chapter 68

11.4K 289 0
                                    

Sophia P.O.V

'So how's your training kids?'- nakangiting bungad sa amin ni master rej pagkapasok namin ng kanyang bahay.

'Boring'- bored na sambit ni ethan.

'Nakakainis'- sambit  ni tracy.

'Nakakapagod'- sambit naman ni mark

Habang ang iba ay tahimik lang at mukhang pagod na pagod.

'Magpahinga na muna kayo sa kwarto niyo at mukhang pagod na pagod na kayo'- sambit ni master ng makita ang pagod sa mukha ng mga kasama ko.

Wala nang inaksaya pang oras ang mga kasama ko at agad na nagtungo sa kani kanilang kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto ay si sep agad ang hinanap ng aking mata, hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ang mahimbing nitong pagkakatulog sa aking kama. Pansamantala munang si master rej ang pinaalaga ko kay Sep ng magsanay kami, hindi naman kasi maaaring isama ko siya. mabuti na lang at pumayag si master na iiwan ko sa kanya si Sep kahit na napakailap nito sa ibang tao.

Dahil sa pagod ay hindi ko na nagawa pang maligo o kaya naman ay maglinis man lang ng katawan agad na kong tumabi kay sep hangang sa maramdaman ko na lang ang unti unting paghila sa akin ng kadiliman pero bago pa man ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko ang pag siksik sa akin ni sep.

*Fast forward*

'Bakit nyo po kami ipinatawag master?'- tanong ni mica na humihikab pa at kita sa mukha ang pagkabitin sa tulog.

Nandito kami ngayon sa sala, nasa kalagitnaan kasi kami ng pagtulog ng bigla na lang kaming ginising ni master. Siguraduhin niya lang na importante ang sasabihin niya dahil kong hindi ay baka mailambitin ko siya sa labas=_='

'May importante akong sasabihin sa inyo'- seryosong sambit ni master.

'Hindi po ba makapag hihintay yan? Pagod pa ko'- inaatok pang sambit ni troy.

'Hindi, dahil tungkol sa academy ang sasabihin ko'- seryoso niyang sambit na nakapagpawala ng antok ng mga kasama ko.

'anong meron sa academy?'- seryosong sambit ni haru habang seryoso namang naghihintay ang iba pa. Kita ko ang kaba sa mukha ng mga kasama ko, maging ako ay kinakabahan rin.

'sumugod ang mga dark user sa academy, at napag alaman ko rin na isang dark user ang inaakala ninyong si dave'- seryoso niyang sambit na ikinabigla ng mga kasama ko.

Nabigla ako ng malaman ang pag sugod ng mga dark user pero kahit na ganon ay wala ka paring makikitang emosyon sa mukha ko. Noong una pa lang ay alam ko nang may hindi tama kay HM at hindi nga ako nagkamali dahil hindi siya ang tunay na headmaster namin=_=.

'Kamusta na ang mga estudyante?'- nag aalalang tanong ni fiona

'Marami ang sugatan at may iba ring namatay habang ang iba naman ay nawawala'- sambit ni HM.

Kalmado man ako kong titignan pero deep inside ay gustong gusto ko nang magwala sa sobrang galit. Napakawalang puso talaga ng mga dark user at maging ang mga innosente ay nagagawa nilang patayin.

Master rej P.O.V

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga bata, sa unang tingin pa lang ay makikita mo na ang pagbabago sa kanila simula ng mag sanay sila.

Seryosong nag uusap ang iba habang tahimik naman sa isang tabi sina kaito, sophia, ethan at haru.

'Growwll'- sabay sabay kaming napalingon sa hagdan ng marinig ang isang mahinang pag ungol at doon nakita ko ang maliit na tigreng alaga ni sophia, Agad na tumakbo ang maliit na tigre palapit kay sophia at malambing na kumandong sa kanya.

Napailing na lang ako nang makita kong gaano ito kaamo habang nakatingin sa mukha ni sophia, samantalang ako, miski ang lumapit man lang ay nagagalit na agad sa akin -_-. Kong gaano kaamo at kainosente ang mukha ng tigreng alaga ni sophia ay siya namang nakakatakot kapag galit ito. Talaga ngang mag amo sila parehas na nakakatakot.

'Bukas na bukas ay magsisimula na kayong maglakbay'- sambit ko na ikinalingon nila.

'Kinakailangan ninyong balaan ang mga kaharian para makapaghanda sa nalalapit na digmaan'- pagpapatuloy ko na sinagot naman nila ng tango.

'How about the invictus kingdom?'- malamig na tanong ni sophia, kong minsan ay napapaisip ako kong may alam pa ba siyang ibang emosyon, kong hindi lang siya nagsasalita  at gumagalaw baka napagkamalan na siyang manika.

'Mapapahamak lang kayo kapag bumalik pa kayo sa invictus kingdom kaya mas makakabuting ang ibang kaharian na lang ang puntahan ninyo, huwag kayong mag alala dahil may inutosan na akong magsabi sa mga namumuno sa warrior ng invictus kingdom'- pahayag ko na sinagot naman nila ng tango.

'Hindi ba pweding magpahinga na muna kami ng ilang araw bago mag lakbay? Kakatapos lang ng trainig namin'- angal ng ni alex sa tabi na sinang ayonan naman ni vince.

'hindi tayo maaring magsayang ng oras dahil ano mang oras ay maaaring sumugod ang mga dark user'- seryoso kong sambit na ikinatahimik nila.

'Maaari na kayong magpahinga ulit'- sambit ko at nauna nang maglakad pa pasok sa aking kwarto para mag pahinga. Ilang araw na rin akong walang maayos na tulog.

_________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon