chapter 91

10.6K 300 7
                                    

Kaito P.O.V

Pagkaalis nang mga kaibigan ko ay agad naman akong lumapit kay sophia at dahan dahang hinawakan ang kanyang kamay. Isang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay wala paring pagbabago sa kalagayan niya.

' please wake up Aya, marami ang naghihintay sayo. '- mahina kong sambit habang panaka nakang hinahalikan ang likod nang kanyang kamay, nakagawian ko na siyang kausapin kapag umaalis na ang aking mga kaibigan. Halos dito na rin ako tumira sa kanyang kwarto dahil sa araw araw na pagbabantay ko.

Hindi ako pumapayag na pabantayan siya sa iba dahil ang gusto ko ay ako ang una niyang makikita pag nagising na siya. Naiintindihan naman ako nang mga magulang at kaibigan ko na labis ko ipinapasalamat.

Tahimik ko lamang siyang pinigmamasdan at hindi ko mapigilang mapahanga dahil kahit na matagal na siyang natutulog ay hindi man lang nababawasan ang kanyang angking ganda. Ang mala ginto niyang buhok ay mas bumabagay sa kanyang maputing balat. Hindi talaga ako magsasawang pagmasdan ang kanyang ganda.

Nang makaramdam na ko nang antok ay yumuko na lamang ako sa kanyang kama, mas gusto kong hawak ko parin ang kanyang kamay kahit na natutulog ako dahil pakiramdam ko ay wala na siya sa oras na magising ako kong hindi ko hawak ang kanyang kamay. Tila may kapangyarihan ang kanyang kamay na sa oras na hawak ko to ay kumakalma ako.

Sophia P.O.V

Nakakasilaw na liwanag na nanggaling sa ilaw ang agad na bumungad sa akin nang magising ako. Ramdam ko rin ang sakit nang aking kayawan na tila hindi man lang ito naigalaw nang ilang taon. Nang ilibot ko ang aking paningin ay natigil ito sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi.

tuwa at awa ang aking nararamdaman nang makita ang kalagayan ni kaito. Natutuwa ako dahil nakikita ko kong gaano ako kahalaga sa kanya at naaawa naman ako dahil sa itsura pa lang niya ay alam kong wala pa siyang maayos na tulog.

Muli kong inilibot ang aking paningin at Hindi ko maalis ang aking paningin sa mga rosas na nasa kwarto ko. May ibang tuyo na habang ang iba naman ay mukhang bago. Nakalagay ito sa isang malaking vase na nakalagay sa mesa.

Hindi ko mapigilang haplosin ang buhok ni kaito habang nakatingin sa kanyang walang emosyon pero maamong mukha. Dahil siguro sa aking pag haplos kaya siya na alimpungatan at dahan dahan iniangat ang mukha, hindi ko mapigilang matawa nag makita ang nakanganga niyang bunganga at nanlalaking mata habang nakatingin sa akin.

'Good evening *smile*'- nakangiti kong pagbati sa kanya habang siya naman ay hindi parin makapaniwala at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

'S-sophia?'- hindi makapaniwala niyang sambit na sinagot ko naman nang isang matamis na ngiti.

'Please Tell me na hindi lang ito isang panaginip'- medyo naluluhang sambit niya habang mahigpit na naka hawak sa aking kamay.

'Hindi ito isang panaginip, gising na ko'- mahina kong sambit habang marahang hinahaplos ang kanyang pisngi.

'Thanks god dahil gising ka na. A-akala ko iiwan mo na ko'- sambit niya saka ako mahigpit na yinakap.

Kita ko ang mga luhang lumalandas sa kanyang mata habang masayang naka tingin sa akin. Masaya rin akong muling makabalik.

Naalala ko pa noong wala ako sa katawan ko. Kinailangan ko munang magpalakas para makabalik sa aking katawan, hindi lang kasi ang katawan ko ang naging mahina nang pagsamahin ko ang aking mga kapangyarihan. Maging ang aking kaluluwa ay naging mahina rin kaya kinailangan ko munang magpalakas para makabalik sa aking katawan.

Haru P.O.V

Maaga kaming nagtungo sa invictus kingdom dahil sa ipinatawag kami nang hari at reyna. Hindi namin alam kong bakit kami ipinatawag pero sa tingin ko ay importante ito dahil hindi naman sila basta nagpapatawag kong alam nilang may pasok kami.

'Sa tingin niyo, bakit tayo ipinatawag? - tanong ni mica sa amin.

'Mag kakasama lang tayo kaya natural na wala rin kaming alam'- pangbabara naman dito ni vince.

'Ikaw ba tinatanong ko?' -naiinis namang sambit ni mica.

'Bakit sinabi ko bang ako ang tintanong mo?'- ganting sagot naman ni vince.

Napailing na lang kami sa dalawa, halos araw araw na lang na palaging ganito ang nangyayari kapag magkasama sila. Akala ko noong una ay si alex at melody lang ang isip bata pero mukhang nagkamali ako kasi mas matured pang tignan sina melody at alex kaysa kina vince at mica.

Pagkarating namin sa palasyo ay ang nakangiting reyna agad ang sumalubong samin.

'Sumunod kayo sa akin'- sambit nang reyna at kahit na nagtataka ay hindi na lamang kami kumibo.

Dinala kami ng reyna sa hapag kainan at doon nakita namin ang iba't ibang pagkain na nakahanda. Nandoon Na rin si tito at maging si kaito na hindi namin inaasahan na sasabay sa pagkain.

'Ano pong sasabihin niyo tita at ipinatawag niyo kami?'- tanong ni ethan nang makaupo kami. Kita ko ang saya sa kanilang mukha at maging si kaito ay tila maaliwalas rin ang mukha.

'May good news kami sa inyo'- nakangiting sambit ni tita habang kami naman ay tahimik lang na naghihintay sa kanyang sasabihin.

Magsasalita na sana si tita na matigil ito nang may magsalita sa likod namin ma siyang ikinatigil namin.

'Good morning' -malamig na sambit sa aming likod.

Boses pa lang ay kilalang kilala ko na ang may ari kaya naman halos hindi ko na magalaw ang aking katawan dahil natatakot akong malaman na nagkamali ako nang hinala. Siguro ay na miss ko lang si sophia kaya pati boses niya ay naririnig ko na rin.

'SOPHIA!'- narinig kong kong sigaw nang mga kaibigan ko na nagpabalik sa akin sa aking sarili.

Hindi na ko nag paligoy ligoy pa at agad na tumakbo kay sophia at walang pasabi sabing yinakap siya.

'G-gising ka na'- hindi makapaniwala kong sambit habang isang tango lamang ang kanyang isinagot.

Kanya kanya namang yakap ang iba pa naming kaibigan habang may masayang ngiti.

'Ehemmm'- natigil kami sa aming pagyakap nang makita ang masamang tingin ni kaito.

'Hahaha wag mong sabihing nagseselos ka?'- nang iinis kong sambit.

'Tsk'- tanging naisambit ni kaito saka inalayo sa amin si sophia

Napatawa na lamang kami sa inasal ni kaito, masyado siyang possessive pagdating kay sophia.

Natapos ang aming pagkain nang nagkekwentohan at nagtatawanan, maging si tito wyatt ay nakikitawa na rin sa amin habang si kaito naman ay alagang alaga kay sophia.

Ngayong gising na si sophia ay tila bumalik na ang masaya naming pagsasamahan. hindi naman sa sinasabi kong hindi kami noon masaya pero sadyang kulang kapag wala ang isa.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon