawa ng aming kaharian para magamit kong sakaling sumugod ang mga dark user, hindi natin maaaring iasa sa mga healer ang panggagamot.'- sambit ni reyna Neiza.
'Kong ganon ay ang earth at water kingdom ang bahala sa mga gamot habang ang fire at air kingdom naman ang bahala sa mga armas. Habang kami naman ang aasikaso sa barrier ng buong magic world'- seryosong sambit ni haring Wyatt.
Halos inabot kami ng isang oras at kalahati sa pagpaplano sa aming gagawin, ng matapos Ang meeting ay hindi na muna kaagad umalis ang mga hari't reyna ng iba't ibang kingdom para makita ang kanilang anak, maliban na lang sa hari at reyna ng invictus kingdom na wala namang anak na nag aaral dito.
Fiona P.O.V
Nandito kaming black class sa garden para mag pahinga, kakatapos lang naming mag self training dahil sa hindi naka rating si HM.
'Fiona may pagkain ka ba?'- tanong ni tracy sa aking tabi.
'Wala '- sagot ko naman at itinuon ang aking pansin sa mga nag gagandahang bulaklak.
'Wahhhh ANAK KOOOO'- halos atakihin na ko sa puso ng marinig ang sigaw sa aming likod at maging ang mga kasama ko ay kita rin ang pagkabigla. Wala sa oras akong napatingin sa aming likod at napailing na lang ako ng makita si tita Ceana na tumatakbo palapit kay Mica, ngayon alam nyo na kong saan nag mana ang pagiging isip bata ni Mica=_=.
'Pwede ba Ceana paki hinaan naman ng boses no'- pagsasaway naman ni Mama.
Hindi naman siya pinansin ni tita Ceana at padambang yinakap si Mica.
'Wahhhh mama na miss kita'- excited namang sambit ni mica habang nakayakap kay tita napa iling na lang si tito Calex sa inasal ng kaniyang mag ina.
'Na miss kita anak'- nakangiting sambit ni mama ng makalapit sa akin sabay yakap.
'Namiss din kita mama'- sambit ko naman.'Kamusta ka na anak?'- tanong ni papa sa tabi ni mama.
'Ayos naman po ako, kayo po?'- ako.
'Ayos naman kami'- sagot ni papa.
'Bakit po pala kayo nandito?'- ako
'May pinag usapan lang kami ni headmaster'- sambit ni na sinagot na ko na lamang ng tango.
Walang kaming ibang ginawa kundi ang mag asaran at kumain dito sa garden. Ka close naman nina tracy at troy ang mga magulang namin kaya hindi na sila nahihirapan pang makisama sa amin habang ang mga magulang naman daw ni kaito ay naiwan sa palasyo, nakababatang kapatid ni haring firo ang ama ni kaito kaya naman ito ang kanyang pinagkakatiwalaan kong wala sila.
'Sige na anak aalis na kami'- pagpapa alam ng aking mga magulang habang ang iba naman ay kanya kanyang pag papaalam sa kanilang anak.
'Sige po mama, papa'- nakangiti kong sambit.
'Mag iingat ka palagi'- bilin ni mama na sinagot ko naman ng tango.
Pagka alis na pagka alis ng mga magulang namin ay siya namang balik namin sa aming dorm. Masaya na rin ako dahil kahit papano ay nakapag bonding kami sana lang ay nandito si sophia para makilala siya nila mama at papa.
__________________________________