chapter 29

18K 467 2
                                    

Sophia P.O.V
'Good job kids, natapos niyo nang mas maaga ang inyong misyon ^__^'- nakangiting sambit ni HM pagkapasok pa lang namin sa kanyang opisina.

'Wala yon HM, alam ko namang matatapos agad namin yon'- mayabang na sambit ni Mark.

'Kong makapag salita parang may naitulong'- pagpaparinig ni kate.

'may naitulong naman ako ah?'- sambit ni mark.

'Anong naitulong mo? Ang pakikipaglandian?'- sagot naman ni kate.

'Hindi nga sabi ako nakikipag landian don, gentleman lang talaga ako.'-sambit naman ni mark.

'nakikipag landian ka man o hindi, ikaw parin ang may kasalanan kong bakit tayo nakuha ng mga heluiz'- naiinis na sambit ni kate.

'Tumigil na nga kayo, ang mahalaga ay ligtas na tayo'- pag aawat ni melody sa dalawa.

'Tama, ligtas na naman tayo kaya huwag na kayong mag away'- pag sangayon naman ni alex.

Kahapon pa sila nag aaway at hanggang ngayon ay si mark parin ang sinisisi ni kate kaya sila nakuha ng mga heluiz, kong hindi daw kasi malandi si mark at lumapit sa babaing kinulang ng tela ay hindi sila makukuha. Tss mga isip bata talaga=_=.

'Quiet kids'- sambit ni HM na iki natahimik ng mga kasama ko.

Kahapon pa kami naka balik ng academy ngunit ngayon lang kami pumunta dito sa opisina ni HM.

Walang portal sa haxcria city patungo ng academy kaya naman kinakailang pa naming maglakad, at  hindi ko naisip na napaka layo pala ng haxcria sa academy kaya naman inabot na kami ng dalawang araw sa paglalakad=_=. Kong may portal lang sana sa haxcria city ay tatlong araw lang ay nakabalik na kami ng academy.

'dahil sa maaga nyong natapos ang inyong mission ay binigyan ko kayo ng dalawang araw na pahinga,....'- sambit ni HM na agad namang pinutol ni Mark.

'Yun oh. Makakapag pahinga rin'- sambit ni mark

'Wahhh mag shoshopping ako*_*' - sabay na sambit ni melody at kate habang kumikinang pa ang mata=_=.

'Bibili ako ng pagkain*_*'- alex

'Pwede ba, pataposin nyo muna ako?'- naiinis na sambit ni HM.

'Hehehe peace HM ^_^v' -melody.

'As I was saying, bibigyan ko kayo ng dalawang araw na pahinga pero....'- sambit ni HM na pinutol nanaman ng mga kasama ko.

'Pero?' - sabay sabay na sambit ng apat habang kaming dalawa ni haru ay nakikinig lang.

'Papataposin niyo ba ako o kayo ang tataposin ko?'- galit na sambit ni HM habang masamang nakatingin sa apat.

'He-he sa-sabi nga po namin papataposin muna namin kayo sa pagsasalita'- namumutlang sambit ni alex habang yong tatlo naman ay hindi na lang kumibo. Tss mga takot din naman pala kay HM.

'Ok balik tayo sa ating pinag uusapan'- kalmadong sambit ni HM. Bipolar talaga=_=

'Bibigyan ko kayo ng dalawang araw na pahinga pero pagkatapos ng inyong pahinga ay magkakaroon uli kayo ng training.'- seryosong sambit niya.

'Training nanaman?'- umaangal na sambit ni melody.

'Hindi isang simpling training lang ang ibibigay namin sainyo'- seryosong sambit ni HM na ikinaseryoso naman ng mga kasama ko.

'ipapasok namin kayo sa death forest, para hasain ang inyong survival skills'- sambit ni HM na ikinaputla ng mukha ng mga kasama ko at maging si haru ay nakitaan ko rin ng pagkabigla.

'De-death forest?'- namumutlang sambit ni kate na tinanguan lamang ni HM.

'Hi-hindi naman siguro kayo galit sa amin diba HM?'-  kinakabahang sambit ni alex.

'Nope'- kalamadong sambit ni HM.

'Hindi naman pala, pero bakit gusto niyo na kaming mamatay?'- nagpapadyak na sambit ni alex na ikinakunot noo ni HM.

'May balak ka bang patayin kami HM? Seryoso sa death forest?'- hindi makapaniwalang sambit ni mark at nang tignan ko si melody  ay nakita kong hangang ngayon ay nanlalaki parin ang mata na tila hindi pa nagpoprocess sa utak ang sinabi ni HM.

'Nakaya nga ng mga estudyante sa FM academy ang makalabas doon kaya naman sigurado akong makakaya ninyo yan'- confident na sambit ni HM na ikinakunot ng noo ko. Wala akong alam na pumunta ang estudyate ng FM academy sa death forest.

'Eh iba naman yon. Mga elemental sila HM and take note mga royalties pa' -sambit ni melody ng makabawi na sa pagkabigla. So ang mga elemental lang pala ang pumunta ng death forest.

'elemental man o hindi, alam kong kakayanin nyo ang makalabas ng death forest. dapat nga ay last year pa kayo nagtraining sa death forest, kasabay ang mga elementals pero ipinagpaliban ko muna dahil alam kong hindi pa kayo handa.'- paliwanag no HM. Kaya pala wala akong alam tungkol sa pagpunta ng mga elementals sa death forest ay dahil last year pa ito naganap.

'Pero-'- aangal pa sana si kate ng tignan siya ng masama ni HM na ikinatigil niya.

'Wala nang pero pero. My decision is final. Maaari na kayong umalis'- HM

*********************
'Wahhhh RIP satin guys'- naiiyak na sambit ni melody sabay salampak ng katawan sa sofa pagkarating na pagkarating pa lang namin sa dorm.

'huhuhu ayaw ko pag mamatay'- pagdadrama naman ni kate =_=.

'Tss basta hindi kayo tatanga tanga  hindi kayo mamamatay'- seryosong sambit ni haru sa aking tabi.

Nandito kaming lahat sa sala at pinaguusapan ang tungkol sa death forest. Kong nagtataka kayo kong bakit ganon na lang katakot ang mga kasama ko sa death forest, yon ay dahil maraming ibat ibang masasamang nilalang ang gumagala sa death forest at may kakayahan din itong limitahan ang iyong kapangyarin kaya naman tanging 30% lang ng kapangyarihan ang magagamit kapag nasa loob na ng forest. Marami ng mga user na nagtangkang pumasok sa death forest pero kakaunti lang ang mga pinalad na makalabas kaya naman simula noon ay kinatatakotan na ang death forest.

Hindi na ko nakinig pa sa kanilang pinag uusapan at nagtungo na lang sa aking kwarto para makapag pahinga. Nakita ko rin ang pag sunod ng aking mga kasama.
.....

_________________________________




Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon