chapter 5

23.7K 688 13
                                    

It's already 6 AM kaya naman naligo na agad ako at nagpalit na lang ng isang komportableng damit para mamaya sa leveling battle.

Pagkatapos maligo ay nagluto ako ng isang simpling pretong itlog at hotdog at sinangag. Marunong naman akong magluto dahil tinuturuan ako ni ina kapag wala siyang ginagawa.

7:50 na ng napagpasyahan kong lumabas ng aking dorm. Medyo may kalayuan ang battle arena dito kong saan gaganapin ang leveling battle kaya naman nag teleport na lang ako pero bago yun ay sinigurado ko munang walang makakakita sa akin at sa walang tao ako mapupunta.

(Pic of battle arena @ the multi media)

Pagkarating ko sa arena ay maiingay na estudyante agad ang sumalubong sa akin.sa likod ko na lamang mas piniling umupo dahil sa mas kitang kita dito ang kabuuhan ng arena. Nakita ko namang naka upo sila tracy at troy sa pinaka unahan kasama ang mga kaibigan niya.

'GOOD MORNING FORTISIAN ARE YOU READY FOR THE LEVELING BATTLE?'- malakas na sigaw ng isang lalaki/MC sa gitna ng arena

'YES'- malakas namang sigaw ng mga estudyante

'Ang rules ay kailangan nyo lang patumbahin ang sampong halimaw sa loob ng limang minuto, kong sakaling naubos nyo na ang halimaw at hindi pa ubos ang limang minuto ninyo ay may panibagong sampo nanaman ang lalabas. Paalala lang hindi basta basta ang mga halimaw na kakaharapin nyo kaya kailangan ninyong mag ingat'-MC

'ang mauunang sasabak ay ang gray class sunod ay and red, white at black at huli naman ang transferee'- MC

Dahil sa huli pa naman ako ay napagpasyahan kong lumabas na muna at maglibot libot, siguradong mabobored lang naman ako sa loob.

Pasalamat na lang ako at hindi dumalo ang mga reyna at hari ngayong leveling battle lalong lalo na sila ama at ina. Hindi naman sa natatakot akong makilala nila dahil sa kaya kong ibahin ang mukha ko sa paningin nila sa pamamagitan ng spell ngunit natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin sila kapag nakita ko sila dahil sa labis na pangugulila.

Hindi ko maaring pairalin ang aking emosyon kaya naman hangat maaari ay itinatago ko ito dahil maaari itong maging mitsa ng pagkapahamak ng mga mahal ko.

Dahil siguro sa lalim ng ng pag iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa pinaka likod ng school. Maganda naman dito dahil tahimik at halata mong hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao. Dahil sa pagiging curious ay nilibot ko ang paligid, medyo mapuno na din sa parting ito ng school kaya naman nakakatakot tignan samahan mo pa ng katahimikan.

Sa pag lilibot libot ko ay isang ilog ang naka pukaw ang aking attention. Napaka ganda niyang pag masdan dahil sa napaka linis na tubig at mga isdang tila naglalaro.

 Napaka ganda niyang pag masdan dahil sa napaka linis na tubig at mga isdang tila naglalaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Pic po ng ilog)^

Kong titignan at parang isang simpleng ilog lamang ito ngunit alam ko sa sarili ko na may kaka iba dito. Kong hindi ko lang iniisip ang leveling battle ay baka natulog na ko dito ngunit kailangan ko nang bumalik dahil panigurado ay malapit na ko. Medyo napatagal rin kasi ang pag titig ko sa ilog dahil sa nakakahumaling nitong kagandahan.

Tracy P O.V
'Asan na ba kasi si sophia?'- nag aalala kong tanong. Kanina ko pa kasi hinahanap si baby sophie pero hindi ko makita. Gusto ko pa namang makita nya kong pano ako makipag laban *pout*. Dalawa na lang kasi at black class na pero hangang ngayon wala parin sya.

'Hindi ka pa nasanay sakanya tracy. Palagi namang nawawala si sophia'- troy

'Kahit na, dapat andito sya para suportahan tayo *pout*'- ako

'Tumigil ka nga sa kapopout mo, kong iniisip mong ikinaganda mo yan pwes mag isip ka ulit'- troy

'Tumigil ka ngang bakulaw ka at baka mapatay kita=_=#'- naiinis ko sambit. Ako na lang kasi ang palaging nakikita

'Tumigil na nga kayo sa LQ nyo at tayo na ang mag lalaban at ikaw naman tracy, kong hinahanap mo si sophia ayon siya sa taas kakarating lang'- vince sabay tingin sa taas

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni vince about sa LQ thingy at agad tumingin sa taas kong saan sya nakatingin at doon nga nakita ko sa sophia na naka upo. Walang duda talagang earth manipulator si vince dahil agad niyang nalalaman kong nasaan ang isang tao sa pamamagitang ng lupa o kaya naman ay bato. Basta konektado sa earth.

'Oh ayan nakita mo na si sophia, siguro naman mananahimik ka na'- troy

'Che, manahimik ka ngang bakulaw ka'- mataray kong sambit

'At ngayon naman ang pinaka aabangan natin lahat, ang laban ng mga black class. Simulan na natin kay MISS TRACY ICEAN'- MC

'WoooH GO MIS TRACY'- narinig kong sigaw ng ibang estudyante

'I love you miss tracy'- sabi naman ng isang lalaki

'Idol kita miss tracy kaya mo yan'- sambit ng babaing nasa kaliwa namin

'Oh ikaw na tracy, goodluck ^_^'- fiona

'Good luck tracy^_^'- mica

'Good luck'- sabay namang sambit nina vince at troy samantalang tanging tango lang ang natangap ko kay ethan at kaito ano pa bang bago.

Bago ako bumaba ay tumingin muna ako kay sophia at nakita ko siyang tumango na tila sinasabing kaya ko to.

_______________________________________

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon