chapter 67

11.9K 346 14
                                    

Sophia P.O.V

Ito na ang pang huling araw ng aming pagsasanay kaya naman maaga akong nagising para na rin maaga kaming makapag simula.

Sa isang linggong lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi ang magsanay, mahaba na ang apat na oras na pagtulog at pagkatapos noon ay agad nanaman akong nagsasanay.

'Gising kana pala'- narinig kong sambit sa aking likod.

Hindi na ko nag abala pang lumingon dahil isa lang naman ang kasama ko dito, walang iba kundi si val.

'Yeah'- maikli kong sagot habang nakatingin sa mga patay na puno sa paligid.

'Ito na ang huling araw mo dito'- sambit niya ng maka tabi sakin.

Sa mga lumipas na araw ay mas nakilala ko si val at sa mga nagdaang araw din ay mas naging malapit kami sa isa't isa kahit na hindi kami nagsasalita ay tila na iintidihan namin ang bawat isa.

'Anong balak mong gawin ngayon?'- tanong niya makalipas ang ilang sandali.

'Training'-maikli kong sagot.

'Tsk. Tama na ang pagsasanay na ginawa mo, masyado mo nang inaabuso ang katawan mo'- umiiling na sambit niya.

'I need to'- sambit ko.

'kailangan mo ring magpahinga, alam kong kaligtasan lang ng mga magic user ang iniisip mo pero kailangan mo ring isipin ang sarili mo kahit minsan'- sambit niya. Isa sa ugali ni val ang pagiging maalalahanin na alam kong mamimiss ko sa oras na bumalik na ako. Kahit na kaunting oras pa lang kaming nagkakakilala ay nakakatandang kapatid na ang turing ko sa kanya.

'Halika'- sambit niya sabay higit sa akin ng walang pasabi =_=.

'Where?'-tanong ko at nagpatangay na lang sa kanya. Siguro nga ay kailangan ko ring magpahinga.

'mamamasyal tayo*smile*'- sagot niya habang higit higit parin ako.

Napakunot noo naman ako ng marinig ang sinabi niya. Saan naman kami mamamasyal kong puro patay na puno ang nakikita ko=_=.

Lumipas ang halos kalahating oras na pag lalakad ng may matanaw akong lugar. Hindi ko maiwasang mamangha ng makita ang isang lugar na punong puno na naggagandahang halaman at mga punong may iba't ibang klase ng prutas.

'Ito ang pinaka puso ng death land'- nakangiti niyang sambit habang naka tingin sa paligid.

'paradise in the middle of dead land'- sambit ko habang sinusundan ng tingin ang mga ibong masayang nag liliparan. Hindi ko alam na sa kabila ng nakakatakot na itsura ng dead land ay may nagtatagong isang paraiso.

'Patunay lamang ito na kahit na gaano pa kasama ang isang tao ay may kaunting kabutihan parin ang naka tago sa kanya.*smile*'- sambit niya

'Tara na at masasayang lang ang dala kong pagkain kong tititigan lang natin ang paligid maghapon'- sambit niya at muli akong hinigit papunta sa isang mayabong ng puno.Saka ko lang napansin ang isang basket na dala niya.

Wala na siyang sinayang pang oras at agad na inilabas ang mga pagkaing dala niya.

'Hindi ka naman handa noh?'- sambit ko habang nakatingin sa iba't ibang putahing inilalabas niya.

'Hahaha kagabi ko pa to niluto habang natutulog ka.'- sambit niya.

'You mean, planado to?'- hindi makapaniwalang sambit ko.

'Yup'- proud niyang sambit na ikina iling ko.

'kumain ka na ng tumaba ka naman. Paano ka pa niyan magkaka nobyo kong ang payat payat mo'- sambit niya sabay abot sa akin ng plato na punong puno ng pagkain.

'Sexy ako hindi payat'- mataray kong sambit saka inabot ang pagkain.

'Ang sexy may curves'- sambit niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Tinapunan ko na lamang siya ng isang masamang tingin na tinawanan niya lang. Kong minsan ay iniisip ko kong may split personality ba tong si val =_=.

Pagkatapos naming kumain ay namasyal na muna kami sa paligid. 

VAL P.O.V

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinag mamasdan si sophia na mukhang aliw na aliw sa paligid.

Kong dati ay nagtataka ako kong bakit siya ang ipinadala sa akin, ngayon naman ay labis ang aking pasasalamat dahil siya ang napunta sa akin.

Kahit hindi man niya sabihin ay ramdam ko ang problemang kanyang dinadala, kaya naman naisipan ko siyang dalhin dito para naman malibang siya kahit papaano.

Malungkot mang isiping babalik na siya mamaya pero kahit na ganon ay masaya parin ako dahil nakilala ko siya.

Nabigla ako ng maramdaman ang pagtama ng isang bagay sa aking mukha at nang tignan ko ang taong nasa harap ko ay kitang kita ko ang pagpipigil ng tawa ng aking kasama.

Imbis na magalit ay napangisi na lamang ako.

'You better run now'- nakangisi kong sambit na ikinalaki ng mata niya.

Agad akong kumuha ng mga prutas na nahulog sa lupa pero bago ko pa man maibato sa kanya ay agad na siyang tumakbo.

'Shit, don't you dare'- malakas niyang sambit habang matuloy na tumatakbo.

'Ikaw ang nagsimula, gumaganti lang ako hahaha'- sambit ko sabay bato ng isang prutas na tumama sa kanyang ulo at dahil hinog ito kaya naman nagkalat ito sa kanyang buhok.

'Ha-hahahahah mukha ka nang basahan'- tumatawa kong sambit ngunit agad rin naman itong natigil na makita kong pumulot rin siya ng prutas na malapit sa kanya.

Walang pagdadalawang isip naman akong tumakbo palayo sa kanya.

'A-ang bilis mong tumakbo'- hinihingal kong sambit at pasalampak na humiga sa damuhan na sinagot niya lang ng isang ngisi at tumabi sa akin.

'Thanks you'- out of nowhere na sambit niya na ikinalingon ko.

'Thanks you saan?'- nakakunot noo kong tanong.

'Thanks for being my trainor, friend and guardian'- sambit niya habang may tipid na ngiti.

'Wag kang magpasalamat dahil may bayad yon'- nakangisi kong sambit na ikinakunot naman ng kanyang noo.

'Hahaha joke lang. Masaya akong nakilala kita kahit na masungit at cold ka*smile*'- nakangiti kong sambit na sinagot niya rin naman ng ngiti.

______________________________________


Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon