chapter 15

21.7K 605 3
                                    

Sophia P.O.V

'Wahh pagod na ko,kanina pa tayo naglalakad'- reklamo ni mica

'Malayo pa ba fiona?'- tanong ni vince kay fiona na busy sa katitingin sa mapa.

'Malapit na'- simpling sagot ni fiona habang naka tingin parin sa mapa.

Pagkatapos naming kumain ng umagahan kaninang alas singko ay nagsimula na agad kaming maglakad patungong Fi land. malawak ang dark forest kaya naman hindi na kami nag aksaya pa ng oras dahil sa apat na araw lang ang ibinigay sa amin, pasalamat na lang kami dahil wala kaming nakakasalubong na mga mababangis na hayop.

Alas kwatro na nang makarating kami sa tarangkahan ng Fi land at sa pagpasok pa lang namin ay sinalubong agad  kami  ng mga kalalakihan habang nakatutok sa amin ang kanilang sandata.

'Sino kayo at Anong kailangan ninyo dito fi land?'- seryosong sambit ng leader ata nila na sa tingin ko ay kaedaran lang namin.

'galing kami sa  Fortis Magicum Academy, at pinapunta kami rito ni headmaster para sa isang misyon.'- sagot naman ni troy.

'Pano kami nakakasiguro na hindi kayo dark user?'- tanong naman niya kaya naman sabay sabay nilang ipinalabas ang kanilang kapangyarihan na nagpapatunay na hindi sila dark user habang ako naman ay nakatayo lamang.

'Paumanhin sa aking kalapastanganang asal mahal na prinsipe at prinsesa '- magalang na sambit ng lalaki habang nakayoko.

'Huwag ka nang humingi ng paumanhin dahil Naiintindihan namin ang inyong paghihigpit'-sambit naman ni mica.

'Maari mo ba kaming dalhin sa namumuno ng bayang ito?'- malumanay na sambit ni Fiona.

'sumunod po kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa aking ama. Ako nga po pala Iñigo, isang Iron manipulator.'- magalang niyang sambit habang naglalakad.so iñigo pala ang kanyang pangalan, kong titignan ay hindi naman maipagkakaila na gwapo si Iñigo dahil sa kanyang perpektong hugis ng mukha, matangos na ilong, magandang pangangatawan na binagayan ng kanyang katamtamang kulay ng balat.

'Ako naman si fiona, isang air user^__^'- nakangiting sambit ni fiona

'Hello, I'm Mica, water user^__^'- masayang pagpapakilala ni mica

'Sup bro. Troy is the name, lightning user'- maangas na sambit ni troy

'Vince, earth user. Nice to meet you dude'- sambit ni vince

'Hello Iñigo. Ako nga pala si tracy, isang ice user at silang tatlo naman ay sina ethan, isang fire user(sabay turo kay ethan). Kaito, isang lava user(habang nakaturo rin kay kaito) and last but not the least ang aming bunso si Sophia, isang weapon summoner. Wag ka na ring magtaka kong bakit ganyan sila kasi mga taong yelo yan'-masiglang sambit ni tracy

'nice to meet you guys^__^'- nakangiti nyang sambit habang nakatingin... Saakin?. Problema nito?

Nauna nang maglakad sa amin si iñigo habang kami naman ay naka sunod sa kanya.

'Ang ganda mo talaga sophia, pati si iñigo ay nabihag ng iyong kagandahan'- kinikilig na sambit ni mica

'Oo nga, kanina ko pa yon napapansin na panay ang tingin sayo hehe'- dugtong naman ni tracy, habang sina fiona, troy at vince naman ay may nanunuksong ngisi habang naka tingin sa akin. Napa iling na lang ako sa kanilang inasal at hindi na pinatulan pa.

'tss'- kaito

'Hehe at mukhang may nagjejelly rin'- mica

'Torpe kasi'- fiona

Dahil sa hindi ko naman sila maintindihan ay hindi ko na lamang sila pinagtuonan ng pansin at nauna nag maglakad na sinabayan naman nina ethan at kaito.

Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon